Chapter 38

2.7K 204 13
  • इन्हें समर्पित: miZzYrhonne
                                    


"It's a miracle, actually. Her highness is showing signs of speedy recovery despite her injuries" sabi ng Doctor.

"Her memory?" tanong ni Alas. Lumukot ang mukha ng Doctor. "It's really strange that her brain seems have selectively wiped out all memories of... you. Natatandaan niya ang lahat actually except sa iyo, Your Highness. Sa totoo lang ay wala akong eksplansyon tungkol diyan" napakamot naman ng batok ang doktor. "Ang paggising ni Abcidii ay hindi ko na maexplain dahil sa lakas ng impact ng kanyang pagkabangga. May mga bagay talaga na out-of-this-world. Kahit isa akong doctor naniniwala ako sa mga ganoon" ngumiti naman ito.

"Pero wag kang magalala mahal na Prinsipe we'll definitely put her under close observation and attempt to get a diagnosis over the couple of days." Bumuntong hininga naman ang Prinsipe.

"All right, thank you. Please do everything to heal her."malungkot na sabi niya. Sa totoo lang ay hindi niya alam ang mararamdaman niya. Hindi niya alam kung sasaya o malulungkot siya sa nangyari. Oo gising nga siya pero hindi niya ito maalala. Paano ba nangyari iyon? At bakit siya pa ang hindi niya maalala? Maraming mga katanungan ang gusto niyang malaman pero wala siyang magawa dahil pati ang doctor na tumingin kay Abcidii ay walang eksplanasyon tungkol dito.

Nakapalibot ang lahat ng malapit kay Abcidii. Ang kaniyang Mama, si Maddy at pati na rin si Timothy. Tuwang tuwa sila ng malamang gising na ito, Lahat sila ay kilala niya. Pumasok naman si Alas sa loob ng silid niya samantalang lumabas naman lahat sila para siguro ay makapagusap silang dalawa.

Lumapit siya kay Abcidii at umupo sa tabi nito. "Are you feeling better?" tanong niya rito. Tumango naman si Abcidii. Puno parin siya ng mga benda at mga pasa sa katawan. "You really don't remember me?" malungkot na tanong ng Prinsipe.

"No, sinusubukan ko pero kapag pinipilit ko ay sumasakit lang ang aking ulo" sabi nito

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

"No, sinusubukan ko pero kapag pinipilit ko ay sumasakit lang ang aking ulo" sabi nito. Totoong sinusubukan niya na maalala ang lalaki sa harapan niya pero wala, wala talaga siyang matandaan tungkol sa kaniya. Pati siya ay naguguluhan.

"Stop trying. Hindi na muna mahalaga iyon, Princess. All I want now is for you to get better right now. Hindi mo na muna kailangan pilitin ngayon. Besides I am not 'that' unforgettable" kinindatan niya naman ito, biglang namula ang dalaga doon.

Humarap na ang Prinsipe sa media at nagpaunlak na ng interview patungkol sa sinabi niyang tatalikuran na niya trono. Maraan niyang itinanggi ito at sinabing hindi niya iiwan ang trono lalo na't hindi pa gumigising ang Hari.

Hinarap na niya din ang kaniyang Auntie Mhiles at sinabing gagawin nito ang lahat upang mabawi ang trono besides hindi pa man official na nakuha niya nga ito dahil kailangan niya pa ang aprubado ng council sa iba't ibang bansa. Nalaman din niya ang sabwatan nila ng Reyna para paalisin si Abcidii. Ngunit meron paring siyang isang bagay na pinapaimbestigahan.

Inunahan naman ito ng Prinsipe lumapit siya sa mga council na nasa iba't ibang bansa at humingi nang tawad sa kaniyang nasabing paggigive up ng trono. Kabi kabila din ang mga conference at meeting na dinadaluhan niya ngayon. Sa totoo lang ay sobrang hirap ang pinagdadaanan niya dahil mahirap kumbinsihin ang council at kailangan niyang kunin ulit ang mga tiwala nila.

Kasalukuyan siyang nakaupo at natutulog sa kaniyang office "Your highness? The meeting with the Monroe is in 15 minutes" napabalikwas naman ang Prinsipe sa pagka upo na siyang dahilan upang mahulog siya sa upuan. "I'm sorry, hindi mo na dapat makita iyon" sabi ni Alas habang hinihimas ang kaniyang tuhod na tumama sa kaniyang mesa.

