Chapter 48: Another Transferee

2.4K 93 0
                                    

Chapter 48: Another Transferee

Bubbles Point of View

"Nandito na sila."

"Ha? Sinong sila?"

"Ang mga transferee."

"Nakita ko sila kanina sa office, ang gaganda't-gwapo nila!"

"Talaga? Omg. What section sila?"

"It turned me on, sa Golden Athena sila!"

"Pito sila. Three pretty girls and four hot fafs!"

Lumukot ang mukha ko. May transferee. Nandito na sila. Pito sila. Andami naman nila?

Minsan nagpapasalamat na lang talaga ako sa mga chismosa kong schoolmates, always updated e! Ang aga-aga, may fresh news na kaagad. May maganda din palang naidudulot kahit minsan. Minsan lang ha. Oo, minsan lang talaga. Oo nga!

Pero mabalik tayo, four hot fafas daw ha? Omg. Sigurado akong magkakaroon nanaman ako ng bagong mga crush. Oo, alam kong may crush ako kay Deralm. Hindi ko naman siya papalitan eh! Siya pa din lalabs ko kahit na madalas akong nagsu-sungit sa kaniya. Para sabihin niyang hindi ako desperada sa kaniya—kahit na ang totoo'y desperada talaga ako.

"Do you think they'll be good? " biglaang tanong ng katabi ko sa paglalakad na si Luna.

Tinignan ko siya, "Sinong sila? —aray ba't ka ba nambabatok?! "

"Tsk, I'm pertaining to those transferee's, lumilipad na naman 'yang kukote mo. "

Napa-pout na lang ako, "Grrr. Hindi ko din alam actually. Let's just see. "

Hindi na siya sumagot, tahimik na lang kaming pumunta sa classroom at umupo na sa designated chair namin. Ilang minuto pa't dumating na din si Ma'am Ashre. Ang lapad ng ngiti sa mukha. Pumwesto ito sa gitna ng silid-aralan at tumikhim muna bago nagsimula, "Good morning, Cleytarianbibies. "

Cleytarianbibies? Ang corny mo, Ma'am.

De joke lang, baka ibagsak mo pa ako.

"Good morni—" akmang sasagot na kami pero pinatigil niya kami.

Okay?

"Oops, no need. Just take your sit." Tignan mo 'to si Ma'am, ang weird.

"I bet you're aware that we have transferee right? " tanong nito, we're about to say 'yesss' pero nag-sign ito ulit na 'no need'.

Sige Ma'am, magtanong ka pa tapos kahit kailan hindi kana namin sasagutin.

"So finally, they're here na, " Shines in my classmates eyes were in, lumabas din si Ma'am at pagbalik nito ay may kasunod na ito. Ang ganda't gwapo nga nila mga dzai! And 'yung isa...  Para familiar.

"They're the new students. Kindly introduce yourselves now. "

The new students smiled at Ma'am. Nauna nang magpakilala 'yung magandang may long straight hair na girl, "Anyeonghasseyo, My name is Fayka Kleinth, 18. Pleasure to meet y'all. " angelic voice. Parang tanga naman 'yung mga classmate ko na titig na titig dito. Omg, korean si girl?

Sumunod naman ay 'yung short curly hair, "Hi there, the name's Tifanna Seriea, 17. I hope you'll be my friend. " naglalaway na 'yung mga kaklase ko bes.

The next is 'yung may blonde hair, "Kamusta, ako nga pala si Claris Garcia, 18, single and ready to mingle." napatawa ang lahat at nagprisinta ang iba sa kaniya, "Haha just kidding. Sana maging kaibigan ko kayo. "

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now