Xx. Chapt. 33 .xX

63 4 4
                                    

1 week later.....






Isang week na rin ang lumagpas, at ang daming nangyari. Kakatapos lang din yung midterms namin kaya pwede na kaming maka-enjoy at mag-relax na ulit.






May event sa school namin ngayong araw, at ayun ang Mr. & Mrs. Kirin 20**. Kaya kami dito ni Sana sa field, lumalakad lamang at minsan ay pinapanood yung Junior student council at College Student Council na sine-set up yung stage para sa event mamayang gabi.







Excited ako, kasi syempre, si Mingyu ay isa sa mga candidates na magpe-present sa section namin kaya excited akong mapanood siyang rumampa, ahihi. Pero yung nakakabadtrip lang, partner niya si Eunbi. Yung bruhang yun... Aish! Gagawin talaga ang lahat para lumandi dun sa EX niya, pfft!






Pero hayaan niyo na nga, uhaw na uhaw yung malandi eh. Si Mina naman at si Hong Jisoo ang second pair na magpe-present ng section namin. Of course, suportado din ako sa dalawang 'to! In fact, bagay nga silang dalawa eh. Parehong may looks, mga gwapo't maganda, parehong mahinhin, at may mala-anghel na mga mukha.






"Kain muna tayo jusko, nagugutom ako." aya sakin ni Sana kaya tumungo kami sa canteen para makabili ng pagkain. Maaga pa kasi kaming pumunta dito, kahit alam naman naming walang klase, hindi halatang excited eh lol. Actually, ako lang talaga ang excited na pumunta dito, palagi naman talagang maaga pa pumupunta si Sana dito sa school. Nagkataon lang na ayun, sabay kaming pumasok sa gate. At bongga, heto kami sa canteen yey.





Umupo na kami sa lamesa at kumain ng kung ano-anong pinamili ni Sana. Iba't-ibang klase ng tinapay, wao matakaw, hindi naman tumataba.





"Kamusta pala kayo ni Jun?" tanong ko out of the blue. Wala lang, gusto ko lang talagang pag-tripan ngayon si Sana kasi wala nga lang, trip ko lang.





Bigla siyang nabulunan kaya ininom niya ng mabilis yung tubig na binili niya. "Jusko naman bes, ba't yan talaga yung natanong mo?"






"Bakit? Nagtanong lang naman ako ah? O' baka may iba pang nasa isip mo? Kamusta nga kayo?" nakangising sabi ko.




"Okay lang naman! Bakit ba?" asus, matagal ko na din silang hindi nakasama eh kaya baka may improvement? Ayieeeee.





"Kamusta yung relationship niyo?" at natigil naman siya ulit sa pagkakagat ng kanyang tinapay.





"Bakit ganyan yang mga t-tanong mo?!" singhal niya. Sabi na nga eh, may improvement nga.




"O' ba't namumula ka? Ayieeeee, so ano na? May improvement nga? Kayo na ba? M.U.? One sided pa din?" napalo niya ako sa balikat.





"Tsk, nawalan na nga lang ako ng gana kumain letse."





"Oy, nagtatanong lang naman ako!" natawa ako sa mukha niya. Parang iiyak na siya anytime soon, pero namumula pa din eh. "Tsaka namumula yang mga pisngi mo, which means may improvement nga!"





"Sana!" speak of the devil.... Wahaha-





Nginisian ko si Sana. Sumimangot siya sakin at sinampal-sampal yung mukha niya para mawala daw yung pagkapula ng pisngi niya. Ayieee nag blush talaga eh.






Nagulat ako, pati si Sana mismo nung tumabi si Jun kay Sana tapos bigla nalang niyang guluhin ang buhok neto. Oy.... PDA! "Haiiii, ang aga niyo pa dito sa canteen ah, uy madaming tinapay, penge isa." tumango lang ako kaya kumuha si Jun ng isang tinapay sa plastic tsaka kumain na din. While si Sana, ayun, ang tahimik. Natatakot na baka madulas yung bibig ko at magkaka-aminan na yung dalawa hehe.





CHANGE OF HEART || K.MGWhere stories live. Discover now