Chapter 66: Plan gone wrong

2.2K 101 1
                                    

Chapter 66: Plan gone wrong

Threa POV

"I'm now finally bringing you back on my arms."

"I'm now finally bringing you back on my arms."

"I'm now finally bringing you back on my arms."

"I'm now finally bringing you back on my---"

"Aaarghhh! My head hurts! Hmp!" Sigaw ko at unti-unting binuksan ang mata ko. Nandito ako sa kwarto ko.

Paano ako napunta dito?

Last time, I remember na kasama ko si Index. We're at the bar. Wait? Bakit kami nasa bar?

Ah! Nasa bar kami kasi nasaktan ako kay Charles. He damn rejected a precious girl like me, everybody wants me to be their poperty yet he rejected me.

I used my healing magic kaya nawala ang sakit ng ulo ko.

"I'm now finally bringing you back on my arms."

"I'm now finally bringing you back on my arms."

Nag-echo ito ulit sa isip ko. Sino nga ulit 'yung nagsabi niyan?

Parang masyado akong inaangkin ah?

Bakit ba 'yan nage-echo?! Tsk.

Naligo ako at nagbihis. Sumilip ako sa bintana.

Shit, 'yung booth namin!

Lalabas palang sana ako ng kwarto ay napaatras ako pabalik dahil... dahil kay Charles.

"A-anong ginawa m-mo dito?" Masungit kong tanong.

"I'm sorry. Mahal kita."

Napataas ang isa kong kilay sa sinabi niya.

Mahal kita? Ang kapal ha!

Che! Kinilig ka naman, Threa!

"Oo nga hahahah. Mahal kita at seryoso ako." Ulit nito.

Seryoso pero tumatawa? Timang lang?

"'D-diba sabi mo mahal m-mo si—"

"When did I tell you that? Mmmm?" Siya naman ngayon ang nagsusungit.

"Sabi mo mahal mo siy—!"

"Hindi ko sinabi 'yan! Ang sinabi ko ay gusto ko siya... Pero ikaw ang mahal ko..."

"S-sabi mo..."

"Ikaw ang mahal ko. Hindi mo naman kasi ako pinatapos sa pagsasalita. "

"T-talaga?"

"Oo... This time, I'm no longer kidding. I'm serious. I love you..."

Hindi ako nakasalita agad. I'm speechles!

"Tayo na ha?" Tusong sabi ni Charles.

"Ito gusto mo?" Ipinakita ko sa kaniya ang kamao ko.

"Syempre biro lang hahahah! Mahal kita."

"Ako din."

*Ehem! Ehem!*

Natigilan kami ng biglang may nagkunwaring umubo.

Nakita ko si Aqua na ngising-ngising nakasandal sa pinto ko.

"Mamaya na 'yang sweet moment niyo, kakain na." Ngisi sabi nito, tila nang-aasar.

Namula naman ako.

"S-sige susunod kami..."

"Okay." Kahit sa pag-alis niya ay hindi pa din nawawala ang nakakaasar na ngisi.

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now