Chapter 45

4.4K 209 35
                                    

I dedicate this chapter to lovemorinako and MakulitNaPatatas enjoy reading 🍂

“Sigurado ka bang ayos ka lang? dapat ay nagpapahinga ka” nagaalalang sabi ng reyna sa hari.

“Ayos lang ako, my queen” ngumiti ito sa kaniya.“Kailangan nandito ako para marinig ang ang testamento.” Ito ay ang nakita ni Erica sa wine room, kung hindi ako nagkakamali ay ito ang unang bahagi ng testamento ng hari.

At ngayong araw ay ibabahagi ng royal family ang nakasulat sa testamentong ito, madaming taga media ang nasa palasyo upang abangan ang nilalaman nito. Huminga ng malalim ang Prinsipe bago niya ito basahin.

Para ito sa aking magiging angkan. Sa isang capsule nakalagay ang isang mahalagang kasunduan na aking ginawa. Kasunduan sa pagitan ng angkang Markinswell at angkan ng Harridan.

Napakagandang araw iyon, kasama ko si Anton Harridan sa labas ng palasyo at naglilibang. Si Anton Harridan ay isa sa aking matapat na tagapag lingkod. Inutusan ko siya noon upang bilhan ako ng isang pagkain ng makilala ko ang isang dalagang ubod ng ganda ang babaeng iyon ay nagngangalang Emerald Harridan.

Lumipas ang taon at buwan at kami’y nag-ibigan. Mahal na mahal ko si Emerald ngunit tutol ang kaniyang ama na si Anton sa aming pag iibigan kaya patago kami lagi kung magkita. Isang gabi, ay dapat magkikita kami malapit sa may parke, ilang araw din kaming hindi nagkita dahil ipinagbabawal siyang umalis ni Anton kaya sabik na akong makita ang kaniyang maamong mukha. Pero mukhang huli na ang lahat dahil nakita ko siya na puno ng dugo at nakahandusay sa malamig na daan. Nandilim ang aking paningin at binunot ko ang aking baril pinaputok ko ito sa taong pumatay sa pinakamamahal kong Emerald. Sa sobrang galit ko ay napatay ko ang lalaki. Dumating si Anton at para siyang pinagsakluban ng langit at lupa ng makita ang kaniyang anak na babae. Ipinagtapat niya din sa akin na kaya siya tutol sa aming dalawa ay hindi daw karapat dapat si Emerald para sa akin dahil mahirap lang sila. Kapag nalaman ng mga tao na nakapatay ako ay paniguradong mawawala ako sa trono at ayaw mangyari ni Anton iyon kaya inako niya ang aking kasalanan. Simula noon ay nagkaroon ako ng utang na loob sa kaniya kaya bilang kabayaran at para matuloy ang pag iibigan namin ni Emerald ninanais kong———

Putol ang sulat dahil ang katuglong nito ay ang kasunduan na nakita nila sa capsule. Nilapitan ni Abcidii ang Prinsipe. “Nakakalungkot naman ang nangyari” sabi nito.

Tumango naman ang prinsipe sa kaniya. “Oo, pero sa tingin ko ay ayos na din iyon dahil kung hindi nangyari iyon ay wala tayong dalawa.” Ngumiti naman ito. Tama siya kung hindi naging masaklap ang pag iibigan nina Emerald at Haring William ay hindi siguro magtatagpo ang kanilang landas.

Bumuntong hinga ang prinsipe “I won’t let a tragedy like that happen to us, Princess.” Bigla itong lumuhod sa harapan niya. Oh my God. Lahat ay nakatutok sa kanila pati na din ang mga taga media. Kinakabahan siya at nanlalamig “Abcidii Smith Harridan? Would you do me the honour of making me the most happiest man alive?” natawa siya ng kaunti “Hindi bat nagpropose kana dati saakin?” tanong nito.

Nagtama ang kanilang paningin. “But this is different, Princess. I mean my feelings for you has never changed but this time wala ng pagpapanggap at wala na ding kasunduan. Mahal na mahal kita Abcidii kaya gusto kong gawin ito ng tama” biglang tumulo ang luha sa kaniyang pisngi, tears of joy.

“Alas, mayroon na nga tayong wedding preparations e! At kahit anong mangyayari hindi mag iiba ang sagot ko sa tanong mo. Yes Alastair Lewis Markinswell I will marry you!” biglang naghiyawan ang mga tao sa sobrang saya. Tumayo siya sa pagkaluhod at mabilis na sinakop ang kaniyang mga labi.

Marrying The Prince(COMPLETED)Where stories live. Discover now