Xx. Chapt. 4 xX

133 6 0
                                    

TZUYU'S POV

Sa wakas! First day of school namin ngayon. Tsaka ngayon, 4th year high school na is me. And I have to say, ang laki ng pinagbago ko like super duper malaki.

Nung 1st year high school palang ako, madalas akong binubully ng mga kaklase kong mga lalake. Isa daw akong nerd. Mukha daw akong goldfish dahil sumusuot ako ng salamin para makakita ng maayos. Nung time na yon, hindi ko alam kung paano ipagtanggol ang sarili ko sa kanila. Okay, inaamin ko, ang weak ko noon. Palagi akong inaasar ng mga kaklase ko. Tinutulak, sinisipa, lahat. Sa pag-uwi ko, ginawa ko ang lahat para itago sa mga magulang ko ang mga pasa at sugat ko.

Oo, masakit para sakin na maalala ang mga nangyari noon. Merong time na gusto ko na talagang magpakamatay, pero naisip ko yung mga reaction ng mga magulang ko kung sakaling mawala na ako sa mundo. Sigurado akong maging depressed si Mama at baka aatakihin siya sa puso dahil may heart disease siya. Sinubukan ko talagang mag fit in sa ibang mga estudyante pero hindi talaga eh. Sinubukan kong makipagkaibigan pero kapag lumapit ako, lumalayo naman sa sila.

Ano bang mali sakin? Bakit ganun ang trato nila sakin? Ganun na ba talaga ako kapangit sa paningin nila? Hindi ako makatulog kada gabi kakaiyak. Ang sakit sa pakiramdam na walang may gustong makipagkaibigan sayo. Ang sakit pala na maging mag-isa.

Hanggang sa nakilala ko si Sana, ang best friend ko. Simula nang makilala ko siya, bumalik na agad yung ngiti at tawa ko. Sa tuwing mag-isa lang ako, palagi niya akong sinasamahan. Kahit alam niyang pinagbubulungan na siya ng mga tao, hindi pa din siya umalis sa tabi ko. Nangako siya sakin na kahit kailan mananatili lang siya sa tabi ko at hinding hindi niya ako iiwan.

After a couple of days pagkatapos ng 3rd year moving up ceremony namin, ay tinawagan niya ako. Sabi niya na ime-make over niya daw ako. Nagtaka ako nung una kung ano ang ibig niyang sabihin pero pumayag nalang ako. Hindi ko inexpect na dadalhin niya ako sa isang salon.

Huli ko nalang na realize na gusto niya palang baguhin ang physical na anyo ko. Binilhan niya ako ng mga damit na pambabae, pina rebond niya yung buhok ko at pinakulay pa ito ng kulay brown. Nang humarap na ako sa salamin, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Malaki yung pagbabago ko. Napaiyak nalang ako. Tuwang-tuwa ako sa nakikita ko. Pwede pala gumanda yung itsura ko nuh? I was so happy back then.

Sabi niya sakin na huwag ko na daw gagamitin yung salamin ko dahil simula ngayon magco-contacts na daw ako. Ang saya ko noon.

New look, new beginnings. And I wanna start my whole life again.  But everything went down. I felt like my world turned outside down nang malaman kong inatake sa puso si Mama at dinala siya sa hospital. Hindi ko inexpect na nung araw na yun, ang kasayan ko ay may kapalit palang kalungkutan. And that same day, the doctor announced my mother's death.

Ilang araw ang lumipas, nagkulong ako sa kwarto ko. Palagi akong binibisita ni Sana sa bahay namin. Ginawa niya ang lahat para mapasaya ulit ako. And I'm glad that she's always there to cheer me up.

Hanggang sa dumating ang araw na kinakatakutan ko. Tinawagan ako ni Sana. Sabi niya sakin na nakita niya daw yung Papa ko na umiinom sa isang bar at may kasama siyang babae. Nung una, hindi pa ako naniwala sa sinabi ni Sana hanggang sa ako na mismo yung nakikita. I cried a lot. Tinanong ko si Papa kung bakit ganun nalang kadaling kalimutan niya si Mama. At ang masakit, sabi niya na matagal niyang hindi na mahal si Mama tsaka siya umalis. Iniwan niya akong mag-isa. Kaya natuto akong mabuhay ng mag-isa. Natuto akong maging independent.

I have to say, ang sakit aalahanin ang lahat ng mga nangyari sakin noon. At gusto ko na kalimutan ang lahat ng iyun. I want a start a new whole life again. I want a new beginning. Back to present time.

Maaga pa akong dumating sa school dahil you know, excited lang kasi ako ng sobra. Alam niyo naman kung bakit hihihihiiiiiii.

Parang baliw lang ako nakatayo dito sa harap ng parking lot ng school. Nagbabasakaling makita si Mingyu dito ASHSHSFDGDGD. Like tatlong buwan ko na siyang hindi nakita eh dahil sa matagal na bakasyon. At inaamin ko, na miss ko siya like sobrang sobra. Na miss ko yung gwapong mukha niya holy sheytboll.

CHANGE OF HEART || K.MGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon