Chapter 17

3.1K 235 44
                                    

"K-kanina ka pa ba diyan?!" tanong ng reyna sa hari.






"Hindi. Kakalabas ko lang ng kwarto" nakahinga ng maluwag ang reyna dahil akala niya ay narinig ng hari ang pinagusapan nila ni Gina.

.




"May problema ba?" tanong ng hari.





Umiling naman ang reyna "Wala lang iyon. Pinaalala lang ni Gina ang lakad ko bukas kasama ang aking mga Amiga" tumango naman ang hari.




Hinawakan niya sa kamay ang reyna "Pinagpahingan ko na si Lewis. Balik nalang tayo bukas ng hapon. Oras na din at kailangan na nating magpahinga" sumangayon naman ang reyna at muling sinilip ang natutulog na Prinsipe.










Abcidii Pov

"Ayos na ang lahat dito. Tara hatid na kita sa  inyo" sumangayon naman ako at nagsimula ng maglakad. Ang sakit ng paa ko!







Bigla akong nadapa "Abcidii!" gulat na sigaw ni Timothy.





Yumuko si Timothy upang tignan ang aking paa, ngayon ko lang din napansin na namamaga pala ito. Meron din akong sugat sa aking tuhod dahil sa aking pagkadapa.







"You sprained your ankle back there, didn't you?" tanong nito sa akin nakita ko naman ang pagaalala sa kaniyang mga mata.






"Nadapa kase ako kaninang hinahanap ko si Alas, di ko na rin inisip iyon dahil mas priority ko ang paghahanap sa Prinsipe"







Tumayo na si Timothy sa pagkayuko. Tinaas niya ang kaniyang kaliwang kilay. "So habang hinahanap mo si Lewis kanina may sprained na yang ankle mo?" tumango naman ako.







"Hindi naman to ganoong kasakit" sabi ko.  Bigla siyang lumapit sa akin. Sht anong gagawin niya?






"Anong ginagawa mo?" tanong ko.





Bigla niya akong binuhat na parang pangkasal.  "Dadalhin na kita sa ospital"






Nandito na kami ngayon sa ospital at kakatapos lang gamutin ang aking paa. .



Nakaupo ako sa isang ospital bed at nasa may gilid naman si Timothy habang hawak hawak ang kaniyang cellphone.







Tinignan ko si Timothy. He look really pissed ano kayang sasabihin ko? Ang tahimik di ako sanay "So, ang tawag pala nila sayo e Master?" ngumiti ako ng bahagya.





Binalingan naman niya ako at ngumisi. Hala galit talaga siya? "Close talaga kayo ni Alas no?" pag iiba ko ng topic.





"Simula bata pa ako ay dinadala na ako ng aking Ama sa palasyo. Doon kami naging mag kaibigan ni Lewis"





Bago pa ako makapagsalita ay dumating na ang doctor na tumingin sa akin "It's just a minor sprain, Ms. Harridan. Wala ka nang aalahanin pa. Basta siguraduhin mong pagpapahingan mo ang iyong paa sa loob ng dalawang araw" tumango tango naman ako "Salamat po doc!" tinignan niya naman ako naparang nanunuri. May dumi ba ako sa mukha?




"Hey! Parang kilala kita?" sabi niya napaisip naman ako. Wala naman akong kilalang doctor ah? "You're THE Abcidii Harridan girl!" tili niya. "Ang babaeng itinakdang ipakasal sa Prinsipe!" sabi niya ulit.




Marrying The Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now