Xx. Chapt. 28 .xX

67 3 9
                                    

A lot of days has passed. Still, I spent every day, well like the normal days. Gigisingin ako ni Chan at bigla nalang papasok sa kwarto ko na may dalang pandesal. And after that, I would spend the whole day with Minhyuk.


And at night... Well.... Late night talks with Mingyu. We would chat until aantukin na kami.




At masasabi ko na... Hindi ko makakalimutan, ever, yung nangyari nung Tuesday. It was too good to be true, hinalikan niya ako. After all that, sabay kaming umuwi, pero ang akward naming dalawa.


Pero naging casual na din kami ulit sa isa't-isa, pero minsan hindi niya ako pinapansin, since well, you know he's ignorant at times pero okay lang naman sakin kasi sanay na ako na ganyan siya.




Pero mga bes, I hit the jackpot! Hihi!



Dumaan na yung isang week, at heto ako at papauwi na sa bahay namin. Nag enjoy naman ako dun sa resort pero mas na-miss ko yung bahay, yung kama ko huhu, si Lola, tsaka na din si Sana at Minji.





"Hatid na kita sa bahay niyo." natatawang sabi niya pagbaba namin ng bus.


"Lol, huwag na." natatawang sabi ko din. Kanina pa kasi kami naglalaro sa bus ng mga combat games na multiplayer, tapos ako palagi yung nananalo.






"Nag enjoy ka ba?" tanong niya nung pinakuha samin yung mga bagahe namin. Nagpaalam na kami kina Maam at sa mga kaklase namin. Nagkatinginan lang kami ni Mingyu, he blinked twice. Ngumiti lang ako sa kanya at kumaway. And again, hindi ko na pinansin yung masamang tingin nung feeling maganda na si Eunbi.





"Oo naman." natagalan yung pag-reply ko since nagte-text si Sana kung papauwi na ba ako, at parang excited siya? Ulol, ihihingi niya lang naman yung pasalubong niya mula sakin.



"Saan ka ba dinala ni Mingyu nung Tuesday?" seryosong tanong niya.



"Places." tipid na sagot ko.


"Places places, be specific." eh sorry naman lol.



"Grillhouse, some places, a bridge kung saan mo mapapanood yung mga hot air balloons, and a grassy plain kung saan mo mapapanood yung sunset. And that's basically it." nakita ko kung paano niya iniwas yung tingin niya sakin at padabog na lumakad. Wao ha.





"Huy, hintay." Tumakbo ako para maka-catch up sa kanya pero yung gago, eh binilisan yung paglalakad niya. Edi hindi! Pucha naman, mapapagod pa ako.


Tumakbo ako ng mabilis para maunahan siya, nagulat pa nga siya nung nilagpasan ko siya, tss. Ayan! Tatakbo na talaga ako pucha kahit mabigat 'tong mga bags na dala ko.


Narinig kong tinawag niya yung pangalan ko, pero hindi ko siya liningon at deretsong pumasok sa bahay. Inis kong hinubad yung mga sapatos ko. Tsk, ba't ang dilim?


"Surpriseeee! Welcome back!" biglang may pumutok na party popper sa harapan ko.



"Anong meron?" naguguluhang tanong ko. Eh malay ko naman ba, eh next month pa birthday ko eh.




Nakangiti akong sinalubong ni Lola at yinakap ng napakahigpit. "Na-miss ko yung magandang apo ko." sabi niya. Binitawan ko yung mga bag ko at yinakap ko din siya. Ahuhu, na miss ko talaga si Lola T_______T


Nginitian lang ako ng mga magulang ni Sana, nandito din sila. "Hi po, tito, tita." bati ko. Yinakap agad ako ni Sana. "Ahuhu, bes na-miss kita."

"Tss, asa." inirapan niya ako, at yinakap ulit. Dzuh?



"Pasalubong ko?" nag pa-cute pa siya sa harapan ko. Ang gaga, yun lang habol niya eh.




CHANGE OF HEART || K.MGWhere stories live. Discover now