Xx. Chapt. 40 .xX

77 3 0
                                    

Kinuha ko yung kwelyo niya, sabay ng pagtulak ko sa kanya sa loob ng rooftop. Sa sobrang galit ko'y nasuntok ko din siya sa kanyang mukha.

"Bakit bumalik ka pa?" yun ang unang lumabas sa aking bigbig. Deretso akong pumunta dito para lang din sugudin si Mingyu dahil sa kaputanginahang ginawa niya sa girlfriend ko.

Napahawak siya sa kanyang panga, at pinanlisikan ako ng mga mata. "Hindi na ba ako pwedeng bumalik?" sagot niya.

"Anong klaseng kagaguhan yung ginawa mo kagabi?" sinubukan kong kumalma pero nangingibabaw talaga yung galit ko, at gusto ko siyang suntukin ulit.

"Ano ang pinagsasabi mo?"

"BAKIT MO HINALIKAN ANG GIRLFRIEND KO?!" sa sobrang galit, napasigaw nalang ako sa mukha niya. Sinigaw ko para dama niya at para na din maging aware 'tong gagong 'to na akin na si Tzuyu.

"Bakit? Bawal ba?" tanong niya, gamit ang sarkastikong boses.

"Putangina, Mingyu. Nung nawala ka, ako yung naging sandalan niya. Ilang beses akong pumunta sa bahay nila para dalhan siya ng pagkain, pero alam mo, hindi siya kumakain. Iyak lang siya ng iyak, walang tulog. Nagkasakit siya dahil dun. Kasi ikaw, na napakalaking gago, pinaiyak siya. Tapos babalik ka lang dito at magpakita ulit sa kanya na parang walang nangyari! Anong klase ka? At ngayon na akin na siya, aagawin mo naman ulit? PWEDE BA UMALIS KA NALANG ULIT!" tinulak niya ako ng malakas dahilan para mapasandal yung likod ko sa pader.

"Wala kang alam putangina! May rason kung bakit ako umalis, at hindi ko naman intensyon na saktan at paiyakin si Tzuyu kaya huwag kang magsalita diyan na parang alam mo na ang lahat kasi puta wala kang alam!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko't sinuntok ko siya ulit. This time, hindi na ako tumigil. Hindi man ako marunong sumuntok, pero ginawa ko talagang sirain yung mukha niya. SOBRANG GAGO NETO.

Hanggang sa may humila sa kamay ko, napalingon ako sa kanya, at si Sana iyung humila sakin. "Anong nangyayari dito?!" sigaw niya, habang higpit na nakahawak sa braso ko.

May tumakbong babae kay Mingyu at hinawakan niya din ng mahigpit yung kamay ni Mingyu. "Anong nangyari sa inyo?!"

"Minhyuk, anong nangyari? Bakit bigla nalang kayong nag-away?" tanong ni Sana, puno ng pag-aalala yung mukha niya. Tinignan ko muli si Mingyu, at sinamaan ko siya ng tingin.

"Tanungin mo ang isa diyan, alis muna ako." sabi ko at hinawi yung kamay ni Sana na nakahawak sakin tsaka ako bumaba sa rooftop. Pagbaba ko, saktong dumaan din si Tzuyu. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Good morning?" bati niya. Natigilan siya at bigla nalang akong tinitigan.

"Anong nangyari sayo?" sabi niya, reffering sa mga sugat ko sa mukha.

"Wala 'to." kinuha ko yung kamay niya tsaka hinila ito. Gusto ko siyang ialis sa lugar na ito. Ayokong nandito siya. Ayokong magkita sila. Ayokong makita siya ng gagong iyun.

Lumabas kami ng paaralan. Kitang kita yung pagtataka sa mukha niya, pero sumunod lang din siya sakin. Tahimik lang kaming lumalakad, hanggang sa makadating kami sa isang parang park.

Umupo lang kami dun. Hindi ko magawang makapagsalita pa, nandito pa din yung galit na nararamdaman ko. Nasasaktan ako kapag maisip yung mga nangyari kagabi.

"A-Ano.... bang nangyari?" takang tanong niya.

Ngumiti lang ako sa kanya. "Wala. Wala."

"Saan mo nakuha iyan?" umusod siya papalapit sakin tapos nanlaki yung mga mata ko nang hawakan niya ang mga pisngi kong puno ng mga sugat. Napangiwi ako sa sakit nang mahawakan niya yung parte na may sugat.

CHANGE OF HEART || K.MGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon