Chapter 41

3K 195 11
                                    


Wala na akong nagawa kung hindi ang sumama. At pinagsisisihan ko na sumama ako! Promise

Nandito kami ngayon sa indoor garden ng Mahal na Reyna. And as expected my jaw drop with the interior of the garden. Wow “Ladies, we have a special guest. I’d like you all to meet Abcidii.” Lumapit naman ako sa tabi ng Reyna, swear nakakahiya!

Mayroon akong rabbit na headband! Dati sungay ng demonyo at ngayon naman rabbit na tenga, bat ko ba siya pinagkatiwaalan sa suot ko ngayon?

“Our topic for today is about planting trees around East part of Apethorpe blah blah blah.” In fairness, makakalikasan pala ang reyna. Lumingon naman siya sa akin.
“You look great in that headband!” sabi niya habang nagpipigil ng tawa. Srsly? Napasapo naman ako ng aking mukha, my goodness! Hindi ko alam kung nang iinsulto ba siya o ano e.

“Ang ganda niya!” puri sa akin ng isang babae na kung hindi ako nagkakamali ay si Lady Mae. Napakasopistikada niya. Ay no, halos lahat pala sila. Halata mo na galing talaga sila sa mayaman na pamilya at ni minsan ay hindi nakaranas ng hirap.

“Yes, she’s more pretty than the pictures in Magazines!” sabi naman ng isa. Nginitian ko lang sila, hindi kaya lumaki ang ulo ko nito? Hay hindi naman siguro.

“Yes! That dress is so amazing plus the Rabbit ear!” napakamot naman ako ng noo. Oh please? Hiyang hiya na ako dito!

Nasa tabi ako ng mahal ng reyna, kasalukuyan kaming kumakain at hanggang ngayon ay pinaguusapan nila ang pagtatanim ng mga puno sa bandang East.

Limang oras na ang nakalipas, inaantok na ako! medyo lumayo na din ang usapan nila and Op na Op na ako! Swear

“Aheeeem!” napabalikwas ako ng aking upo ng umubo ang reyna. Oh em! Nakatulog ako! nakakahiya jusko!

“Hm sorry po hehe” sabi ko with peace sign.

“Oh you’re so cute Abcidii! Lalo na jan sa iyong headband!” komento ng isa, here we go again!

“The whole Apethorpe needs to see this! That headband is amazing!” nagtawanan naman sila lalo na ang reyna. “N-no, p-pagtawanan nila ako” alanganin kong sabi. Nahihibang naba siya? Siya kaya yung pasuotin ko nito tas ipopost ko siya. Ts

“With all due respect, today shouldn’t be about me.” Sabi ko habang kamot kamot ang batok ko. Chill Abcidii. Siguro mas maganda kung magfocus sila sa planting trees no? Para kay mother earth.

Nakakainis kasi si Reyna Geneva at pinasuot niya sa akin ito. Wala naman akong nagawa dahil nagdrama pa siya with matching iyak effect pa! Drama Queen.

Ngumiti naman sa akin ang reyna “I like that” bulong niya. Huh? Anong ibig niyang sabihin? Alin ang gusto niya? And why she looks impressed?

Makalipas ng isang oras, seryoso? Hindi pa sila tapos?! Inaantok na naman ako! tumingin ako sa bandang pinto at iniluwa naman iyon ni Alas, nanlaki pa ang kaniyang mata. Shock e?

Tinignan ko siya ng masama. I give him a ‘Your-mother-dress-me-up-again! Sige lang Alas isang tawa lang! Marinig ko lang kahit isang tawa mo swear di kita kakausapin! Help me here!’ Look

Mukhang na gets niya naman yung tingin ko sa kaniya kaya hindi siya tumawa, good.

Tinignan niya si Abcidii at nagets naman niya ang kaniyang tingin binigyan naman niya ito ng ‘Of course, Princess. It would be a selfish of me to laugh at your own misery’ look.

Sa totoo lang gusto nitong matawa, hindi dahil sa headband nito kundi dahil sa itsura nito ngayon, halata kasing nagpipigil siya ng inis. Gusto niyang matawa dahil ang cute niya!

“Lewis! Ang aga mo ata ngayon?” bati ng reyna sa kaniya, mukhang napansin na niya ang prisensya ni Alas. Hindi ko inalis ang tingin ko sakanya at matalim ko lang siyang tinitignan. “Halika samahan mo kami rito.” Anyaya ng reyna.

“I would love to. Unfortunately, Im here to pick my little… rabbit” buti nalang! Akala ko talaga hahayaan niya ako dito kasama ang kaniyang ina.

Nagpaalam na ako sa reyna at sa mga amiga nito. Lumapit naman sa akin si Alas upang alalayaan ako sa pagtayo, jeez gentleman!

Agad kong inalis ang headband sa aking ulo kainis! Dumagdag naman sa inis ko si Alas. Kalabas namin sa indoor garden ng reyna ay hindi na siya tumigil sa kaniyang pagtawa.
Tinignan ko siya ng masama. “Har.. har..” sarkastiko kong tawa. Badtrip! 

“Sorry, princess. But I really don’t mind coming home to that scene every day.” Muli siyang tumawa. Ewan ko kung maiinis ako o kikiligin.

Bigla siyang nagseryoso. “I’m sorry Princess, I haven’t been spending much time with you alam mo naman andaming trabaho nagpapahinga pa kasi ang Hari. But I’m glad my mother is... trying. I know that’s her way of trying to get close to you.”  Lumapit ako sa kaniya at hinaplos ang kaniyang mukha. I gave him a quick peck on the lips. Bigla naman siyang namula? Wait? Tama ba yung nakita ko?

“Naiintindihan ko. Magfocus ka sa trabaho mo at wag mo kaming intindihin ng mahal na reyna. Siguro magkakaayos din kame.” Inilibot ko ang aking paningin. Anong ginagawa namin dito?

“Ano pala ang ginagawa natin sa throne room?” tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya ng bahagya. “I want you to meet the most special person to me. Habang abala ang aking mga magulang sa pamumuno ng Apethorpe siya ang nag alaga at nagturo sa akin. I want her to introduce to you” tinuro niya ang isang malaking portrait sa gitna ng throne room.

Nanlaki ang aking mata. No, it can't be “F-fairy Godmother?!”

--

A/N: As of April 15 2018. Marrying The Prince is in Ranked #585 in Teen Fiction. Thank you to all of you guys, Sa mga nagbabasa at magbabasa pa ng aking munting istorya. Yiee

Thank you sa support sana di kayo magsawa hehe. May silent reader ba dito? Pa comment naman oh :)

Don't forget to vote if you like this chapter! Comments are highly appreciated.

Marrying The Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now