Chapter 38: The prophecy

2.8K 122 6
                                    

Chapter 38: The prophecy

---

Charles Pov

Yow girls, what's up? Missed me? Tss, love you too. Kita nalang tayo sa kwarto luvs okay? Ready yourself.

Kasi maglilinis tayo, ang dami nang hamog eh. Hindi pa naman Halloween, toinks.

So, let's go back to the present luvs. Agk!

Currently, we're chitchatting about random things and we enjoy sharing thoughts so far.
After laughing so hard because of what Dr. Kwak-kwak just stated earlier, he decided to roam us around his house. All of us though that this was so small but i think, first impression don't really lasts.

He narrate us every little thing of his house's data. And don't yo---Ahem! Okay, stop na! Dumudugo na ilong ko at naduduling na ako sa paghahanap ng English Word dito sa dictionary ko. Hindi sumama sa tour si Axcel and Kambal, ang ke-kj! Pati rin pala si Ezra, inaantok daw eh kaya nakitulog muna. Sige, feel at home. Nahiya naman ako nuh? :> De joke lang. ^﹏^

"Great! And this one, this painting was painted by Former Queen Snow of Ice Kingdom 1,500 thousand years ago." Pagkwe-kwento pa ni Dr. Kwak-kwak.

Auh, yeah. Grandma Snow, she's excellent in painting... and she's gone.

"Right Prince Charles?" Dr. Kwak-kwak assured.

"Yes."

I groaned, I hope Lola's okay wherever she is.

Ezra Pov

"K-kasi.... *Blug! Blug! Blug!*"

Sunod-sunod ang putok ng baril hanggang sa nakita na lang na nakahandusay ang kapitbahay nila sa sahig.

"Jusko Bernard! Anong nangyayari?!" Tarantang sigaw ni Freya habang buhat-buhat na ang umiiyak na sanggol.

"Freya! Ingatan mo ang anak natin." Huling sabi ni Bernard bago lumabas ng kanilang tahanan.

Takot na takot naman si Freya na wala nang nagawa kundi mapaluha na lang din at itahan ang sanggol na bitbit nito.

"M-madam V, a-anong ginagawa mo dito?!"
"Well, well, well. Lumabas ka din sa lungga Bernardo!"
"A-anong kailangan mo?!"
"Hmmm... hindi naman malaki masyado ang kailangan ko. Buhay niyo lang naman."
"A-ano bang kasalanan namin Madam V?! Ha?!"
"Aba, nakalimutan niyo na? 'Yung utang n'yo!"
"T-teka hindi naman kami 'yung may utang nu'n eh! 'Yung kapatid ko naman!"
"Oo nga, kaso patay na'yung kapatid mo kaya dapat sumunod ka na! *Blag! Blag! Blag!*"

Iyan ang narinig ni Freya, hindi niya na nakayanan kaya siya'y lumabas na din ngunit iniwan niya ang sanggol sa loob ng bahay, "A-anak... babalik ang Nanay ha? 'Wag ka nang iiyak. B-babalik ako."

"Oh, nandito pa pala ang asawa ng mahaderong lalaki na 'yun." Wika ng nangangalang Madam V habang hawak-hawak ang baril.

"B-bernardooo! *huk* a-asawa ko! Ikaw! Ano bang kailangan mo? Hayaan m-mo na lang k-kami... pakiusap."

"Hindi maari! Dapat magsama-sama kayo."

"W-wag---*blag! blag! blag* auh... M-madam V, p-pakiusap... huwag na h-huwag... m-mong ida... damay 'y-yung a-anak... ko. "

Agad akong napabangon at saka hinabol ang hininga ko.

Ano na naman ba 'yun? Hindi ba ako tatantanan ng panaginip na'yun?!

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now