Chapter 4

8.8K 442 91
                                    

"Must we go through this?" tanong ng prinsipe. Kailangang mapakasalan ng Prinsipe ang unang anak ng pamilyang Smith Harridan dahil kung hindi ay mawawala sa kanila ang trono.





"You don't have a choice son, yun ang nakasulat sa testamento ng dating hari at wala tayong magagawa roon. Ang karangalan ng ating pamilya ang nakasalalay dito at ikaw lang ang makakapagprotekta nito." pahayag ng hari. Nakaalis na ang mga taga media at ang lahat ay nabigla sa sinabi ng Prinsipe na nakalagay sa testameto







"Magagawan pa natin ng paraan yan" sabat naman ng Reyna.

.



"Kung hindi mo sana pinakealaman ang hardin edi sana hindi nila matatagpuan ang capsule!" paninisi ng Hari sa kanyang Reyna.Nabigla naman ang reyna sa inasal ng kanyang asawa kaya't tumahimik nalamang ito.






"Malay mo baka magustohan nang ating Prinsipe ang babaeng iyon."






Abcidii Pov

Huminga ako ng malalim "May nagawa po ba akong mali?" tanong ko doon kay Mrs. Gina. Nalaman ba nila na nabastos ko ang Prinsipe kahapon at kailangan naming pagusapan ang pagbitay saakin? Waaaah Mama helpppp!







"Bat kailangan pa po akong makita ng Royal Family?" tanong ko. Tinignan lang ako ni Mrs. Gina at inilabas niya ang kanyang cellphone sa kanyang shoulder bag.







"Baka gusto mong makita ito" Pinlay niya ang video at pinakita sa akin.






Shocks ang gwapo talaga ng prinsipe! Pero bat parang ang lungkot niya?






"Ang kasalukuyang tinakdang Prinsipe o Prinsesa ay kailangang pakasalan ang unang anak ng pamilyang Smith Harridan. Hawak ng pamilyang ito ang mana ng Markinswell." muntik ko nang mabato ang cellphone na hawak ko. Anong sabi niya? Kailangan niyang pakasalan ang unang anak ng Pamilyang Smith Harridan? So? Ang ibig sabihin noon ay..






Ay...







"Congratulations Miss Harridan ikaw ay nakatakdang ikasal kay Prinsipe Alastair Lewis Markinswell" WHAT?!








"Huwag kang magalala Miss Harridan wala pang nakakaalam na ikaw ang papakasalan ng prinsipe  hanggat hindi pa ito ipapapubliko hintayin lang natin ang desisyon ng Royal Office. Oo nga pala gusto ka nang makilala ng Royal Family, Your Highness" A-a-ano daw?!





Your Highness....





Your Highness.....






Your Highness......... ME?! O.O




Nagising nalang ako nasa kwarto na ako. Anong nangyari? Nananaginip lang ba ako? Damn!




*knock knock





"Pasok" pumasok naman si Mama na may dalang pagkain. Nakakagutom!





"Kamusta kana anak? nahimatay ka kanina kaya inuwi kana sa bahay." tanong niya. Hinilot ko lang ang aking sentido. Ang sakit ng ulo ko! Mahgash!





"Ma anong nangyayari?" Si Mama lang ang makakapagsabi sa akin kung totoo nga iyon o hindi!







"Bago mamatay ang Papa mo may binigay siyang kahon na may singsing sa akin, ang sabi niya bigay daw iyon ng kanyang lolo at kailangan niya itong ingatan. Una ay wala lang sa akin iyon ngunit nung pagtingin ko ulit sa singsing may naka ukit pala na 'Markinswell' doon" So totoo talaga ito? Hindi ako nanaginip!?






"Mama hindi ako pwedeng ikasal sa taong hindi ko kilala! 21st century na hindi na uso iyang Arranged Marriage sa panahon na ito! Wala akong pakealam kung prinsipe pa siya, Mama hindi ko siya mahal" halos maiyak ako. Hindi ganito ang gusto ko. Gusto ko ikakasal ako sa lalaking mahal ko at mahal din ako! At hindi sa ganitong paraan!






"Wala tayong magagawa anak iyan ang kagustuhan ng ating ninun—"








Ring Ringggg





"Sagutin ko lang po ito" kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at sinagot ang tawag.






Sino kaya ito?






Mrs. Gina: [Miss Abcidii Smith Harridan?]



Abcidii: [Ako nga po bakit?]




Mrs. Gina: [Ako ito si Mrs. Gina Peter, the Royal Family secretary. Kamusta na ang pakiramdam mo Miss? Gusto ko sana kayong imbitahin para sa engrandeng pagtitipon bukas sa Palasyo sana ay makadalo ka kasama ang iyong ina]




Abcidii: [E-engradeng Pagtitipon? So kasama ang mga iba't-ibang kilalang tao mula iba't ibang bansa at mga artista?!]




Mrs. Gina: [Oo miss, excited na ang Royal Family na makilala kayo at ipakilala ka sa mga taong malalapit sa kanila. May chauffeur na dadating diyan upang sunduin kayo.]




Abcidii: [Natutuwa po ako ngunit a–]




Mrs. Gina: [Yun lang po, See you tomorrow]



At pinatay na niya ang tawag. Bastos e?
Paano na niyan? Tinignan ko si Mama.


"Iniimbitahan tayo Ma sa engrandeng pagtitipon bukas sa Palasyo"




*

Nasaan ako? Nilibot ko ang aking paningin sa lugar. Sa palasyo to ah?

Dumating si Prinsipe Alastair at lumapit siya sa akin. Sht bat lagi nalang siya gwapo?!

"Abcidii nagkita nanaman tayo" saka siya ngumiti THeck "Pero matanong ko lang? Bakit ganyan ang suot mo?" Napatingin ako sa aking damit. Bat ganito?!

.

.


Bakit ako nakasuot ng pangkatulong?!




**

Pavote thank you 🌹

Marrying The Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now