Chapter 16

3.2K 228 18
                                    

"Get out of here Abcidii. I'll be fine" nahihirapang sabi ni Alas. Nasisiraan na ba siya?!

"Hindi ako aalis dito ng hindi kita kasama!" bumuntong hininga ako "Alam ko hindi moko pinagkatiwalaan last time, pero please kahit ngayon lang! Aalis tayo dito ng ligtas. I'm not leaving without you, Alas"

"Abcidi-" "Shhhhhh"

Tumingin ako sa aking paligid kailangan kong makahanap nang kung ano mang bagay para makatutulong saamin upang maligtas kami.

May nakita akong lumang babasaging vase sa may mesa. Pwede na siguro iyon?


Tinignan ko si Alas na nakahiga parin sa sahig at nakapikit ang kaniyang mga mata. Lumapit ako sa pintuan hawak ang vase.

Itinaas ko ito. Ready na ako para pukpukin sa ulo si Jonas oras na pumasok siya sa pintuang ito. Myghaaaad kinakabahan ako mama help!




Nakarinig ako ng yabag galing sa labas hudyat na nandito na sila! This is it Abcidii!




Bumukas ang pinto. Pinikit ko ang aking mga mata para makakuha ng pwersa upang ipukol ang vase na ito kay Jonas.












Binuksan ko ang aking mga mata at nakitang si Daniel ang napukol ko. Wait? Eto yung bodyguard ni Alas na kasa kasama niya!! Ohh myyyy


Tumakbo papalapit sa akin si Timothy. "May narinig akong nabasag!" lumingon ito sa ilalim at nakitang nakahiga si Daniel habang hinihimas ang kaniyang ulo "What the hell?! Abcidii si Daniel iyon! Ang head ng Palace Security!" tarantang sabi niya.






Nahuli na si Jonas kasama ang kaniyang girlfriend. Nasa labas na kami ngayon noong bahay kung saan dinala si Alas.

Kasama ko si Timothy pati na din si Daniel.

"Sorry talaga Daniel. Akala ko kase ikaw si Jonas" sabi ko sakanya. Hindi ko naman kasi alam na siya pala iyon, ang pagaakala ko ay siya si Jonas. Tumawa naman ng malakas si Timothy. Wth? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko diba?


Napatingin ako sa ulo niya. Sht dumudugo iyon! "D-dumudugo pa din yung ulo mo!"

"Natrained si Daniel para labanan ang kahit na pinaka masakit na sakit. Kaya wala lang sakanya iyan. Kahit na saksakin mo siya ngayon ay wala lang ito sakanya" sabi ni Timothy habang tumatawa. Huh? May ganon ba? Napakamanhid naman yata nitong si Daniel?





Hindi ko pinansin ang sinasabi ni Timothy. "Sorry talaga Daniel"

"You just got hit by a girl, Daniel. First time?" saka siya ulit tumawa. Nababaliw na talaga siya. Umiling naman si Daniel at tumatawa na din. So seryoso talaga iyon? Napaka manhid naman niya. Penge nga Daniel para kahit masaktan ako di ko rin maramdaman. Hehe

..

Pero naiinis na talaga ako kay Timothy "Manahimik ka nga hindi ka nakakatulong!" bulyaw ko naman sakanya at timahimik din siya.

"Sige na, mauna na ako at dadalhin ko na sa prisinto sina Jonas. Ang prinsipe ay nadala na sa may pinakamalapit na hospital para gamutin siya. Ikaw na bahala dito Master Timothy" saad ni Daniel. Tumango naman si Timothy at tumawa ulit. Crazy

Nakokonsensya pa din ako kay Daniel kahit na wala lang sakanya iyon. "Hindi ako makapaniwalang nabasag ko ang vase sa ulo niya" napakamot ako ng ulo.

"Hahaha, maaayos din yon kailangan lang ng konting tahi sa kanyang ulo then wala na"


"Abcidii, hindi ko nagustuhan yung ginawa mo kanina! Napakamapanganib ng ginawa mo, pede kang mapahamak! At hindi mo din sinasagot ang mga tawag ko" sabi niya. "Im sorry" sabi ko at tumingin sa baba.

Marrying The Prince(COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin