Chapter 3:First day

5.1K 207 14
                                    

Chapter 3:First day

***

Ezra Pov

KINABUKASAN

"Ezra! Wake up!" My first morning na ibang boses ang narinig ko paggising ko sa umaga. I rubbed my eyes and gently opened it. I saw Bubbles with her bubbly aura.

"Good morning," She smiled at me at lumabas naman siya nang nagising na ako.

Sinampal ko naman ang sarili ko.

Gising, Ezra! Kailangan mo nang makaalis sa panaginip na ito!

Pero kahit anong sampal ko, wala pa rin.  Totoo nga, nasa 'magic world' nga talaga ako.


Namiss ko na rin si Auntie, namiss ko na yung pagbuhos niya sa akin ng tubig pag ginigising ako. Kahit gano'n siya sa akin, may utang na loob pa rin ako sa kaniya.

Aha! Sabihan ko nalang si Bubbles na buhusan ako ng tubig!

Ay kaloka, wag nga Ezra! HMP!
BALIW NA AKO BWISIT.

After kong maligo ay nagbihis na ako.

Infairness, ang ganda talaga ng uniform nila.

Nasa harap ako ng salamin ngayon, nag dadalwang isip kung susuotin kopa ba itong big nerdy glass ko, ginupit ko narin 'yung overlapping-in-eyes hair ko.


Think...

Think...

Okay.

Final. Susuotin kona.

Isusuot kona sana ng bigla itong hinila sa akin ni Bubbles at tinapon gamit ang telekinesis ability niya.

Like what the?

"Nah-uh. You're not gonna wear that, HM Irine said, eh. Peace!" Sabi niya at lumabas na. I rolled my eyes.

Fine.

Nagsuklay nalang ako ng buhok at nilugay ito. Ang ganda ko talaga. Ang umangal, pangit.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Bubbles na nakaupo sa couch habang si Luna naman ay nakasandal sa pader na naka cross arms. Luna is just really quiet at medyo nakakatakot ang masungit niyang mga mata. Iba ang aura na nararamdaman ko sa kaniya. Kung kay Bubbles, bubbly. Kay Headmistress, bubbly and serious. Sa kaniya ata, palaging seryoso.

"Waaah! Ezraah! Bagay sa'yo yung uniform. Lalo na pag nasa Golden Athena Section ka. Ang ganda ng uniform nu'n!" Tili naman ni Bubbles.


May saltik talaga itong babaeng 'to. And ano ba naman 'yang Golden Athena section? Is that the supreme section here?

Nakaramdam naman ako ng gutom at sa tingin ko, gano'n din sila.

"Sa cafeteria nalang ta'yo mag bre-breakfast." Sabi ni Bubble kaya tumango nalang kami.

Habang nasa hallway kami ay di parin maiiwasan yung bulungan.

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now