Xx. Chapt. 39 .xX

53 3 0
                                    

Don't tell me this is happening.....

"M-Mingyu?" I managed to spoke out.

Nang magtama yung mga mata namin, parang biglang nag freeze yung buong paligid, at sabay neto ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Gago ka ba?" bulyaw ni Minhyuk at linapitan siya. Nakatayo lang ako, 5 centimeters away from them. Nanigas yung buong katawan ko. Hindi ako makagalaw sa sobrang gulat.

Pinanood ko lang silang mag-usap ni Minhyuk, bago siya tumalikod at deretsong pumasok sa kulay itim na kotse. Tumakbo patungo sakin si Minhyuk at yinakap ako. "Buti at hindi ka nasaktan."

Stiff na stiff pa din yung katawan ko katulad ng estatwa.

It's him.

It's really him.

His back.

What should... I do?

Bumalik siya. Nakita ko na ulit siya.

3RD PERSON'S POV

Humingi ng tawad si Mingyu kay Minhyuk. Hindi niya naman sinadya, tsaka huli niya nalang nakita si Tzuyu. Buti na nga lang daw at hindi niya ito nabangga. Pagkatapos niyang makausap si Minhyuk ay pumasok na ulit siya sa sarili niyang kotse.

Bago pa man niya ipaandar yung engine nito, he glanced at them for one last time, at nakita ng kanyang dalawa mata, si Minhyuk at Tzuyu na nagyayakapan.

Umiwas na siya ng tingin at pinatakbo ng mabilis yung kotse niya patungo sa kanilang bahay. Kakadating niya lang mula sa New York, leaving his parents there. Hindi pa sana siya uuwi ngayon, pero tinakasan niya ang kanyang mga magulang, sapagka't gusto niyang makita ulit si Tzuyu. Pero base sa nakita niya ngayong gabi, para bang nagsisisi siya kung bakit ba siya bumalik.

"Huli na ba ako?" ang tanging nasa isip niya.

Inaamin niyang may gusto na nga siya kay Tzuyu. He finally realized not seeing the girl for a long time, makes him seek for her. Palagi niya na itong naiisip, palaging bumabalik sa kanya yung mga memories nila noon, kaya para sa kanya, importante na sa kanya si  Tzuyu.

Nag drive lang siya, at pagdating niya sa kanyang bahay, sinalubong agad siya ng kanyang kapatid. "Hyung! Bakit nandito ka?"

Nasasayahan siya na makita muli ang kanyang kapatid. "Tinakasan ko sina Mama." tanging sabi ni Mingyu at ginulo ang buhok ng kanyang kapatid.

"Kamusta ka na?" dagdag niya.

"Okay naman ako, Hyung. Sumisikip minsan yung puso ko pero okay pa din, malakas pa din." ngumiti lang siya sa kapatid niya at dumeretso sa kusina kung saan ang kanilang yaya na ni-hire ng kanilang mga magulang para bantayan si Gaemin habang nasa New York sila.

"Hello po Yaya." nagulat ang matanda, at natigil sa paghuhugas ng pinggan.

"M-Mingyu ijo? Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba—"

"Tinakasan ko po kasi sina Mama, huwag niyo lang po muna sabihin sa kanila na nandito ako." nag-aalalang lumapit ang kanilang yaya kay Mingyu tsaka siya tinignan kung okay lang ba ito, puno ng pagtataka yung mukha niya.

"Jusko bakit mo tinakasan ang iyong mga magulang? Alam mo namang magagalit iyun."

"Sanay na po ako na napapagalitan palagi nila, kaya okay lang po. Ako lang po ang bahalang mag explain sa kanila kaya po kapag tawagan ka po nila, ibigay niyo lang po sakin yung telepono, ako po ang sasagot." sabi naman ni Mingyu.

"Osya sige na nga. Magpahinga ka na, baka napagod ka sa biyahe." sabi naman ng kanyang Yaya at pinatuloy na yung paghuhugas ng pinggan.

"Ako na po ang bahala diyan—"

CHANGE OF HEART || K.MGWhere stories live. Discover now