Chapter 37:Meet Dr. Kwak², again

2.9K 125 7
                                    

Chapter 37: Meet Dr. Kwak², again

***

Ezra Pov

*Wake up!*

As usual, nagising ako dahil sa alarm ko na nakalunok ata ng sampung megaphone.

Ginawa ko na lang 'yung morning rituals ko at bumaba na para magbreak fast.

Naamoy ko kasing nagluto sila eh, malakas talaga pang-amoy ko pagdating sa pagkain.

Pagbaba ko ay umupo agad ako, "Hmmm... sino 'yung nagluto?"
Maganang tanong ko dahil sa maganang almusal namin.

"Me." Sabi ni Luna at ngumiti.
Pakshet, this will gonna be the best day of my life!

L-luna did just smile at me!

"Yeah, pinaghandaan 'to ni Luna, Ezra. Sana na-appreciate mo." Sabi ni Bubbles. Tinusok nila ang puso ko sa ka-touch-an kaya tumayo ako at niyakap silang dalawa. Great dahil niyakap din nila ako pabalik.

"Thank you girls!" Ani ko.

"No problem, basta ikaw." Sambit ni Bubbles at kumindat pa.

"Aysus, drop the drama scene. Let's eat." Sabi ni Luna kaya napa-hikhik kami ni Bubbles.
Nagsimula na kaming kumain at nung natapos ay lumabas na kami.

Ngayon ay nasa classroom na kami at nasa harap namin si Ma'am Shella na umiikot sa buong classroom. Nakakahilo na ah.

"So, you guys are now ready to present your reports. Am I right? " Wika ni Ma'am Shella na sinang-ayunan ng mga kaklase ko.

"I hope na magawa natin." Bulong sa amin ni Bubbles.

"Of course we can. Tayo pa." Pagche-cheer-up ko dito.

Nagsmula na silang magreport doon. So far ay matataas naman ang nakuha nilang points. Nung kami naman ang nag report ay kinabahan pa si Bubbles kasi nakatitig daw sakaniya 'yung 'The boy I always wanted' niya kuno. Pero agad siyang kinurot ni Luna sa balakang kaya bumalik ito sa katinuan.

"Very well said, all group got a high score. Good job well done. Class dismissed." Pagkasabing-pagkasabi niyan ni Ma'am Shella ay agad na nagsitayuan ang mga classmate ko and ready to go na.

Sumabay na din ako kina Bubbles papuntang Cafeteria, pero wala dito sina Axcel at Chase. That's better I think.

Nag-order lang ako ng two sliced Chocolate Red velvet cake at two pieces Yakult.

Hindi muna ako kakain ng madami, napasarap ang kain ko du'n sa hinanda nina Luna kaninang agahan e.

"Montex, Terez, Ford and Wax, please go to Principal's Office now. Again, Mr. Montex, Terez, Ford and Wax, please go to principal's office now. Thank you."

The voice from the Sound Box echoed in whole wide area of Cafeteria.

"Who's that guys kaya?" Takang tanong ni Aqua.

"We don't know," sagot ni Threa ma hinahalo 'yung MilkTea niya.

Teka, hinahalo niya?

"Baka may mission sila o di kaya'y may kasalanan," maikling sambit ni Deralm bago ibinaling ulit ang tingin kay Bubbles na halatang namumula at halos di na makasalita.

Nakikipag-usap ata si Deralm kay Bubbles eh, nag-uusap pero parang may spark. Hakhak, walang forever!

Our table were covered by silence, not until the Sound Box started to speak again, but in different voice already.

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now