Xx. Chapt. 12 .xX

110 7 3
                                    

Maaga akong nagising for no reason. Hays, maka ready na nga. Mabilis akong naligo, nagbihis ng uniform tsaka agad kumain ng breakfast. After 20 minutes, tapos na ako hihi!

Pagkatapos kong mag-ready ay umalis na agad ako. Habang naglalakad ako, napansin kong may sumusunod sakin kaya mabilis akong napalingon pero wala namang tao.

"Hmph.." Naglakad nalang ako muli pero ramdam ko naman ulit na may sumusunod sakin kaya napalingon ulit ako pero wala namang tao!  ̄へ ̄
Nagulat nalang ako nang may biglang gumulo ng buhok ko kaya mabilis akong lumingon. Bumungad agad sakin yung malawak na ngiti ni Minhyuk.

"Hi Tzu! Hindi ko inexpect na makasabay ka." Nakangiting sabi niya at ginulo ulit yung buhok ko.

"Yah! Kakasuklay ko lang ng buhok ko, guguluhin mo ulit?" Inis na sabi ko. Ang kulit neto!

"Hehe, sorry." Sabi niya at ngumiti naman ulit. Haha, ang cute ng ngiti niya—LOYAL AKO KAY MINGYU. SI MINGYU LANG, SI MINGYU LANG. SI MINGYU LANG POGI AT CUTE SA PANINGIN KO LORDDDDD. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Salamat pala sa paghatid sakin kagabi." Ngumiti naman siya! Nabu-bwiset ako sa ngiting yan ah! Nakakagigil siya parang gusto ko tuloy kurutin ang mga pisngi niya shet pero loyal ako kay Mingyubebeqoe!

"Haha, no problem. Gusto mo, sabay pa tayong umuwi palagi." Sabi niya tapos tinapik-tapik yung balikat ko.

"Haha, pwede naman." Pagsang-ayon ko sa kanya.

–––––––––

"Sanaaaa beshyyyy!" Tawag ko kay Sana sa loob ng classroom niya. Dahil sa lakas ng sigaw ko, napatingin tuloy lahat ng mga kaklase niya sakin (/ω\)

"Oh ano? Ba't nandito ka pa?"

"Pinapaalis mo na agad ako? Sige bye nalang." Naka pout na sabi ko at tatalikuran na sana siya nang hinarap niya ulit ako sa kanya.

"Haha, joke lang yun. Oh ano?"

"Hehe, pakilala mo naman ako kay Lee Minji." Kinikilig na sabi ko.

"Ha? Eh... Hindi pa siya dumating eh."

"Ay late... Sige mamaya nalang! Bye!"
Sabi ko at tumakbo na paakyat sa hagdanan. I can't wait to meet na yung pinsan ni Mingyu. Hihi, gusto kong makipag close sa kanya para ma share niya sakin yung mga gusto ni Mingyu tapos mapapasaya ko si Mingyu hihi yeeeyyyy.

Habang tumatakbo ako sa hallway, hinarangan naman ulit ako ni Chan kaya muntik na naman akong bumangga sa kanya buti nalang napahinto agad ako. Gagong 'to!

"Hoy gago ka ba?!" singhal ko.

"Ay, akala ko pader, yun pala tao, palibhasa talampas eh." Nakangising sabi niya tapos tinignan ng deretso yung dibdib ko, ay manyak!

"Hoy saan ka nakatingin ah?! Kung sapakin kaya kita!" Agad naman siya tumakbo kaya hinabol ko siya. Gago, manyak talaga! 〒_〒

"Humanda ka sakin!"

"Kung mahabol mo ako, haha!" Mapang-asar na sabi niya sakin. GRRRR GIGIL MO SI AQOEEEEE.

Hindi ko namalayan na may bigla nalang lumabas sa classroom namin kaya nagkabanggaan kaming dalawa. Deretso pwet ko sa sahig (╥﹏╥) Okey mashaket siya pero buti nalang malaki pwet ko, pero hindi kasing laki nung kay Vice Ganda.

Nanlaki yung mga mata ko. "Puta..." mura niya at tinignan niya ako ng masama, as if papatayin niya na ako. Jusko lord, yung kaharap ko ngayon, yung love of my life ko, pero yung mga mata niya, puno ng galit, hindi pag-ibig, nang dahil lang sakin wahh.

"Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! Are you blind?!" Singhal niya sa mukha ko. Napanguso nalang tuloy ako. Kay dami ng estudyante dito na pwede kong mabangga, siya pa (╥﹏╥) kung sinuswerte nga naman ng tadhana.

CHANGE OF HEART || K.MGWhere stories live. Discover now