Chapter 45: Night Ball

2.4K 109 1
                                    

Chapter 45: Night Ball

Airox Pov

"Well done..." manghang sabi ko na lang nang makita kong maayos na ang buong Hall. Ready na para sa Ball. I caught a smile from my co-facilitators. Chineck nadin namin ang security system, maayos na maayos kasi may barrier din para hindi makapasok 'yung mga outsiders.

"Nakakapagod pero sulit naman."

Napansin ko na lang na wala na dito si Pareng Axcel. Malamang nandun na nanaman 'yun sa Prinsesa niya. In love na talaga si Pareng Axc ha, parang kailan lang ang bitter-bitter pa nu'n.

Si Chase ay bumalik na sa dati, cold at masungit.
Normal ang lahat at ang mga estudyante ay halatang excited na rin.

"So ano guys, tara sa cafeteria? " aya ni Threa kaya pumunta na din kami.

Dahil sa kagwapuhan ko ay may tilian nanaman mula sa mga estduyante, mapa-lalaki, babae, bakla at tomboy. Pogi problems. (T_T)

Sanay na naman ako eh, Born to be Pogi ata 'to. BD

Sshhh, kinikilig ka nanaman ha.

Nag-order na sila at pagbalik ay sabay-sabay kaming kumain. Nakarinig ulit kami ng tilian kaya napatingin kami dito, it's Axcel coming here. Nakapamulsa at suot ang usual poker face niya.  Kay Ezra lang naman 'yan nagpapakita ng ka-cheesyhan niya sa buhay eh.
Ezra really changed Axcel, and I'm happy for that. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling kay Ezra? Kahit ako ay may pagnanasa na sa kaniya simula pa nung una, pero pinakita niya sa akin na mas maganda kung maging magkaibigan na lang ang turing ko sa kaniya kaya ayan, magkaibigan kami.

Pero natatakot pa din ako konti para sa relasyon nila... I knew that prophecy—which handles by Hm Irine right now will stop them. May ibang nakatakda para sa Prinsipe ng Apoy na kaharian.

"Hey bro. " bati ng mga ugok dito sa tabi at harap ko.

Umupo sa tabi ko si Axcel at halatang seryoso siya kaya napatigil kami sa pagkain.
"I need your help. "

Nasilayan ang ngisi sa labi ko, bago 'to! Nagpatulong si Pareng Axcel!

"Sure. "

"Tungkol saan ba? "

"About Ezra… I want her to be mine, officially. "

Iba talaga si Pare! Ang bilis duma-moves! (•ؔʶ̷ ˡ̲̮ ؔʶ̷)✧

Napangisi kaming lahat at nagsitinginan. Magiging masaya 'to, nakakakilig hoho.

"So I think, we should change the theme of the ball. " wika ni Aqua.

"Ako na ang gagawa ng paraan, I'll talk to the Council Synthia, she's the one who is assigned to this. Anong theme ba ang ipapalit?" Suhestyon ni Charles, iba talaga ang kalandian ng lalaking 'yan. Pati si Council Synthia pinapatos.

"Masquerade Theme."

Ezra Point of View

"Ready na ba 'yan? Ayan Ezy, ang gandara na! Oh... Ikaw Luna? Pak! Ang perfect nung night make up mo! " kanina pa itong si Bubbles sa kaka-check kung okay ba 'yung suot namin ni Luna para sa Ball. Iba talaga 'pag mahilig sa fashion. Pero fashion pa ba 'yan o kaartehan na?  —.—

At oo, ngayon na 'yung Ball daw. It's 5:00 p.m na, tapos 7:00 pa naman pag sisimula 'yun kaya may two hours pa kami para mag chill-chill.

Eto ako, medyo kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit... Parang may mangyayaring hindi inaasahan.

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now