Chapter 42: With him

2.5K 110 2
                                    

Chapter 42: With him

Ezra Pov

Isang linggo na ang nakalipas bago nangyari 'yung pag-aaway nila. Pagkatapos nu'n ay naging maayos na ang lahat.

I'm thankful kasi natanggap na ni Chase. Okay na sa kaniya, pero hindi ko pa alam kung okay na silang dalawa.

Nandito ako ngayon sa Dorm namin. Walang klase ngayon kasi busy 'yung faculties sa pagpapasya du'n sa Night Ball daw. Kahit pala 'yung mga magical schools may mga Night Balls din. Hindi talaga nagpapahuli ha.

Meanwhile, naglalaro sa couch ng Online Games sa phone si Luna. Umupo naman ako sa tabi niya at niyakap siya, napansin niya ito kaya may inutal siya.

"Oh... anong kailangan ng naglalambing na kaibigan ko ngayon?" Aniya habang nakaharap parin sa phone niya.

Humagkgik ako, "Wala lang."

"Sure ka?" Tingnan niya na ako kaya ngumiti ako ng napakalapad. 'Yung abot tainga para maganda.

"Hindi ka ba talaga lalabas? Ang boring kaya dito Luna." Sabi ko habang nakapout.

Tumawa siya at ibinalik ang tingin sa phone niya, "Hindi ka na mabo-bored maya-maya. Just have to wait. "

Paano niya naman nasabi? Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na mapipilit itong si Luna, para siyang matigas na bato na kahit kailan hindi mababasag.

Nilibot ko na lang ang buong dorm namin. Ang ganda pala talaga ng dorm namin ano?

Habang naglilibot ako ay may kumatok kaya ako na ang nag-open. I was surprised dahil si Axcel ang nakita ko. Shit... teka kinikilig ako ngayon pa lang. 

"Hi." Bati nito at ngumiti.

Oh A-ang gwapo talaga.

"H-hello." Bati ko din, trying to hide my trembling voice. "Oh p-pasok k-ka."

Pumasok siya at ngumiti naman sa kaniya si Luna, "You will not be bored anymore, Ezra. Nandito na siya. Enjoy." Anito at kumindat pa bago pumasok sa kwarto niya.

Aba!

"Ah a-ano nga p-pala 'yung pakay mo?" Tanong ko dito. Oh god, bakit ako kinakabahan?

"I'm here to court you and I'll bring you somewhere." Simpleng sabi niya.

Ano daw?

"T-teka..."

"H'wag ka nang umangal Ezra! Nagpaalam na 'yan sa amin!" Sigaw ni Luna mula sa kwarto niya.

Nagpaalam sa kanila? Sila nagdesisyon? Ano sila, si Mama at Papa or si Auntie? Dimunyu.

I smiled.

Kahit gano'n, masaya ako. At least they care for me, i love them so much na talaga.

"A-axcel... magbibihis lang muna ako."

Pumasok na ako sa kwarto ko, pagkasara ko ng pinto ay nagwalling muna ako. I can't believe!

Ano ba dapat kong isuot? Hmmm. Teka, ako? Nako-conscious sa susuotin ko? Wait! This is not me!

Napatingala na lang ako sa cabinet ko dahil may nakasabit doon na damit at may sticky note pa.

Ezra, 'yan 'yung gamitin mo hihi! I'm so happy for u girl. Enjoy mwa!

-Bubbles


Parang ang sexy naman nito masyado. Labag talaga sa loob ko. Maganda naman siya kaso masyadong girly. 'Pag si Bubbles talaga, aasahan mo talagang mahilig sa fashion industry.

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now