Chapter 35: Explanation

2.8K 112 0
                                    

Chapter 35:  Explanation

***

Ezra Pov

"Do you feel better now?" Tanong ni Chase nang tuluyang makaalis 'yung mga sumisilip kanina.

"Y-yes." Sagot ko.

Ang awkward lang kasi...

"Ahm, Ezra. I'm r-really sorry about what happened last time. I didn't want it, that cheerleader forced me then I just found myself kissing with her. Ezra... believe me." Sabi nito. Nararamdaman kong sincere siya sa sinasabi niya.

Haays, pinapatawad na kita.

"No need to explain, Chase. O-okay na'yun."

Hindi niya kailangang mag-explain at mag-sorry dahil wala naman akong karapatang magalit sa kaniya. Ako nga dapat ang mag-sorry sa kaniya e!

"B-but Ezra believ--"

"Sorry."

"Sorry?" He asked repeating my word.

"Yes, sorry for what have I done. Dapat hindi ako nagalit nu'n kasi kung tutuusin ay wala akong karapatan. Nadala lang ako ng emosyon, I'm sorry." Ani ko.

"Ezra… may kasalanan din ako dito. I confessed my feelings to you pero nakita mong may kahalikan akong iba, I'm sorry." Sabi naman niya.

Haays, ayaw talaga magpatalo ng lalaking 'to. ˇˍˇ

"Okay na, pinapatawad na kita Chase. Sana gano'n ka din sa akin." I smiled genuinely mouthing na 'okay na'.

"Ezra.. ilang araw kang nawala dito sa Academy. Where have you been?"

Boom, 'yan ang kinatatakutan kong tanong.

"U-uhm, k-kahit saan na.. yeah. Tama, kahit saan-saan ako napunta."

Sana naman makalusot ako oh!

"Paano ka nakalabas sa Academy?" Tanong pa nito.
Ano ba talaga siya? Imbestigador?

"N-nakagawa ako ng portal palabas. Natutunan ko 'yun sa isang libro na nabasa ko." Sagot ko. Mabuti na lang talaga at marunong akong gumawa ng kwento.

I want to tell the truth, pero alam kong mamasamain nila 'yun or worst baka sugurin nila si Leighton sa Darkaniax kingdom.

"Ahh."

Mabuti na lang at 'di na siya nagtanong pa kasi nauubusan na ako ng stocked ideas para makalusot.

Pumasok ang isang healer at nag-bow ito bilang pag-galang kay Chase, "Maari na po kayong lumabas, Ms. Ezra."

Ngumiti na lamang ako at tumango.

Tinulungan na ako ni Chase para matanggal 'yung mga nakakabit na ewan-ko-kung-ano sa'kin.

Lumabas na kami ng kwarto, mabuti na lang talaga at bumalik na ang enerhiya ko.
Pumasok kami sa Elevator hanggang sa makalabas kami ng clinic building.

Pumunta din kami sa Cafeteria dahil nagugutom na ako, ilang araw akong wala kain-kain nuh.

Umupo na lang ako sa isang table sa pinakagilid at si Chase na daw ang mag-oorder para sa'min.
Nakakarinig narin ako ng mga bubuyog dito, parang di na ako nasanay. Wherever I go, bees are following me. I wonder why. Maybe I'm sweet honey! Joke.

Mabilis na nakabalik si Chase dahil nga pinauna na siya nung mga patay na patay sakaniya na mas nauna pa sa pila.

Inilapag niya ang tray at naglaman nito ang napakaraming masasarap na pagkain at may side na Chocolate Red Velvet cake at Yakult. Shit, is this heaven?!

Kinain ko ito pero napansin kong walang kinakain si Chase.

"Hey, 'di ka nag-order ng sa'yo?" Tanong ko pagkatapos kong nguyain 'yung kinakain ko.

"No, busog pa ako." Anito kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Nakakailang ang titig ng mga ibang students dito, lalo na ang titig ni Chase pero 'di ko 'yun pinansin at kumain na lang. Gutom ako e. Kung maiilang nalang ako ng maiilang sa kanila, 'di ako mabubusog.

"Hey, dahan-dahan." I heard Chase chuckled. Binigyan ko na lamang siya ng death glare at patuloy pa rin sa pagkain. No one can stop me.

Nung matapos ako ay ngumiti ako ng malapad at nag-thank you kay Chase.

Umiiba na ang kulay ng langit kaya pumunta na kami sa classroom dahil magsisimula na ang klase. Winelcome back naman nila ako kaya nag-thank you ulit ako.

PolSci ang tinuturo ni Ma'am Nixie ngayon. Nakakagulat nga kasi belong sa PolSci 'yung self-defense.

"Okay, so once an opponent is grounded by means of a takedown, throw or slip, the fighter on top generally gains dominant position and can strike to the head using fists and elbows. The fighter on the bottom can defend or attack, particularly in the guard position, and submission can merge from anywhere. "  Sabi pa ni Ma'am Nixie habang kami ay nakatingin sa hologram na nagdedemo ng tinuturo ni Ma'am.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong klase hanggang sa nakita ko si Axcel, nakikinig lang siya at naka-poker face ito... naalala ko tuloy 'yung sagutan namin nung isang araw.

Hindi ko alam kung kasalanan ko ba o kasalanan niya... masyado naman kasi akong nasaktan sa sinabi niya.

"Okay, goodbye Cleytarians. Class dismiss. "

Nagsi-alisan na ang mga classmate, "Hey Ezra, tara na." Sabi pa ni Aqua atsaka naglakad. Sumunod naman ako sa kanila.

Pumunta kami sa isang big round table na may big round chair dito sa may School Plaza.

Nag-uusap-usap na sila tungkol sa hindi ko alam na bagay. Nanatili na lang akong tahimik nang tawagin nila ako.

"Ezra."

"Yes?"

"Any idea about dun sa kinain mo? Kailangan imbestigahan 'yun para malaman kung sinong naglagay ng lason sa food mo."
Sabi ni Threa.

"Oo nga, they're really planning to kill you mabuti na lang at gumana sa'yo 'yung ginawang gamot ni Healer Relha."

Pinilit kong alahanin pero sumakit 'yung ulo ko kaya sabi nila na never mind nalang daw. Basta iimbistagahan daw 'yun.

Pero du'n sa panaginip ko dun, parang totoo. Akala ko totoo na mabait na si Auntie sa akin.

Lumapit sa akin si Chase at may ibinulong.

"Ezra, Someone wants to talk to you privately at the Garden."

Sino naman 'yun?

Napunta naman sa aming dalawa ang atensyon ng nandito.

"Ngayon na ba talaga?" Tanong ko.

"Yes." Sagot niya bago umalis.

Panay tanong sila kung tungkol saan daw 'yung sinabi ni Chase pero sabi ko na wala lang 'yun

Nagpaaalam na din ako sa kanila.

I took a deep breath as I walk.

Sino ba kasi 'yun? Tungkol saan ang pag-uusapan?

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now