Chapter 35

2.7K 221 32
                                    


"Bakit mo sinabi sa kaniya iyon?! Argh!" galit na sabi ni Timothy sa kaniyang sarili.Hindi niya inaasahang si Abcidii ang sasagot sa tawag niya kay Lewis.

Ilang sandali pa ay may narinig siyang katok galing sa kanilang pintuan

Huminga siya ng malalim. "Siya siguro iyon" bumuntong hininga pa siya bago niya buksan ang pinto.

"H-hindi ko alam kung anong s-sinasabi ko okay?" sabi niya ng hindi nililingunan ang dalaga. "I'm sorry, Abcidii. I fcked up!"

Napairap si Gwen sa kaniyang narinig, Abcidii Again. "Paano niya nagawang paikutin kayong dalawa ni Lewis sa kaniyang mga daliri? Sorry to disappoint you, Timothy but I'm not Abcidii" gulat na napaharap si Timothy sa kaniya.

Nang makabawi na si Timothy sa pagkagulat ay napatango nalang siya "Ikaw lang pala"

"Sa tingin ko naman ay maayos na tayo katapos ng nangyari noong gabing iyon" kinindatan naman niya si Timothy.

Napasabunot ng buhok si Timothy nang maalala niya ang nangyari noong gabing iyon.

Kasalukuyana nakatingin siya kay Abcidii. Hindi niya mapagkaila dahil sobrang ganda nito. Wala siyang magawa kundi ang tignan nalang siya sa malayo habang kasama si Lewis.

"Nakakainis hindi ba?" biglang lumapit sa kaniya si Gwen. "Ang makita silang dalawa na magkasama at masaya habang ikaw nakatingin lang sa kanila sa isang sulok" ibinaling niya ang kaniyang tingin kay Gwen at kumunot ang noo.

"Nakita ko kung paano mo siya tignan, yung mga kislap sa iyong mga mata. Gusto mo siya hindi ba?" tanong niya. Hindi makatingin ng daretso si Timothy dahil tama ang kaniyang sinabi. Gusto niya ang dalaga.

"Gusto mo siya and well kahit hindi ko sabihin siguro halata naman na gusto ko din si Lewis. Paano kaya kung paghiwalayin natin sila? Anong masasabi mo?"

Humakbang palayo si Timothy "Para kang baliw" umiiling na sabi nito. "Come on Timothy, ang gagawin mo lang naman ay idistract siya. Idala mo siya malayo kay Lewis at ako na ang bahala"

Sinunod naman niya ang kagustuhan ng dalaga. Ayaw man niya pero nasilaw siya sa pedeng mangyari na baka maari pang maging sila ni Abcidii, pero nagkamali siya dahil pinagsisihan niya ito.

Masakit sa parte niya na nakikitang nasasaktan at umiiyak si Abcidii dahil sa nangyari noong gabing iyon.

"Alam natin ang nangyari pagkatapos noon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Alam natin ang nangyari pagkatapos noon. Parehas lang tayong baliw Timothy" sabi nito.

Hinawakan niya ng marahas sa braso si Gwen. "Naguguilty ako! Kinakain ako ng konsenya ko! Kaya nga hindi ko sila makausap ngayon dahil nahihiya ako sakanila!" totoong nagsisi siya sa ginawa niya kaya kahit na chance na niya ang agawin si Abcidii kay Lewis ay hindi niya nagawa.

Binitawan naman niya agad si Gwen dahil nakita niyang nasasaktan ito. "P-paano ko sasabihin sa kaniya na mahal ko siya kung ginawan ko siya ng ganon?! Kailangan kong maitama ito! kahit na pedeng kamuhian niya ako" muli ay bumuntong hininga siya.

"Sasabihin ko kay Lewis ang lahat" mariin niyang sabi. Nagulat naman si Gwen. "Hihingi ako ng tawad sa kaniya. At sasabihin ko na ang lahat ng nakita ni Abcidii ay dahil sa iyo! Dahil dinrugged mo siya. Naghahalucinate siya noong naghalikan kayo. Tignan natin kung anong iisipin niya ngayon sayo!" sigaw niya. Tinignan naman siya ng matalim ni Gwen "Kasalanan natin ito!"

Kinuha niya ang phone niya sa kaniyang bulsa at nagsimulang idial ang number ni Lewis. "Don't you dare!" pagpipigil ni Gwen sa kaniya pero pursigido na siya na sabihin ang lahat kay Lewis. Ilang ring pa ay sinagot na niya ang tawag.

Timothy: [Lewis , may kailangan kang malaman.]

Sinabi niya ang lahat kay Lewis, pati ang pagsasabwatan nila ni Gwen upang paghiwalayin silang dalawa ni Abcidii.

Timothy: [I'm sorry, Lewis] nananatiling hindi umihimik si Lewis sa kabilang linya..

Lewis: [Once this is over, you two are going to pay] maawtoridad niyang sabi na ikinatakot ng dalawa.

Nanggagalaiti si Gwen sa galit. "BAKIT MO GINAWA IYON?!" sigaw niya at umalis na sa bahay ng binata.

Umiiyak ang dalaga sa loob ng kaniyang sasakyan. "Sa akin lang si Lewis at hindi sa babaeng iyon! Ako dapat! Ako lang!" sigaw niya habang hinahampas hampas ang manibela ng kaniyang sasakyan. "Pati ang kaibigan ko na si Timothy pati na rin si Mommy! Paano nila nagawang lokohin ako?!" tumingin siya sa daan kung saan nakapark ang kaniyang sasakyan.

Humanda ka katapusan mo na!

Humarap si Abcidii sa malaking bahay "Ito na siguro ang bahay ni Timothy" kinakabahan siyang lumapit dito.

"Kasalana mo ang lahat ng ito." ngumiti siya ng mapakla at nagumpisang paandarin ang kaniyang sasakyan.

Nagulat si Abcidii sa paparating at humaharurot na sasakyan hindi niya namalayang nakahundasay na siya sa malamig na daan at puno ng dugo ang kaniyang katawan. Hindi niya ininda ang sakit sa kaniyang katawan dahil parang namamanhid na ito.

Hanggang dito nalang ba ako? Tanong niya sa kaniyang sarili.

Dahang dahang pumikit ang kaniyang mga mata dahil sa pagod. Katapusan na niya ba ito? 


-

Don't forget to vote if you like this chapter, comments are highly appreciated :) 

Marrying The Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now