Xx. Chapt. 36 .xX

60 4 2
                                    

Kim Mingyu
Online 15 hours ago

Mingyu: Aalis ako ngayon, pupuntang New York bukas ng umaga, 7:00am.

Mingyu: Mag-ingat ka.

Nagising yung buong diwa ko nang mabasa yung message niya. Agad akong tumayo at naligo ng mabilis tsaka sinuot yung uniform ko. Inayos ko na yung mga gamit ko tsaka umalis na ng bahay kahit hindi pa ako nakakain at nakapagpaalam kay Lola.

Mas importante si Mingyu ngayon.

Hearing him leaving, is what I fear ths most.

Bahala na kung magulo man yung buhok ko, bahala na kung nakalimutan ko yung lunchbox ko, bahala na kung nakalimutan ko din yung cellphone ko, bahala na ang lahat ng iyun, kailangan kong puntahan si Mingyu.

Minhyuk's POV

Natigil ako sa paglalakad nang makita si Tzuyu na parang nagmamadaling umalis sa kanilang bahay. Tatawagin ko pa sana siya, pero tumakbo na siya palayo. Sinundan ko lang din siya.

Nung sumakay siya sa bus, sumakay din ako, trying not to be caught by her. Worry was written all over her face, making me curious about what's going on at kung bakit siya nagmamadali.

Tumigil yung bus sa tapat ng bus stop. Hinintay ko siyang makababa, at sinundan naman ulit siya. And hell boy, ang bilis niyang tumakbo!

Tumakbo lang siya nang tumakbo at sunod nang sunod lang din ako sa kanya. Kahit napapagod na agad yung mga paa ko, hindi pa din ako tumigil sa pagtatakbo. Baka mawala pa sa paningin ko si Tzuyu.

I stopped nung makita ko siyang nagmamadaling pumasok sa airport.

What the hell is going on?

Tzuyu's POV

Mingyu.... please...

Huwag mong sabihing nakaalis ka na..

"Good morning po, may nakita po ba kayong matangkad na teenager na ganito ang itsura?" pinakita ko yung picture ni Mingyu sa guard. Pero umiling siya.

I ran around the airport, kahit nakakapagod man. Para kay Mingyu... Hindi siya pwedeng umalis...

Tinignan ko yung schedule ng mga flights tsaka yung relos ko. Malapit nang mag 7:00 kaya mas binilisan ko pa yung pagtakbo ko. A lot of people are already staring at me, na para bang isa akong baliw.

You can't leave....

I won't let you.

Heck, where the heck are you?

I stopped running nang makapansin nang matangkad na lalake na kakatayo lamang at lumakad patungo sa gate 7 kung saan yung eroplano papuntang New York. Hindi na ako nagdalawang isip pa at tumakbo na patungo sa kanya.

Hinila ko yung kamay niya. "Please, huwag mo'kong iwan!" nanlaki yung mga mata ko nung humarap siya.

It wasn't Mingyu.

Hinawi niya yung kamay ko at umiling sakin. Napahiya ako dun ah.

6:59am....

The clock was running too fast, and so does my heartbeat.

"Mingyu! Mingyu!" sigaw ko. Wala na talaga akong choice kaya ginawa ko 'to. I believe that he could possibly hear me..... Sana....

I was constantly screaming his name, na parang baliw, while running around again. The thought of him leaving is what I fear the most. Ilang beses ko siyang makita every single day of this school year, last year, the year before, and another year before.

CHANGE OF HEART || K.MGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon