One

27.2K 650 48
                                    


NAKATULALA siya habang nakatitig sa mga taong nasa baba at mukhang enjoy na enjoy sa night life.

Walang gana na nilagok niya ang alak na nasa baso niya.

Wala na kasi siyang kasama, may pamilya na ang mga kaibigan niya. siya naman naiwang binata, mag-isa sa mga ganitong galaan.

"Hi babe, mag-isa ka yata"

Hindi niya naman pinansin ang babaeng lumapit sa kanya pauloy lang sya sa pag-inom ng alak na hawak niya. nang mainip ang babaeng nangungulit sa kanya hindi nalang niya iniwanan nalang siya nito bigla.

Nakakaramdam siya ng pagkainip sa buhay niya ngayon. Natapos na kasi ang thrill sa buhay niya, nailigtas na ni Rome ang asawa nito at okay na sila ngayon kaya stop na din sila sa pagpapanggap na isa silang mafia.

Si Penelope naman at ang Auntie nitong si Brenda huminto na din sa trabaho ng mga ito. kaya wala tuloy siyang mapaglibangan ngayon.

Wala namang thrill kung siya lang mag-isa ang mangbabae. Dati kasa-kasama niya si Ezekiel dito na naghahanap ng makakasama kapag gabi. Ngayon siya nalang, kahit lapitan siya ng mga babae wala pa din siyang gana.

"What a lame life I have"bulong niya.

Tininungga niya ang hawak niyang baso ng maubos niya ang laman nito nagpasya na siyang umuwi nalang sa bahay niya.

Sa bahay niyang siya lang ang nakatira.

Nakakabore ano?

Naglalakad na siya palabas ng fortress nang harangin siya ng isang lalaki. Napataas pa ang kilay niya sa ayos nito.

"Hi pogi!"nakangisi pa ito habang nagsasalita.

Lalagpasan n asana niya ito ng harangin na naman nito ang dadaanan niya.

"What's your problem?"inis niyang tanong dito.

"Magtatanong lang ako sayo, ikaw kasi ang pinakamatinong tignan sa lahat dito"sagot nito sa kanya.

Napailing nalang siya at hindi nagsalita pero hindi na niya tinuloy ang balak niyang pag-alis. Pakikinggan muna niya ang tanong nito sa kanya, siguraduhan lang nitong makabuluhan ang itatanong nito sa kanya. kung hindi baka ipaban na niya ito sa fortress.

Well fortress is his property. Noong una hide out lang nilang magkakaibigan ito na nadevelop dahil na rin siguro sa palagi silang naglalagi doon kaya naman lumago. At ng lumago ito binili naman niya ito na hindi alam ng mga kaibigan niya.

Nakakatawa mang sabihin pero hanep sa kakuriputan ang mga kaibigan niya pagdating sa happy happy nilang magkakaibigan. Kadalasan nagiging KKB nalang ang inuman nila o di kaya naman kung sino ang nag-aya siya magbabayad na sa huli patak-patak pa din ang mangyayari. Naturingan na mga bilyonaryo pero mga kuripot naman.

Nagiging galante lang kapag nanliligaw.

"Ano na? hindi ka pa magsasalita dyan"angil niya ng ilang minuto na ang lumipas hindi pa din nagsasalita ang lalaki.

Nakita naman niyang ngumisi ito at parang may binulong at dahil may music pa din naman sa fortress hindi niya narinig ang sinabi nito.

"Kilala mo ba iyong Leigh? Iyong may-ari nitong Bar?"tanong nito.

Nagulat siya sa tahasang tanong ng kaharap niya. wala naman kasing nakakaalam na siya ang may-ari ng bar na ito siya lang at ang manager niya.

"No"simpleng sagot niya at lalagpasan na ito.

"Ay putsa, saan ko bang lupalop hahanapin ang lintik na Liegh na iyan"narinig niyang palatak ng kausap.

Hindi na niya sana papansin ito dahil mukhang may saltik ang lalaki kaso nakuha ang atensyon niya nito sa sumunod na sinabi nito.

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें