Chapter 44

3.3K 187 27
                                    

This chapter is dedicated to wookiewrites 🌸

Minsan sa buhay natin ay nakikilala natin yung special na tao, yung mapapasabi ka nalang na 'siya na'. Ang swerte natin kapag yung taong iyon ay nakasama natin. hanggang sa ating pagtanda. At kapag mabait ang kapalaran maaring maaasam mo din ang happily ever after na iyong hinahangad.

Iminulat niya ang kaniyang mga mata "Hindi, hindi, hindi!" sigaw niya. Nandito na naman siya sa hospital.

"Anak" tawag sakaniya ng kaniyang ina habang umiiyak. Tumingin siya sa puting kisame at bumalik sa kaniya ang mga nangyari noong gabing iyon.

Naramdaman niya ang malamig na baril na nakatutok sa kaniyang ulo at parang naging slow motion ang mga pangyayari, pinagpalit ni Alas ang kanilang pwesto niyakap niya ito ng mahigpit at prinotektahan niya ang buong katawan nito. Sa isang iglap ay narinig ko ang

Putok ng baril

Iyak

Sigaw

At bigla nalang akong nawalan ng malay.

Mabilis akong tumayo sa aking higaan at pumunta sa kabilang kwarto narinig ko pa ang pagtawag ng aking ina pero hindi ko na iyon pinansin. Ang mahalaga ay si Ala! Sana ay nasa mabuti siyang kalagayan.

Mabibigat na hakbang ang nagawa ko bago ako nakapasok sa isang silid. Nanlaki ang aking mga nata. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Parang nanigas ang aking mga paa sa aking kinatatayuan. Hindi! Hindi ito pwedeng mangyari!

Isang bangkay ang nakatakip na ng kumot ang aking nadatnan binaling ko ang tingin kay Timothy na ngayon ay naluluha na din. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kusang kumawala ang mga luha sa aking mata. Ang sakit! Sobrang sakit! Walang ibang makakapagsabi kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Patuloy lang ako sa aking paghagulgol, ang sikip sa dibdib. Ang hirap huminga.

Nagulat na lumingon sa akin si Timothy ng mapansin ako "Gising kana! Ayos ka lang ba?" tanong nito. Parang gusto ko siyang sapakin. Gago ba siya?

"Paano ako magiging ayos kung ang aking pinakamamahal na lalaki ay nakahiga ngayon diyan at malamig na bangkay na?!" sigaw ko. Muli akong humagulgol ang sakit! Sana ako nalang. Sana hindi nalang niya ako prinotektahan. Sana buhay pa siya ngayon!




"Did you say aking pinakamamahal na lalaki?" para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses na iyon. "Alas?!"

"Kung nakatayo ka diyan eh sino yon?" turo niya doon sa bangkay na may halong pagtataka. Bakit parang malungkot si Timothy kung hindi naman pala si Alas yon? Bigla nanamang tumulo ang kaniyang mga luha at pinagsusuntok ito sa dibdib "Akala ko p..patay ka n...na!" mabilis siyang inalo ng Prinsipe at niyakap ng mahigpit "It's okay I'm here"

Huminga siya ng malalim bago magsalita "Gwen pulled the trigger... pero ipinutok niya ito sa sarili niya. Pinatay niya ang sarili niya sa harap ko." halos manlumo ito sakaniyang sinabi.

Flashback

Hinarang ng binata ang kaniyang katawan sa dalaga hindi niya hahayaan na masaktan ito hindi niya kakayanin kung may mangyaring masama dito. "B-bakit? B-bakit ang bait niyong lahat sa kaniya?!" biglang bumuhos ang kaniyang luha. Ibinaba niya ang kaniyang hawak na baril inalalayan naman ni Alas ang katawan ni Abcidii, nawalan ito ng malay, Oh god! Sana ay walang nangyaring masama sa kaniya.

"Ako yung mas nakakakilala sayo Lewis! Bata palang tayo magkasama na tayo. Bakit hindi nalang ako?! Anong mali sa akin?" patuloy lang ito sa paghagulgol "Bakit ako yung masamang tao? Gusto ko lang naman na maranasan na mahalin gaya ng nakukuha niyang pagmamahal sa ibang tao" tumigil siya sa pagiyak at bumuntong hininga.

Marrying The Prince(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon