Chapter 11

4.4K 283 43
                                    

•This chapter is dedicated to sweetiee_j thank you for reading my story :) Lovelots!

Third Person POV

Pumunta ang Prinsipe sa Royal Office dahil pinatawag siya ni Bernard.

"Your Highness" bati ni Bernard sa kanya. Yumuko ito upang magbigay ng paggalang. Si Bernard ang kanang kamay ng hari "How's your day Mr. Redmond?" magiliw na bati ng Prinsipe sakanya.



"Ayos lang po ako, Your Highness"


"When will you cut with the formalities, Bernard? Halos nasubaybayan mo na ang aking paglaki. You're like a second father to me" Nabigla naman si Bernard sa sinabi ng prinsipe. "Nako mahal na prinsipe! Kapag narinig kayo ng hari siguradong mawawalan ako ng trabaho" napailing naman ang Prinsipe sa sinabi nito saka tumawa.

"So why did you call me? What's the matter?" tanong ng prinsipe ng may pagtataka. Alam ng prinsipe na hindi niya ito papatawag ng basta basta sa Royal Office kung hindi naman mahalaga ang kanyang sasabihin.


Huminga ng malalim si Bernard "May balita ako tungkol sa kasal, at sigurado ako na hindi niyo magugustuhan"




Abcidii Pov

Hay kailangan ko nang pumunta ng skwelahan! Nagsuot ako ng shades na medyo malaki para kahit papaano ay hindi nila ako makilala at para hindi ako masundan ng mga paparazzi.

Nabigla ako ng biglang sumigaw si Mama "Sino ka?! Saan mo dinala ang anak ko?!" sigaw niya at agad na tumawa wews akala ko naman ano na. "Mama naman e!"

Lunapit siya sa akin habang tumatawa "Sa tingin mo ba anak walang makakakilala sayo niyan? Hindi sapat yang salamin" ayy sabagay may punto siya. Napahawak ako sa aking batok. "Paano po ako makakapunta ng skwelahan ng walang makakakilala sa akin?" tanong ko. Kawawa naman ang mga estudyante ko baka wala na silang matutunan.


"Alam mo anak nacucurious lang ako. Anong pinagusapan niyo ni Prince Lewis kagabi?" tanong niya bigla at mukhang kinikilig. Luh? Chismosa si mader! Hihi.


"Ganito kasi yon Ma– naisip ko naman yung napagusapan namin nung gabing iyon.

Flashback

"So gusto mong magpanggap tayo na mahal natin ang isa't isa?" tanong ni Alas. Napaisip naman siya sa sinabi ko.


"Alam kong kabaliwan lang ito pero sa tingin ko naman ay gagana tong plano ko" sabi ko. Tumingin naman siya sa akin ng may halong pagtataka. "Mananatili ka bilang prinsipe at makakamit ko din anh aking kalayaan pag natapos na ito..... Sana" natawa naman siya sa sinabi ko. Hala? Pangit ba yung plano ko? Nakakainis siya!

"Wala dapat makaalam na nagpapanggap lang tayo. Kailangan maging makatotohanan ito para maniwala sila." sabi niya. Tumango naman ako. Wow feeling ko exciting to!!

End of flashback

"So ano ngang nangyari?" tanong ni Mama.

"Tinanggap ko po ang kasal. Pero magpapanggap lang kami Mama" nagulat naman siya sa sinabi ko. Naks napaka bright talaga ng idea ko! Pati si Mama nashoshock! Hehe.



"Mukhang mabait namab si Prince Alas, kaya hindi siya dapat maalis sa kanyang trono nang dahil lang sa hindi ako pumayag na magpakasal sa kanya. Pero sa oras na mawala na ang issue ay gagawa kami ng paraan para maghiwalay" napaisip naman si Mama sa sinabi ko.

Marrying The Prince(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora