Xx. Chapt. 19 .xX

60 5 0
                                    

Nandito kami ngayon sa parking lot patungo sa kanyang motorcycle.

Hindi ko alam kung nasasayahan ba ako sa sinabi ni Mingyu o ano. Happy ako kasi ehe syempre sa bahay ko siya pupunta eheeeee~ Pero may part na kinakabahan ako kasi... First time na may lalakeng pupunta sa bahay namin tsaka.. wala pa dun si lola kasi pumunta siya sa Busan para bisitahin ang uncle at aunt ko kaya kaming dalawa lang.

Huhu ano bang gagawin ko?

"Anong hinihintay mo?" tanong ni Mingyu sakin.

"A-Ah! Wala hehe." sabi ko at napakamot sa aking batok. Hayst kelan ka pa bang hindi mapahiya, Tzu?

"Hop on." sabi niya at pi-nat yung sa likod na part ng kanyang motor. Napakagat ako ng labi, thinking of what to do. Sasakay ba ako? Kaso...

Natatakot akong sumakay sa isang motorcycle eh. Kasi nung bata pa ako, sumakay ako sa motorcycle kasama yung Uncle ko. Ang bilis kasi niyang magpatakbo kaya dahil sa sobrang takot napabitaw ako sa damit niya at nahulog ako. Nagka sugat nga ako nun sa mukha eh huhu T^T

Napaatras ako nung lumapit ng kaunti si Mingyu sa mukha ko tapos sinuotan ako ng helmet. Siya pa yung nag lock nung lock thingy sa helmet.

Ampt, ang lapit ng mukha niyaaaa!

Tzuyu, why you so lucky girl rn?

Idk what to feel. Forget about my problems! Gusto kong i-enjoy ang opportunity na'to.

Sumakay na siya sa kanyang motorcycle and so did I. Napaisip pa ako kung saan ba ako kakapit >.<

Eh ano kasi...

Ayoko naman siyang yakapin. Parang ang akward lang eh, you know?

Kaya no choice kundi kumapit lang sa hem ng jacket niya. Huhuhuuuu!

Napasigaw ako sa utak ko nung pinaandar niya na nung engine ng motor. Ahuhuhu natatakot talaga ako.

Lord, guide niyo po si Mingyu T^T Sana maging safe ang maging byahe namin pauwi sa bahay ko T^T I can't die rn, this opportunity is so special na kailangan kong i-enjoy 'to ampt!

Pumikit lang ako at kumapit ng mahigpit sa hem ng jacket niya nung tumakbo na yung motor. Ramdam ko yung paghaplos ng hangin sa balat ko at kung paano mag flow yung buhok ko sa hangin, aigoo.

Gusto kong umiyakkkk. Para lang akong bata dito na nakapikit tapos ang higpit higpit ng kapit ko.

"Ahuhuhu..." nangiyak-ngiyak na sinabi ko.

Aish hindi ko talaga gets bakit ako natatakot sumakay sa motor! Kainis huhuhu sana mawala na 'tong fear ko para palagi na akong makasakay sa motor ni Mingyu hehe.

*screams inside*

Napamulat nalang ako nung huminto yung motor. Napaangat ako ng ulo at nakita ko yung traffic light in red, which means every vehicle must stop.

Naks, engresh.

"Ahuhuhu..." mahinang sabi ko ulit. Aish, bakit ba kasi ang layo ng bahay ko sa school huhu.

"Okay ka lang?" napaayos naman ako nung magsalita si Mingyu. Tumango lang ako.

Nag orange na din yung traffic light. Heto na naman T^T Lord ayoko naaaa~ Gusto ko nang bumaba!

Nung malapit nang mag green, nagulat ako nung kunin niya ang mga kamay ko na nakakapit sa kanyang jacket and wrapped it around his waist, which took me by surprise.

Shettttt! O.O

"Kumapit ka ng mabuti." seryoso yung boses niya. Hindi na ako sumagot at ngumiti lang ng tago.

CHANGE OF HEART || K.MGOn viuen les histories. Descobreix ara