Chapter 32

2.5K 215 76
                                    


Abcidii Pov

Tumakbo ako kahit na ang lakas ng ulan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pagkatapos kong makita iyon! Ni hindi man lang nila nahalata na nandoon ako! Para lang akong wala sa kanila. Wala lang ako kay Alas.

Hindi siya iyon! Hindi siya iyon! Paulit ulit kong sinasabi sa isip ko pero sana yun na nga lang e! Kaso hindi naman malabo ang aking mata para hindi siya makilala!

Hindi ko na alam kung saan ako napadpad dahil sa aking pagtakbo. Gusto ko lang malayo sa kaniya. Kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan ay ang pagbagsak ng aking mga luha. Ibinuhos ko lahat ng aking mga hinanakit. Walang wala ang sakit na nararamdaman ko ngayon, ngayon lang ako nasaktan ng ganito!

 Walang wala ang sakit na nararamdaman ko ngayon, ngayon lang ako nasaktan ng ganito!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Nakita kong magkahalikan si Alas at Gwen"

Timothy Pov

Naguguluhan ako tama ba ang ginawa ko? Pauwi na ako ng makita ko si Abcidii na umiiyak sa daan at basang basa ng ulan. Anong nangyari? Dali dali ko siyang nilapitan at niyakap. "I..iuwi m..mo n..nako a..ko T..timothy. A..ang s..sa.kit. A..yaw ko siyang m..makita. A..yoo.ko" hagulgol niya.

"Magiging ayos din yan" sabi ko habang hinahaplos ang kaniyang likod. Parehas na kaming basa sa ulan. "Andito lang ako para sa iyo. Tara iuuwi na kita"

Alas Pov

It's morning already? Fuck! My head hurts so badly! What happened last night?

Tumayo ako habang hawak hawak ang aking ulo. Where's Abcidii? Augh, My head!

Binuksan ko ang walk in closet namin para kumuha ng damit pero wala dito ang kaniyang mga gamit. Goddammit! Nasaan siya?! Bat wala na dito yung mga damit niya?

Abcidii Pov

Apat na araw na ang nakalilipas simula ng umuwi kami ni Timothy galing UK. Apat na araw na akong halos nakahiga sa aking kama at apat na araw simula ng mangyari iyon. Parang tinutusok ang aking puso sa tuwing naaalala ko ang nangyari noong gabing iyon.

Tumayo ako upang kunin ang aking cellphone sa aking bag. 15 missed calls, 29 unread messages at lahat ng iyon ay galing kay Alas.

Wala lang to kumpara sa mga walang tigil na tawag at text na natanggap ko noong umalis ako. Pero wala akong sinagot isa man doon. Hindi ko kailangan ang paliwanag niya dahil kita kita ko naman ang nangyari. Napahawak ako sa aking ulo. Ano bang gusto niya?

Bakit niya pa ako tinatawagan mayroon naman siyang Gwen diba? Tsk.

Nahiga ako ulit sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata.

Bakit? Bakit kailangan kong pagdaanan ang lahat ng ito?

Binigay ko lahat ng tiwala ko sa kaniya, minahal ko siya. Pero bakit parang mali?

Marrying The Prince(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon