Chapter 28

2.6K 218 24
                                    

"Alas? Gwen?" halos manlaki ang aking mata ng makita silang dalawa na magkasama. Anong nangyayari? Bat magkasama sila?

Lumingon silang dalawa sa akin. "Tignan mo siya Lewis mukhang shock na shock siya ah" sabi ni Gwen at inirapan ako. "Talagang pinaniwalaan ka niya! Akala niya siguro ay magiging na siyang isang prinsesa" humalakhak muli siya.


Realtalk ang sarap niyang sapakin!


"You're the only princess for me Gwen" tumingin ng seryoso si Alas sa kaniya.


Minulat ko ang aking mga mata. Panaginip lang pala.


Naramdaman kong gumalaw si Alas "What's wrong Princess?" tanong niya.

"N-napakasama ng panaginip ko" Hinila niya ako palapit sa kaniya. Hinaplos niya ang aking buhok at hinalikan ito.


"Don't be afraid Princess, I'm always here for you. Go back to sleep it's still early" tinignan ko ang oras at maaga pa nga 4am.


Sinuklay niya ang aking buhok gamit ang kaniyang daliri hanggang sa makatulog ako.


Nagising ako sa araw na tumatama sa aking mga mata.


Pinagmasdan ko si Alas habang tulog bakit ganun? Bakit napaka perpekto niya pa din kahit tulog siya?


Hinaplos ko ang kaniyang mukha. Ang tangos tangos ng ilong mo! Ang pink ng labi mo! Nakakainggit, nakakagigil!


Bigla niyang iminulat ang kaniyang mga mata na siyang ikinagulat ko.


"Goodmorning My Princess, done checking me?" tanong niya at nginitian ako. Tinakpan ko naman ang aking bibig.


"What's wrong?" tanong nito sa akin.

"Ihh baka mabaho ang hininga ko saka ang pangit pangit ko pa. Nakakahiya!" malay ko ba diba? Siya kahit bagong gising ang bango pa din ng hininga niya. Baka ako amoy imbornal na.


Tumawa siya ng malakas. "You look and smell perfect to me, Princess. Get some more sleep I know you're still tired I'll just take a bath"


Tumayo na siya sa kaniyang higaan at naiwan ako sa kama ng mag isa. "Hey Princess" tawag nito muli sa akin.

"Yes?" lapad akong ngumiti at bumaling sa kaniya.


"You have some drool on the corner of your mouth" nanlaki ang aking mata. WHAT THE HELL?!


"Still beautiful though!" dagdag pa niya habang tumatawang papasok ng banyo. Nakakainis siya!

Marrying The Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now