Xx. Chapt. 30 .xX

58 3 2
                                    

Nagtipon-tipon kaming lahat dito sa gym dahil P.E. namin ngayon. Kakapalit ko lang ng damit at ngayo'y pabalik na sa gym. May volleyball game daw kasi sabi ni Teacher Kim, haeup.






Inis kong sinipa yung bato sa tabi ko, hindi pa naman kasi ako marunong mag volleyball! Tsaka sabi ni Mr. Kim na magge-grade daw siya agad, walang practice nor trial game! Excited much eh!








Umupo lang ako sa bleachers at pinanood yung mga kaklase kong naglalaro. 1 vs. 1 kasi yung game, kaya ako kinakabahan. Yung mananalo ay ang makakatanggap ng mataas na grade at yung matatalo naman, depends if paano kagaling yung paglalaro niya.








Ano bang gagawin ko? Hindi ako marunong!






Ininom ko nalang yung milktea na binili sakin ni Sana. Hays, kung badminton lang sana ito, may konting alam pa ako, hays.






"Ba't nakasimangot ka diyan?" umupo sa tabi ko si Chan. Hindi ko lang siya pinansin since alam kong aasarin niya naman ako. Wala ako sa mood, tsaka nababadtrip pa ako.






"Hoi, hindi mo ba talaga ako kakausapin?" inirapan ko lang siya at napatingin kay Mingyu. Siya na kasi ang susunod na maglalaro, at ang kalaban niya ay si Minhyuk.








Nang masabi ko na sa kanya na gusto ko si Mingyu, parang dumistansya siya bigla sakin. Kanina nung makita ko siya, nginitian niya lang ako pero hindi sincere iyun. Aigoo...





Pinaglaruan ni Chan yung buhok ko, kaya mabilis ko siyang pinalo. "Wala ka na bang ibang gawin?"








"Hehe."





"Tss." inirapan ko ulit siya at umusod palayo sa kanya.







Nung matawag na sina Mingyu at Minhyuk, agad akong napatayo. Iniwan ko dun si Chan, sa top part ng bleachers tsaka bumaba ako para makapanood ako ng maayos.







Mula sa aking view, nakita ko yung matalim na tingin ni Minhyuk kay Mingyu, na para bang may balak itong mamatay ng tao. Ang seryoso ng mukha niya, nagtama yung mga tingin namin, pero mabilis niyang binawi iyun.





"Start!" sigaw ni Mr. Kim. Ahuhu, gusto kong magmakaawa kay Mr. Kim na hindi ako marunong pero baka i-failure pa ako bigla. Hays, kainis.





Nagsimula na silang maglaro, at mas dumami yung mga tao sa gym, halos babae na mula sa ibang grades. Palibahasa, si Mingyu eh, nakakaakit yung kagwapuhan. Aanhin ko ba kung ang gwapo gwapo niya? Kaya madaming fangirls.





"GO KIM MINGYU!"







"GO MINGYU OPPA!"






"MINGYU! MINGYU!"




At narinig kong may mga sumisigaw din para kay Minhyuk. Gwapo din yung lokong iyun.







"GO MINHYUK!"





"LEE MINHYUK FIGHT!"






"MINMIN GOOOOOO!"



Wow, parang may game talagang nagaganap. Actually, there really is.






Ang galing nilang dalawa maglaro, kaya walang makaka-predict kung sino nga ba yung mananalo. It was almost like a REAL game.




"Hoiiii." umupo sa tabi ko si Sana, nakiupo na din si Junhui at Chan.





CHANGE OF HEART || K.MGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon