Chapter 1: Mysterious Tree

8.2K 236 7
                                    

Chapter 1: Mysterious Tree


Currently dreaming of something nice and felt comfortable with my pillow when something cold suddenly splashed in some part of my body.

"Hoy babaita ka! Gumising kana!" That shout is the first, yeah, fucking first voice that I'm gonna hear today.

Punyeta! Napa-english pa tuloy ako. Tama nga talaga ang magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.

"Ay, tubig!"

Gulat akong nagising dahil sa auntie kong binuhusan lang naman ako ng isang timbang tubig.

Just wow, right? Kaya love na love ko 'yan eh.

Note the sarcasm, please.

"O-opo, Auntie!" Matatag na saad ko.

"Bueno! After, go downstairs and cook for breakfast."

Napabuntong hininga nalng ako. Lumabas na rin si Auntie sa kwarto ko.

7:30 na. 8:30 yung klase ko.

Maliligo na ako. Pero sa labas palang ako ng paliguan ay napaisip ako.

"Maliligo pa ba ako? Eh binuhusan na ako ni Auntie ng tubig, dapat sinabayan niya ng sabon at shampoo para tapos na, 'di ba? Sayang."

Napa-iling nalang ako sa aking mga pinag-iisip. Papasok pa ako ngayon kaya dali-dali akong naligo.

Bumaba narin ako para magluto at boom!

Nandito ako ngayon sa sidewalk. Maglalakad lang ako papuntang school galing sa mansion ni Auntie.

Yes, mansion. Kaso nagtataka talaga ako kung bakit walang maid o butler si Auntie. Mayaman naman siya. Balak talaga siguro akong gawing kasambahay ni Auntie, sus ang sweet. Ramdam na ramdam ko ang hampas ng pagmamahal!

By the way, ako nga pala si Ezra Areyih Valencia, 16 years of age.

Ampon lang ako ni auntie. She said that my parents died in a car accident. Masakit malaman, pero natutunan ko na ring tanggapin.

I'm always wearing a big glass and my bangs that covers my purple eyes and with my pang-manang uniform. Hindi masyado naninibago si Auntie sa eye color ko kasi iba rin naman 'yung eye color niya. Nung pina-check up 'yung eye color ko, sabi nila nasa genes na daw kaya hindi na ako nagtanong pa. Pero kailangan ko itong itago dahil pagkakaguluhan nila 'to.

I'm intelligent naman. Maganda naman talaga ako, ehem, pointed nose, long eyelashes at medyo brown long hair. Pero ayaw kong mag suot ng maayos na damit and style.

Kinausap ko lang ang sarili ko hanggang sa makarating ako sa school. Ang bilis, 'no? Well, wag na kayong magtaka. Malapit lang naman kase yung mansion sa Diftson Academy na pinapasukan ko. Tyaka si Auntie, isa siya sa may mga big sponsor dito.

Pagpasok ko sa gate ay binati ako ng napakapaboritong kong gwardya.

"Hi Ms. Manang! Hahahaha!"
Binati agad ako ni Manong gaurd.

Crush niya ata ako, e. Lagi akong inaasar. Hmp! Di ko nalang siya pinansin at dumeretso nalang sa classroom. Masanay na kayo dun, kasi ako sanay na sanay na. Di kasi nila ako kilala kahit ang Auntie ko ang isa sa may pinaka big sponsor dito. Di naman kailangan, 'di ba?

Nasa labas palang ako ay may nase-sense akong mali.
Nakasara pa naman yung pinto.

Bumuntong hininga nalang ako.

"Bahala na, sanay naman ako."
Bulong na sabi ko sa sarili.

Pagpihit ko ng door knob ay napapikit nalang ako. Naramdaman ko nalang ang kung anong malalamig at matitigas na bagay na tumama sa akin.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Sabay tawanan nila.

What a warm welcome from them. Ang sweet nila, 'no? Kaya mahal ko rin yang mga lecheng 'yan, e.

Tinapunan lang naman nila ako ng harina, itlog, kamatis, at iba pa. Ang sweet? Nag-effort talaga sila, eh!

"Hahaha! Freak! Alien! Ugly!"
Sabay namang nagtawanan ang mga sweet kong classmate.

Ang dumi ko na.

Mapait nalang akong ngumiti sa kanila bago umalis.

Di ako iiyak o magagalit. Sanay narin ako eh. Pumunta ako sa locker ko, may extra uniform kasi ako dun. Kinuha ko yun at dumeretso sa girls washroom.

Bawat lakad ko ay may bulungan.
Wala eh, ganon yung buhay saakin.

Malupit.

Pagkatapos kont magpalit ng damit ay tumingin ako sa wrist watch ko.

And yeah, 9:20 a.m. na.

I'm so late.

Kaya naisipan kong di nalang pumasok at pumunta sa garden. Di pwedeng pumunta sa Library kung classes time except nalang kung kailangan talaga at may valid reason.

Umupo nalang ako sa may bench dito at nagbasa ng Fantasy Story. Favorite ko yun eh.

But still, "magics don't exist." I said and continue reading.

Habang nagbabasa ay nakuha nanaman ng isang wirdong puno ang atensyon ko.

Eto nanaman yung puno. Matagal kona 'tong nakikita dito, since 1st year palang ako. Pretty weird.

Parang sinasabi nito na lumapit at pumasok daw ako dun.

Di pa ako baliw.

Weird, right?

Parang may kakaiba itong aura.

Simula palang.

Wait, lumapit kaya ako?

Wala namang mababago right?

Duh, guys. Curiosity kills!

Oo nga, curiosity will kill me.

Pero puno lang yan eh. Paano ako makakapasok? Ay baliw.
Bahala na si Batman.

Palapit na ako ng palapit ng bigla akong higupin nito... omg!

W-what's happening?! T-teka!

Pilit ko itong nilalabanan pero di ko kaya!

"Waaah! Tulong! Ashdkdnsgbbfvb!" Yan nalang ang huli kong sigaw.

Imposibleng may tutulong sa akin dito. Walang nakakakita.

Pero kahit may makakita, walang magbabalak na tulungan ako.

Mukhang mamatay na ako. Pero sana naman, hindi.

Unti-unti naakong nahihilo kaya tuluyan na akong nilamon ng dilim.

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now