Seventeen

17.5K 511 27
                                    

PARA SIYANG kakapusin ng hininga habang nakatitig kay Trinity na ngayon ay hawak-hawak ni Toby.

Kanina ng makita niyang kasama na ng pinsan niyang si Hanna ang dalaga para na siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan niya habang nakatitig sa dalaga. Pero ngayon daig pa niya ang sumisisid sa dagat na walang oxygen tank sa likod habang nakatitig sa dalaga habang may nakatutok na baril sa sintido nito.

"Toby, let her go"muli niyang pakiusap sa binata.

Pilit siyang nagtapang-tapangan sa harapan ng binata, hindi pwedeng makita nitong natatakot na siya.

"I will not, you take my wife away from me. Then I will take youre woman aw---"naputol ang iba pa nitong sasabihin ng bigla nalang sumulpot si Hanna mula sa likod nito at batukan ang lalaki.

Nanlaki ang mata niya, narinig niyang napasinghap pa ang mga kasamahan niyang mga pulis sa likuran niya sa ginawa ng pinsan niya sa binata.

"Ang tanga mo talaga kahit kailan, Meneses!"sigaw pa ng pinsan niya na sobrang nanggigigil.

"Baby!"gulat naman anas ni Toby ng makilala ang bumatok nito.

Dahil sa pagkabigla ni Toby nabitawan nito si Trinity, kaya naman nakatakbo na ang dalaga sa dereksyon niya. nang makalapit na ito sa kanya agad niya itong sinalubong ng mahigpit na yakap.

"AW!"sigaw naman ni Toby.

Nang lingunin nila ito namimilipit na ito sa sakit habang nakaluhod at sapo-sapo nito ang pagkalalaki nito.

"Ganti ko iyan sa lahat ng mga kabaliwan mong hayop ka"sigaw na naman ni Hanna.

Akmang iiwanan na ni Hanna si Toby ng hawakan ni Toby ang braso nito at pinigilan na makaalis.

"Baby, please don't leave me again. Papatayin koi yang Smith na iyan"banta nito kay Hanna.

Nilingon naman ito ni Hanna sabay sapok na naman nito sa ulo ng binata.

Napaangat ang kilay niya habang nakatitig sa dalawa. para siyang nanonood ng isang pelikula ng mga oras na iyon. maging ang umaatikabong bakbakan kanina nahinto at ang mga tao sa paligid nila natuon na kay Toby at Hanna ang pansin.

"Sige, gawin mong tang aka ng lalong hindi kita balikang damulag ka."ganting banta din ni Hanna.

"Damn it Hanna, mas pipiliin mo pa ang hayop na Smith na iyon. look at him, his holding other woman infront of you. tapos siya pa din"parang batang nagsusumbong ang tono ng pagsasalita ni Toby.

Napatingin naman siya kay Trinity ng maramdaman niya ang pagkurot nito sa kanyang tagiliran.

"Babae mo?"bulong nito sa kanya na may galit na tono.

Nanlaki naman ang mata niya sa tanong nito sa kanya. hinigpitan niya ang pagkakayakap kay Trinity sabay iling na maraming beses.

"Hindi no! ikaw lang ang mahal ko"depensa pa niya.

"Tanga ka ba, hindi mo ba alam ang buong pangalan ko? Hanna Smith Winters. Engot na ito"sunod sunod pang nagmura ang pinsan niya.

"LAkas ng loob mong sabihin asawa mo ako tapos hindi moa lam ang family background ko"dagdag pa ni Hanna.

"Leigh"tawag naman sa kanya ni Trinity.

"She's my counsin, prinsesa ko"bulong niya dito.

"Kainis ka, hindi naman si Leigh ang dahilan kung bakit kita hiniwalayan. Iyang mafia mo ang dahilan. Kainis kang kumag ka, kung anu-anong kalokahan pa ang pinaggagagawa mo. Dinamay mo pa ang pinsan ko"sermon na naman ni Hanna sa binata.

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon