Xx. Chapt. 25 .xX

70 5 12
                                    

Minhyuk's POV

A:N: Ang POV ni Minhyuk, is before planning on confessing on Tzuyu hihi.

Hindi ko inasahan....

Na magkagusto sa kanya.

Habol ko lang naman ay friendship...

Pero ba't nga ba umabot sa puntong iyun?

Ilang araw ko na din siyang hindi pinapansin. Akala kong kaya ko, pero hindi pala. Ang hirap pala.

"What is with you and your napakapanget na fes? Tsaka ba't ka nandito?" napaangat ako ng ulo nang may tumabi sakin.

"Akala ko ba wala kang pake?" I joked. Nag chuckle lang siya at ti-nap yung balikat ko.

"Concerned lang ako, ba't ka nandito? Diba dapat may 'Kulit-Duty' ka pa?" napangiti ako. 'Kulit-Duty' yung tawag ko sa ginagawa kong pangungulit kay Tzu.

"Kihyun, akala ko ba, your own business lang inaatupag mo?"

"Bored ako..." sumandal siya sa pader at pa-cool na ngumiti sakin. Feeler.

"Sabihin mo na." dagdag niya pa.

"Ano," umayos ako ng upo. "Hindi ko alam kung bakit ko na siyang inaawasan."

"Hmmm, go on." tumatango pa siya, na parang nakikinig nga talaga.

"Parang kapag nakikita ko siya, gusto kong lumayo... Yung iniiwas ko yung tingin ko kapag magtama ang aming mga tingin, basta! Hindi ko na gets yung sarili ko."

Nagkibit balikat siya at bigla nalang ngumisi. "Wao, Minhyuk. Hindi ko na-iimagine."

Kumunot yung noo ko. "Na?"

"The day has come." sabi niya tapos biglang sinundot-sundot yung tagiliran ko.

"Problema mo ba?!" sigaw ko sa kanya, tumawa lang siya.

"So ano?"

"Hindi ko naiintindihan yung nararamdaman ko. Ano bang dapat kong gawin?" pa-cool lang siyang umakbay sakin tapos parang nag-iisip kong ano bang dapat isagot sa tanong ko.

Matagal na kaming magkaibigan ni Kihyun. Siya yung una kong nakilala. Magkaibigan na kami bago nabuo yung tropa na Monsta X. Bakit Monsta X? Hindi ko alam, tanungin niyo si Hyunwoo.

"Confess. Sabihin mo sa kanya ang lahat ng nararamdaman mo. Halatang halata na may gusto ka sa kanya, Minhyuk. Taengene, kailangan kong sabihin ito sa buong skwad." nag roll eyes lang ako sa kanya.

Sige sabihin mo sa kanila, alam ko namang susuportahin niyo lang din ako. Hayst...

Pero gusto nga ba yung nararamdaman ko towards kay Tzu?
Gusto ko nga ba siya?

Pero.... kung ganun... may higher chance na i-reject niya ako, at masira yung pagkakaibigan namin, as well as maging akward kami sa isa't-isa.

Simula nung malaman kong may malaking crush pala siya sa kaklase kong mukhang gangster na si Kim Mingyu, doon na agad nagsimula yung pag-iwas ko sa kanya, hindi ko din alam kung bakit ko nga ba siya iniiwasan, kahit wala namang magandang rason.

Kasi nung time na wala kaming klase, umalis lang ako sandali para ilagay yung bag ko sa room. Paglabas ko, nakita ko siyang umaakyat patungo sa rooftop kaya sinundan ko lang siya.

Hindi ko inexpect na yun ang maabutan ko dun....

Nagyayakapan sila sa isa't-isa. Pinapahiran ni Tzu yung mga luha ni Mingyu. At sa oras na yun, parang tumigil yung heartbeat ko.

CHANGE OF HEART || K.MGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon