Chapter 27: Lungkot o saya?

2.8K 120 0
                                    


Chapter 27: Lungkot o saya?

***

Ezra Pov

Naglalakad lang ako ngayon sa hallway. Walang students dito ngayon.
Nasaan sila?
Edi tanungin niyo sila. Malay ko ba. Basic.

Nagmumuni-muni naman ako dito. Hayst.
Habang naglilibot-libot ay may nakita akong nalalanta na halaman. Oops, nyare dito?
Lumapit naman ako doon at nag blow ng Magical Power para maka-survive 'yung halaman.
"Alagaan mo self mo halaman ha?Sige, mauna na ako. Byee." Aniko sa halaman.

Dumeretso na ako sa paglalakad hanggang sa makarinig ako ng usapan. Di sa pagiging chismosa ha, curiosity kills lang oi.

"Babe, you still love me? You do, right?"

"Yes."

"Then bakit ganito? Look, we love each other! Bakit ka ba nagkakaganito ha? I can't live without you... i can't lose you again babe, not anymore."

I saw Yvonne facing Axcel. Wala akong karapatan pero nasaktan ako. Parang kumirot ang  puso ko. Sounds corny but hell it's true!

Hahahah *sniff* grabe... bakit na ako lumuluha dito? Letche. Ang hirap nito ha! Hindi ko na naiintindihan ang nararamdaman ko. I'm getting insane!

"Please babe, please come back... i can't *sniff* *huk* babe... i love you so much.. I love yo----*Tsup*"

O_O

Napatakip ako ng bibig ng hinalikan ni Axcel si Yvonne. Patuloy na ang pagtulo ng luha ko. I closed my mouth and stops nyself from screaming so hard.

Ba.. bakit ga-ganon...?
Kainis, ang sakit pala.
Wala akong karapatang masaktan pero di ko mapigilang kasi meron akong nararamdaman.... yes. Teka...mahal ko na siya?!
I thhink i already love him pero i can't be with him. He already loves somebody else... i love the man who can't love me back anymore. Pero paano ko siya naging mahal?! Eh hindi ko pa siya lubos na kilala! Parang nakakapagtaka naman! Nakakainis naman kasi e!

Nagpatuloy lang ang pagtulo ng luha ko.. Hindi ko na nakayanan at pumunta ako sa may Locker room. Edi ako na marupok!

Nakayuko ako habang naglalakad at lumuluha parin. Ang sakit! Sakit! Sakit! I envy Yvonne, kasi mahal siya ng taong mahal niya... mahal siya ng taong mahal ko.

Nagpunas ako ng luha at pinigilan nang lumabas pa ito. Be strong, Ezra. Kaya mo'to. You're a strong person, aren't you?

Lalabas na sana ako ng Locker Room dahil opisyal na napigilan ko na ang pagtulo ng luha ko. See. I'm really tough. I'm so strong...
Para akong tanga na iiyak-iyak. Nagmumukha akong baliw. Ngayon ko lang naramdaman ito. I always believe says crying for a guy was corny, but heck. Masakit pala. Can i call myself corny now?

Out of nowhere, i just run and run recklessly. I don't care kung saan ako mapadpad ngayon. Hindi naman siguro ako mawawala kasi nasa loob lang ako ng napakalaking Akademya.

Napatigil ako ng makita ko si Chase. He's closing his eyes like the girl he's kissing do. Teka...

Mas dumoble naman 'yung sakit sa dibdib ko. Heto nanaman, naluluha nanaman ako.
Shit. Nakakainis. Kasasabi niya lang na he likes me... pero like lang naman yun hindi ba? Hindi ko mapigilang mainis.

Bakit ganito ang nangyayari?
Do i deserve this?!

Ba't ang lalandi nila?!

Di ko rin napigilan ang sarili ko at hinila ko yung buhok nung cheerleader dahilan para mapa aray ito. Sakaniya ko ata mabubuhos lahat ng hinananakit ko sakanila.

