Xx. Last Chapter .xX

76 3 0
                                    

2 weeks later....

"Merry christmas po!" bati ko sa nanay ni Minhyuk na kakadating lang mula sa ibang bansa. Tinulungan ko din siyang buhatin ang mga dala niyang mabibigat na gamit.

"Tsk, salamat Tzuyu, tsaka merry christmas din." ngumiti ako at binaba yung mga gamit sa kanilang sala. Linibot ko yung tingin ko sa bahay nila, umaasang makita si Minhyuk. Saan kaya pumunta yun?

Nga pala, okay na kami ni Minhyuk. Naging mas close pa nga kami. It took us about 2 weeks bago kami bumalik sa dati. Ngayon, hindi na ako ganun ka akward sa kanya, pagkatapos ng nangyari 2 weeks ago. We're now okay, and comfortable with each other.

"Kailangan niyo pa po ba ng tulong?"

"Ah, hindi. Salamat Tzu." nginitian niya ako dumeretso sa kanilang kusina.

"Sige, aalis na po ako." lumabas na ako sa kanilang bahay at lumakad palabas ng subdivision namin. Pupunta kasi ako sa mall para bumili ng mga kailangan sa bahay, tsaka na din regalo sa mga kaibigan ko.

Habang naghihintay ako ng bus, nasalubong ko si Minhyuk na nakatutok lang sa kanyang cellphone. "Huy, mukhang busy tayo sa ka text mate ah." inayos niya ang sarili niya tsaka ako nginitian.

"Hoy hindi ah, saan ka pupunta?"

"Sa mall. Sama ka?"

"Ay pwedeng pwede!" ang laki ng ngiti nung baliw. Mukhang mas excited pa kesa sakin. Eh wala namang nakaka-excite sa pagpunta ng mall eh.

"Nga pala, saan ka galing?" tanong ko. Pormado kasi siya eh.

"H-Ha? Ah ano, mula sa bahay ng kaklase natin. Bakit?" hmmm, at sinong kaklase naman ah?

"At matanong ko nga kung sino yan?" bago pa man niya masagot yung tanong ko ay saktong dumating na din yung bus. Hinila niya lang ako papasok at umupo kami sa pinakalikurang parte neto.

"So, sagutin mo na yung tanong ko. Kaninong bahay?" huwag nga siyang lumihim sakin. Matagal na kaming magkaibigan tss.

"Si ano..." mukha pang naghehesitate. Luh, eh nagtatanong lang naman kung sino. Baka nga may crush na 'to ayieeee.

"Crush mo? Na kaklase natin? Ayieee, ikaw Minhyuk ha." kinurot-kurot ko yung tagiliran niya.

"W-Wala akong crush. Tsaka magkaibigan lang kami nuh! Hindi pa kaya kita na replace dito sa puso ko!" natigil ako bigla sa pangungulit sa kanya. Naging akward bigla >____<

"Syempre, joke lang. Baka mabugbog pa'ko ng boyfriend mo." hinarap niya ulit ako sa kanya at pinisil yung ilong ko, ahhuhu masakit! >o<

"Tss, huwag mo ngang ibahin yung topic! Sagutin mo nalang kasi!" ang ingay namin sa loob ng bus. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao eh.

"Tss, yung kaibigan mong si Minji. Oh, masaya ka na? Ingay mo eh." hinampas ko yung braso niya. Mas ingay pa kaya boses niya kesa sakin.

Pero si Minji? Luhhhhh kelan lang sila naging magkaibigan? "Pumunta ka sa bahay nila Minji? Bakit? Anong meron dun? Kelan lang kayo naging magkaibigan? Ano mo siya? Ano ka niya? Minhyuk, ang dami mong tinatago sakin ah." sobrang curious ako. Anong meron sa kanila ni Minji? May nagde-develop ba sa kanilang dalawa? Ba't wala akong alam dito?

CHANGE OF HEART || K.MGWo Geschichten leben. Entdecke jetzt