Xx. Chapt. 13 .xX

90 7 0
                                    

???? POV

Pagkatapos ng race ay akmang bibili na sana ako ng tubig ng bigla nalang akong pinalibutan ng mga bakla.

"Ohmygosh! Ang pogi niyo po!"- Bakla 1

"Hoy girl, akin siya! Ako ang unang nakakita sa kanya! Tsaka mas maganda ako!" Bakla 2

"Waw hiyang-hiya! Mas maganda kaya ako! Magsilayas nga kayong mga baklang puno ng pangit!"-Bakla 3

"Mas nakakadiri nga yang mukha mo, beki! Ikaw kaya ang unang umexit! Akin 'tong si Hottie!"- Bakla 4

Napabuntong hininga ako at sinubukang lumakad papalayo sa kanila nang bigla nalang nila akong hatakin tsaka yinakap. "Shit." napamura nalang ako dahil sa sobrang inis.

"Bebe, dito ka lang! Huwag mo 'kong iwan!" sabi nung bakla. Wtf. Agad ko silang tinulak tsaka sinamaan ko sila ng tingin.

"Pwede ba lubayan niyo ako?" inis na sabi ko.

"Oh no! Galit ang bebe ko!"-Bakla 1

"Huhu, huwag ka nang magalit babe, papasayahin kita kung sumama ka sakin! ahihi!"-Bakla 2

Paano na ako lubayan ng mga baklang 'to? Shit, I need to think! What if....

"May girlfriend na ako. At magseselos yun kung makita niya akong may kasama na... ehem.. mga bakla." Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko dahil malapit na talaga akong sasabog.

"Eh saan na ba yung girlfriend mo?"-Bakla 3

-Parang wala naman ah?"-Bakla 4

Lumingon-lingon ako sa paligid at may nakita akong babaeng nakatalikod kaya basta-basta ko siyang hinila at agad ko siyang hinalikan. Nakakuyom ang mga palad ko habang ginagawa ko ito. Hindi ako basta bastang humahalik sa babae. Pero one thing I wanna say is...

'Ang lambot ng mga labi niya.'

Agad akong kumalas sa halik at agad umalis na dun. Nakakabwiset yung ginawa ko, tss.

TZUYU'S POV

A-A-Anong na-nangya-yari? OH MAY GAD LORD. Hindi totoo yung nangyari diba? Nananaginip lang ako diba? DIBA? WAHHHHHHH!!!!!!! YUNG FIRST KISS KO KINUHA NIYA NG GANUN-GANUN LANG? WAHHHHHH!

(╥_╥)-Me

Nagulat nalang ako ng may humawak sa balikat ko. "Huy okey ka lang?" si Sana. Agad ko siyang yinakap at umiyak sa balikat niya. Huhu! (╥﹏╥)

"Anong nangyari?" tanong niya.

"HINDI NA VIRGIN YUNG LIPS KO!" sabi ko at humagulgol sa iyak. Wahhhh ayoko na sa earth!!!!!!!!!!!!!!

"Ha?"

"May isang lalake na humila sakin tapos hinalikan ako sa LABI! SA LABI! Hindi ko nakita yung mukha niya pero sigurado akong manyak yun! WAHHHH SANA YUNG FIRST KO NAPUNTA SA STRANGER!!!"

"Shhhh, huy. Huwag ka nang umiyak, iuwi na kita." hinila niya na ako at sumakay na kami ng jeep. Dun ako nagpatuloy sa pag-iyak. Huhu kung alam ko lang kung sino yung humalik sakin, baka kanina ko na yun sinapak!! I HATE DIS! (╥﹏╥)

"Tahan na, pinagtitinginan ka na ng ibang tao oh." bulong ni Sana. EH KASI EH! Paano ako makatigil sa pag-iyak! Galit na galit ako!!!!!

Naunang bumaba si Sana sa jeep. Kumaway lang ako sa kanya habang tumutulo pa din yung mga luha ko. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Lola na nagluluto sa kusina kaya agad kong lumapit sa kanya at yinakap siya mula sa likod. "Lola...." mahinang sabi ko.

"Oh, nandito na pala ang pinakamamahal kong apo." sabi niya at humarap sakin. "Anong nangyari sayo? Ba't parang kakaiyak mo lang?"

Yinakap ko si Lola ng mahigpit tsaka nagpatuloy sa pag-iyak. "Kasi Lola, ninakaw yung first kiss ko! Nang isa pang stranger!"

CHANGE OF HEART || K.MGWhere stories live. Discover now