Chapter 65: BW: Day 2

2.1K 93 3
                                    

Chapter 65: BW: DAY 2

Ezra P O V

"Alam mo na pala ang totoo." Halos mapatalon ako dito sa kwarto ko nang bigla na lang nakapasok. Hindi ko ito mamukhaan dahil madilim sa kwarto ko at galing sa liwanag lang ng buwan nanggagaling ang ilaw ko. Pero kilala ko siya. Kilalang-kilala.

Napatingin ako sa bintana, bukas ito kaya siya nakapasok at kitang-kita ang isang buwan na napakaliwanag.

Bumalik ang lahat ng masasama kong alala sa kanya, "Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman?"

"Natutuwa ako." Yan lamang ang sinabi niya at umupo sa sofa, "I'm a Prince, Ezra. Nalalaman ko lahat ng gusto kong malaman."

"Lumabas ka na. Pakiusap." Sabi ko at niyakap ang binti ko.

"Why?"

"Kasi ayaw kitang makita. Ayaw na kitang makausap. Umalis ka na. Ayaw ko nang masaktan." Kahit na ang bigat ng pakiramdam ko sa bawat salitang binibitawan ko ay pilit kong tinatatagan ang loob ko.

He remained silent for a long time.

"Sorry." Huling sinabi niya bago umalis. Tumalon lang ito sa bintana ko.

Ayaw ko siyang kausapin at makita. Totoo yan. Hindi dahil naiinis ako sa kanya. Kundi natatakot ako. Natatakot akong masaktan nang paulit-ulit, at natatakot akong mahulog pang muli sa mga bitag niya. He hurt me, I won't let him do it once more.

I'm the Powerful Princess, hindi dapat ako masaktan. Hindi na dapat akong mahulog sa kanya. Lalo na't ang nakasaad sa tunay na propesiya ay yung Prinsipe ng Darkaniax ang makakatuluyan ko.

Si Leighton... siya ba ang nakatakda sa akin?

Kaya ba ako mayroong pitong kapangyarihan at higit sa dalawang abilidad dahil ako ang nakatakdang prinsesa?

Kaya ba sinabi sa akin ni Lola Sey na alamin ko ang tunay kong pagkatao?

Kaya ba iba ang nararamdaman ko sa Hari't Reyna?

Kaya ba napapanaginipan ko ang tungkol sa nawawalang prinsesa?

Kaya ba sa akin sinabi ni Dr. Kwak-kwak ang propesiya?

Kaya ba nasa akin lahat ng legendary?

Kaya ba ako napunta sa mundong ito? Sa mundong hindi ko inaakalang nage-exist.

"Ezra..." May lumitaw na ilaw sa harap ko at nang mawala yun ay nakita ko ang isang napakagandang dyosa.

Teka, anghel ba 'to?

Ngumiti siya sa akin, "Ikaw ang itinakda, ikaw ang natatangi."

Ang ganda niya.

"Nasubukan na kita, marami ka nang napagdaan na pagsubok at nalagpasan mo ito nang maayos. Tunay ngang karapat-dapat kang maging prinsesa dahil alam ko... kayang mong ipagtanggol ang nasasakupan mo." Pamilyar ang boses niya...

"S-sino ka?"

"I'm Gretel, sweetie. My real name is Yliza, I'm the legendary dragon and no one-- except from my Aphrodites know that I'm Goddes Merliyah."

G-gretel?

Nagflash back sa akin yung tanong ni Thyl sa akin noong una silang lumipat sa Golden Athena.

"Ezra, kilala mo ba 'yung Legendary Dragon? Her name is Yliza.

(Pronunciation:Ih-lay-za)"

Yliza and Gretel is one? And Yliza is Goddess Merliyah? Wow...

"Don't reveal the truth yet. Let the impostor Thalia enjoy her last days. And... be ready if magpapakita ako sa 'yo,  we're going somewhere." Doon na tuluyang nawala si Goddess Merliyah slash Gretel slash Yliza. Nakaka... gulat.

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now