Pinaharap ko siya sa akin at saka sinampal gamit ang nangangati kong mga palad.

*Plak! Plak! Plak! *

Tinisod ko ang paa niya kaya natumba siya. Di pa ako nakuntento at sinampal ko siya ng apat na beses. Sasampalin ko sana ulit siya pero nagsalita it, "T-tama n-na ple-please..."

Biglang naglaho ang galit ko sakaniya... a-at na-guilty ako. I didn't mean. S-sorry. Hinayaan ko na siyang makatakbo pa alis. E namankasi e, bakit sila naghahalikan ni Chase?! Sounds like a jealous girlfriend huh?

Hinarap ko si Chase at agad siyang sinampal.

Inayos ko naman 'yung sarili ko.
At gamit ang nangigil kong palad, sinampal ko ulit siya ng dalawang beses.

"Anong kagaguhan 'toh? All i thought..." I said in a small voice.

"I-i'm sorry, Ezra. D-di ko alam, promise. Di ko alam. Sorry sorry sorry. L-let me explain please..." Pagmamakaawa nito. See, the cold Prince just trembled.

Umiling-iling ako, "Malinaw na lahat." Ngumiti ako, a weak one.

Saka ako umalis. Nang makalayo ay saka ko inilabas lahat ng namumuong kahinaan at luha na kanina lang ay napigilan ko na... pero eto nanaman siya.

"Ano bang kasalan ko para masaktan ng ganito?" *sniff*

Tumakbo nalang ako hanggang sa umulan ng malakas. Good timing, rain. Good timing.

Inilabas ko lahat ng galit ko.

"Waaaaaaaaaaaaaahhh!"

Sumabay ang kulog at kidlat pero hindi ako natinag.
Nice, nakikiramay.

Nakakainis! Ang weird ng feeling ko. Parang gusto kong magwala dahil sa hindi maipaliwanag na galit.

I inhaled, exhaled. Calm down self.

May lumapit sa aking lalaki na may dalang payong. And who's that guy?

"Miss! Miss! Teka, sumilong ka! 'Wag kang magpapabasa sa ulan!"
Sigaw ng 'di ko masyado maaninag na lalaki.

Who's that?!

Nilapitan niya ako at pinasilong sa cottage, kailan lang 'to napadpad dito? Sino ito? Bahala na. Magaan naman loob ko sakaniya.

Di ko na mapigilan ang sarili ko't niyakap ko siya. It's not me who hugged him, it's my emotions! My emotions always controls me and i hate it!

"Ssshh, Ano bang nangyari sa'yo miss? Are you okay? Looks like not... " she said than hinaplos ang buhok ko. Pinapatahan niya ako sa pag-iyak. Sino ba ito? Bakit parang ang bait naman. Gusto ko pa siyang tignan pero sumasara na ang talukap ng mga mata ko.

"By the way, Leighton Fulner is my name."

'Yun nalang ang huli kong narinig at di ko na alam ang nangyari, one thing i know is that I'm full of pain right now.

Leighton Fulner Pov

'Di pa nagpapakilala sa akin 'tong babaeng 'to. Dahan-dahan ko siyang niyugyog pero tanging ungol ang sagot nito.

Tulog? Tinulugan ako? Nye? Pinatong ko 'yung ulo niya sa balikat ko. Hindi naman kasi higaan 'yung abs ko. Hihi!
Grabe... ang ganda niya.
Sobrang ganda... like a living barbie.

Gumagabi narin kaya no choice na ako. Dadalhin ko siya sa kaharian, and yes I'm a prince.

Gumawa na ako ng portal papunta sa kwarto ko sa kaharian at inilapag sa kama ang dyosa na'to.
Ang basa ng damit niya kaya basa narin ako, kailangan niyang mabihisan. Baka magkasakit siya. What will i do? Papalitan ko? Hmmm.

*smirk*

Okay then.

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now