Xx. Chapt. 7 xX

87 7 1
                                    

Maaga pa akong dumating sa school para lang bantayan si Mingyu sa gate. Gusto kong ibigay sa kanya yung love letter na ginawa ko kagabi. Sana basahin niya ito. Hihi kinikilig ako.

"Asan ka na ba mahal koooo.." Napapakanta nalang ako dahil sa nararamdaman ko. Asan ka na ba Mingyu bebe? Kelan ka pa ba dadating? Huwag mong sabihing male-late ka, magagalit talaga ako.

Lumakad nalang at umupo sa ilalim ng malaking punungkahoy. Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa makita ko nang dumaan yung motor niya. Nandito na si bebe ko!

Napangiti ako ng malawak nang makita siya lumalakad papasok sa gate. Time to shine na, Tzuyuuuu! Ibigay mo na ang ginawa mong letter na puno ng pagmamamahal❤

Tumayo ako tsaka lumakad papalapit sa kanya. Busying-busy siya sa cellphone niya kaya hindi niya ako napansin. Bebe ko, ang pogi mo ngayon. Ang pogi mo araw-araw at hindi ako magsasawang tignan ka ng matagal.

Napahinto ako sa harapan niya at napatitig sa kanya. FOGI MO BEBE.
Napahinto din siya tsaka napatingin sakin. Pakiramdam kong lumukso yung puso ko palabas sa katawan ko nang magtama ang mga tingin namin. Jusko, baka mahimatay ako ngayon lord tulong! Ang pogi ng nilalang na ito.

"Anong kailangan mo?" Nabalik nalang ako sa realidad nang magsalidad siya. K Tzuyu, huwag kang maging lutang muna na ngayo'y kaharap mo na siya baka hindi lang tulak ang magawa niya sayo, baka sapak na. Tinignan niya ako. Blangko yung expression niya. As in blanko talaga like REALLY REALLY ng Winner at REAL NA REAL ng Nesfruta.

"Ahm.... Mingyu... Kasi.. Ano..." Puta ka Tzuyu ba't ka nauutal ngayon ha? Gaga ka ba, ngayong kaharap mo na ang matagal mo nang crush naging mahiyain ka na?

"Anong kailangan mo? At sino ka?"

"Uhm..."

"Ah, alam ko na," Ngumisi siya. Jusko, ang pogiiiiiiii GAHD HUWAG. Teka, kilala niya ba ako?! Ohmygod?! Kilala niya ba si Chou Tzuyu, ang pinakamagandang diyosa sa balat ng lupa at may mahal na si Kim Mingyu na pinakagwapong nilalang sa buong universe?  "Ikaw yung babae na parang tanga na ang dahilan kung bakit ako na detention. Tama ba ako?"
LAGOT.

Ngumisi pa siya tsaka tinignan yung pangalan ko sa gold pin ko. Gahd, ang lapit nang mukha niya. TUKSO LAYUAN MO AKO BAKA MAHALIKAN KITA AT MATAPOS NA AGAD ANG STORYA NA ITO, DA END. "Chou Tzuyu-ssi?"

"Oh???" Tanga, ayan lang ba ang masabi mo?

Lumapit siya sa tenga ko. Gago, kala ko pa naman halikan niya ako sa pisngi. ASAAAA PA MOWR😭 "Get the fck out of the way." Ay grabeh!

Tinulak niya naman ulit ako kaya ayun dumeretso naman sa sahig yung puwet ko. Paulit-ulit nalang akong tinutulak ah, ang sakit na!😭 Pero okay lang, matiis ko naman ang sakit eh. Sa masakit na katotohanang parang wala nang pag-asa na maging tayo. Sige lang, mahal pa din kita.

Pagkatapos niya akong itulak ay lumakad na siya palayo. ANG SAMA MO SAKIN BEBE KO PERO MAHAL PA DIN KITA TANDAAN MO YAN. Isang malaking finger hearteu sayo na may kasamang pakyu dahil tinulak mo naman ako at ang sakit ng pwet ko pasalamat ka malaki pwet ko, tangna.

Tumayo nalang ako kahit masakit yung pwet ko. Kay aga-aga pa, ramdam ko na agad yung sakit💔 #Physical pain #SakeetSaButt

At huli ko nalang na realize na pinagtinginan na pala ako ng mga tao. FOTA NAKAKAHIYAAAAAAAAA!! Ang ikli pa naman ng palda ko tangna neto. Pero lakompake, may shorts naman ako pake ba nila. Lumakad nalang ako patungo sa building kung saan yung first subject namin which is Math. Ang weak ko pa naman dun pero sige lang kaya ko pa. KAYA KO PANG MAG-SURVIVE SA IMPYERNONG 'TO BASTA MAKITA AT MAKASAMA LANG BEBELABS KO.

Nang makaakyat na ako sa hagdanan ay nakita ko bigla si Mingyu sa hallway na lumalakad din patungo sa classroom namin sa Math. Prince charming, wait for me! Tumakbo ako para makahabol sa kanya nang bigla nalang may humarang na duwende sa harapan ko. Dahil sa gulat ko at huli na akong huminto, nabangga yung noo ko sa kanya. PHYSICAL PAIN PT. 2

CHANGE OF HEART || K.MGWhere stories live. Discover now