Chapter 20:Meet Dr. Kwak-Kwak

2.9K 129 4
                                    

Chapter 20:Meet Dr. Kwak-kwak.

***

Ezra Pov

Nagising ako't naligo na't ginawa ang mga morning rituals ko.

Yeah, naligo. Each tent has complete package. May CR, May kitchen at may sala.

O diba? Pero pwede mo itong itupi hanggang sa maging piraso nalang siya ng tela.

After everything ay nagsimula na kaming maglakad ulit. Kahit na wala ang mapa, sana tama itong tinatahak namin. Naliligaw kami!

Ako rin 'yung nasa unahan, so parang ako 'yung nagle-lead. Eh anong magagawa ko? I have this feeling na parang dito 'yung daan. Why not try? Why not believe? Why not trust?

Ang ganda ng paligid, may falls tapos ang linaw ng tubig. May flowers din na matitingkad at punong masaga sa bunga.

Napatingin ako sa Daffodil and Beryl. Ang ganda kasi nu'n!

Habang naglalakad ay may nararamdaman ako. At habang palapit ng palapit ay lalo ko iyong nararamdaman kaya tumigil ako sa paglalakad dahilan para mapatigil din 'yung mga nasa likod ko.

"Anyare, Ezra? ~~"
"What happened?"
"Bothering you?"

Wala talagang silang nararamdaman?

"Get ready." Ani Axcel and Chase. Nararamdaman nila. 

‘That's also their ability, the Danger Intuition. ’ sabi ni Gretel.

Wow, may undiscovered ability pa pala ako tapos same kami. ^^

"MWEEEOOWWRRRRR!"

May lumitaw na isang higanteng....

"PUSA?" We said in chorus as if we're in choir.

"Guys, mabangis siya!"

Nag cast ng spell si Andrea at may lumabas na itim na bola papunta dun sa pusa pero wa-epek pa.

Gumawa naman ang  bawat isa saamin ng power ball. Unang nagbato si Deralm ng Thunder bolt pero wala parin talaga!

Sumunod naman si Aqua ng Water ball pero wala parin. Sunod-sunod na kaming nagtapon pero parang mas lalo pa itong lumalakas.

Nagsimula narin kaming sumugod at nakipaglaban sa higanteng pusa.

Sinipa ko siya sa ulo at tinapunan ng water ball pero ako ang natapon sa malayo.

Paano ba ito patayin?!

'Find its weakness.' Sabi ni Gretel sa isip ko kaya agad akong napangiti. Hindi muna ako gumawa ng kahit anong galaw at pinanood lang sila.

Sorry guys if i'm just watching you right now, hinahanap ko lang ang kahinaan niya.

Parang naintindihan naman ito nina Axcel at Chase kaya hinayaan na lang nila ako.
Nakita kong nagtapon si Charles ng ice ball sa mukha ng pusa pero natumba siya dahil sa hampas ng buntot ng pusa at yung ice ball ay natapon sa may kuko niya banda. Naramdaman kong humina ang enerhiya niya at nasaktan siya.

"Gotcha." Mahinang bulong ko sa sarili.

Tumayo si Bubbles at gumawa siya ng bubble na lumilipad pataas at yun ang sinakyan niya at nagtapon siya ng  Bubbles spike sa may dibdib ng pusa pero naunahan siya nito kaya agad siyang napahiga. Nakita kong aapakan na ng pusa sa Bubbles na nakahiga at kumukuha pa ng lakas.

"Oh no."

Bahala na. Kailangan ko itong gamitin.

Agad akong nagteleport at kinuha siya doon at dinala sa malayo kung nasaan ang iba pa naming kasama, "Please be safe."

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now