"Your highness! Pasensya na alam kong pagod na po kayo. Tatlong araw ka nang walang maayos na tulog. Kabi kabila ang iyong mga meetings. Alam ko mahal na Prinsipe na naguguilty ka sa mga nangyari sa Mahal na hari maging kay Miss Abcidii pero mahalaga rin ang iyong kalusugan, Your Highness." Sobrang nagaalala na si Bernard sa kaniya dahil hindi na din nakakakain ng maayos ang Prinsipe.

Huminga ng malalim si Alas. "I'm fine Bernard, Kung kailangan gawin ko ang lahat para mawala ang mga connection ni Auntie Mhiles at ang mga kasabwat niya gagawin ko kung yun ang magiging daan para maprotektahan si Abcidii at ang aking Ama pati na din ang trono. Handa akong isugal ang aking kulusugan at buhay. I'm not letting anything happen to them again" malungkot na sabi niya. Bumuntong hininga siya. "Any news about the hit-and-run?" tanong niya. Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin nila natutukoy kung sino ang suspect sa nangyari.

"May suspek na ang mga investigators. Mas pinangiigihan nila ang pag iimbestiga rito para matukoy na nila kung sino iyon pero Your Highness? Ako na at ang mga investigators na ang bahala doon magpahinga ka na at wag mo nang idagdag iyon sa mga iniisip mo ngayon." Mariin naman siyang tumango.

"How's my schedule for tomorrow?" tanong nito. Agad namang tinignan ni Bernard ang schedule nito sa isang kulay itim na clipboard. "You're free tomorrow, Your Highness. Magpahinga ka na muna." Ngumiti naman ito. Mabuti naman kung ganoon.

Ilang araw na niyang hindi binibisita si Abcidii, kamusta na kaya siya? Sobrang namimiss na niya ito. Nafeel niya kasi na hindi kumportable ang dalaga kapag nandoon siya kaya binigyan niya muna ito ng space at para makapagisip ito. Kaya kahit gustong gusto niya itong puntahan pinipigilan niya na lang ang sarili niya, besides ginawa niya pa ang tungkulin niya bilang isang Prinsipe.

"I'll visit her tomorrow, I need to charge myself and her smile is the only key." Ngumiti ito habang iniisip si Abcidii.

"Ang ating Crown Prince ay bumalik upang kunin ang trono kay Mhilescent Markinswell Brighton ang nagiisang babaeng kapatid ng Hari. Si Lady Mhilescent ang namuno habang nasa Hospital ang hari. At ngayon ang ating Prinsipe ay muling nagbabalik upang ayusin ang kaniyang pagkakamaling pagiwan ng trono. Ginagawa lahat ng ating Prinsipe ang lahat para makuha muli ang tiwala ng kaniyang mga nasasakupan, pero mukhang wala na si Abcidii sa tabi niya. Ano na kayang mangyayari ngayon? Tutukan ang mga susunud na balita!"

Kasalukuyan ngayong abala si Abcidii sa panonood ng balita sa television ng pumasok ang kaniyang ina sa kaniyang silid. "Anong ginagawa mo?" tanong nito sa kaniya. Umayos naman siya ng upo. "Nanonood po, wala naman akong ibang ginagawa kung hindi ang manood." Sobrang naiinip na siya sa hospital. Panay kain, tulog, higa lang ang ginagawa niya araw araw.

"Hay nako, kailangan mong magpahinga para mabilis kang makarecover anak. May mga pasa at gasgas ka pa." hindi na siya nagsalita at ipinikit na lang niya ang kaniyang mga mata.

Lumabas na ang kaniyang ina upang bumili ng mga gamot. "Alam ko.. alam ko busy siya pero kung fiancé ko talaga siya sana nandito siya para alagaan ako. Ilang araw na ang nakalipas ng bumisita siya dito pero hanggang ngayon di pa din siya nagpapakita sa akin. Oo hindi ko nga siya kilala pero sana dumalaw dalaw naman siya dito." Sht, nagtatampo ba ako? Para naman akong tanga! Kinakausap ko ang sarili ko habang nakapikit. Damang dama tih?

"I didn't know that you would miss me like that, Princess. Kung alam ko lang na magtatampo ka nang ganyan edi sana hindi na kita iniwan." Minulat nito ang kaniyang mata. Laking gulat niya ng sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ng Prinsipe. Crap!

"Please, sabihin mo na hindi mo narinig lahat ng mga sinabi ko kani kanina lang?" 


-

A/N: Nakakaloka! haha

Enjoy reading! Anong oras mo nabasa ito? Pacomment nga hihi :)


Anyways, don't forget to vote if you like this chapter! Comments are highly appreciated! Love lots -kbluescript

Marrying The Prince(COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें