Three

304K 6.1K 390
                                    

AVREIN

NAGISING ako na talaga namang napakasakit ng ulo ko. Hindi dahil sa alak kung hindi dahil sa kunsumisyon na naganap sa akin kagabi.

Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ng silid ko. I wore my thick and big eyeglasses. Naabutan ko sina Lei at Vance na nagkakape sa kusina ko.

"Hindi pa kayo umuuwi?" tanong ko saka kumuha ng tasa at nagtimpla ng sarili kong kape.

"Dapat ka ba naming iwan sa manyak na 'yan?" taas-kilay na tanong ni Vance habang nakaturo sa boss ko na nakahiga ngayon sa couch.

"Vance—"

"Sanay ka na ba sa ugali niyan, Ate? Base kasi sa mga pinagsasasabi mo kagabi parang sanay na sanay ka na sa istilo at ugali niyang boss mo," putol ni Lei sa dapat na sasabihin ko.

"Lei—"

"Sa bagay, kung hindi ka nga naman sanay—"

"Can I talk first?" seryosong putol ko sa sinasabi ni Vance. Kulang na lang ay hindi nila ako hayaan na dumepensa sa mga paratang nila.

"Lagot na, Ate Vance. Seryoso na siya," bulong ni Lei na dinig na dinig ko naman. "Ang lupet kasi niyong ginawa mo kagabi. Just imagine, alam mong pasunurin ang boss mo kahit lasing?" manghang baling sa akin ni Lei.

****

"WHAT THE HELL IS THIS!?" sigaw ni Vance nang makita nilang nakasubsob sa dibdib ko ang mukha ng boss ko.

"Could you please help me first?" malamig na tugon ko saka ako nagpatulong na alisin ang mga braso ng boss ko sa bewang ko.

"Ohhhh . . .!" hiyaw ng boss ko na talaga namang animo naka-drugs habang nakasubsob pa rin sa dibdib ko.

"Hayst!" daing ni Vance habang patuloy pa rin ang paghila sa akin.

"Grabe to, Ate! Ito ang nanghalik sa 'yo noong kasal ni ate Aiyie, hindi ba?"

Tumango ako at ipinagpatuloy lang nila ang paghatak sa akin. Sa bawat hatak nila paalis ay siyang hatak naman ng boss ko pabalik. Para na akong goma sa estado ko ngayon.

Pinakalma ko ang sarili ko, nagbuntonghininga at nag-isip ng tamang gawin. Ganito ako kaya't madalas nilang isipin na may mali sa akin.

"Bitawan n'yo ko," awat na utos ko sa dalawa na mabilis naman nilang sinunod.

Lalo akong hinatak ng boss ko palapit sa katawan niya na mas lalong ikinadikit ng dibdib ko sa mukha niya. Ramdam ko ang sadyang pamumula ng mukha ko dahil sa nangyayari.

"Mmmmm. . . ." ungol pa nito na tila halinang-halina habang inaamoy ang dibdib ko.

Relax lang, Avrein. Everything's gonna be alright. Sanay ka na sa ginagawa niya , kaya mag-relax ka, pagpapakalma ko sa sarili ko. Iniyuko ko ang ulo ko patungo sa tainga niya na agad namang inalmahan ng dalawa.

"Ate, anong gingawa mo?" nag-aalalang anas ni Leickel.

"What the fuck are you doing, ate Avrein? Makikipag-make out ka ba sa harap namin?" inis na wika naman ni Leyvance sa akin.

Tinapunan ko lang sila nang malamig na tingin at itinuloy ang ginagawa ko. Inilapit ko ang mga labi ko sa tainga niya at bumulong.

"Mr. Montealegre, sa loob ng tatlong segundo at hindi mo pa rin ako binitawan, sisiguraduhin ko pong bukas, matatagpuan mo na lang na putol na ang iyong kinabukasan," bulong na pananakot ko rito at sa mangha ng mga pinsan ko ay agaran itong kumalas sa akin.

My Naughty Boastful Boss (Freezell #2) [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon