Fourteen

17.6K 483 13
                                    

NAPABALIKWAS siya ng bangon sa kama ng makapang wala na siyang katabi.

"Leigh!"tawag niya sa binata.

Maging anak niya ay hindi niya makita ng mga sandaling iyon, dali-dali siyang bumangon sa kama na kinahihigaan lang nila kagabi. Manipis na pantulog lang ang suot niya, medyo madilim pa sa labas dahil magpapasko na malamig ang panahon ngayon. Naghagilap pa siya ng roba na maisusuot niya bago siya nagmamadaling lumabas ng bahay.

Dinunggol siya ng kaba ng hindi niya makita ang mag-ama niya sa loob ng bahay.

Pero agad ding napawi iyon ng makita niya ang mga ito sa tabing dagat at mukhang busy sa kung anong meron sa buhangin.

"Leigh, Caleb"tawag niya sa mga ito.

Parehas na lumingon ang mga ito sa kanya na may ngiti sa mga labi ng mga ito.

"Mama, look oh baby turtles"turo ng anak niya sa pinapanood ng mga ito.

Nang makalapit siya sa mga ito doon lang niya nakita ang mga pagong na bagong pisa na pinapanood ng mga ito.

"I didn't wake you up, I know your tired"ani naman ni Leigh sa kanya.

Feeling niya namula ang buo niyang mukha sa sinabi nito. tinupad lang naman kasi nito ang usapan nila nito habang nasa biyahe papunta ng isla. They made love all night long simula ng makatulog ang anak nila.

Lumabas lang sila ng kwarto at sa sala sila nagtampisaw sa init ng mga katawan nilang dalawa. At nang mapagod sila, doon lang sila pumasok ng kwarto at tumabi sa anak nila.

"Kahit na, atleast ginising mo ako"may pagtatampo sa boses niya habang nagsasalita.

Tumawa lang ito panay naman ang irap niya dito habang masaya itong nakikipagkwentuhan sa anak nila na busy naman na nakatitig sa mga bagong pisang pagong.

Tirik na ang araw ng magsawa ang mag-ama niya sa panonood sa mga pagong. Doon lang sila pumasok sa loob ng bahay para na din mag-agahan.

"Anong gusto mong kainin Caleb?"tanong ni Leigh sa anak nila.

Isang araw palang na magkasama ang dalawa close na agad ang dalawa, masasabi niyang hindi siya nahirapan na ipakilala si Leigh sa anak nila. Buti nalang din matalino ang bata at mabilis makapick up.

"Hmmm...pancake ala Papa"masayang sagot naman ng anak nila.

May kasama pang giling ang ginawa nitong sagot sa ama na ikinatuwa naman nito.

"Ako nalang magluluto"pagpi-prisinta naman niya.

"Maglaro nalang muna kayong dalawa"baling naman niya kay Leigh.

Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang dalawa agad siyang tumakbo papunta sa kusina para magluto na ng agahan nila. Busy na siya sa paghahanda ng pagkain nila ng maramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likod.

"Asawang asawa na ang dating mo ngayon, Princess"bulong sa kanya ni Leigh.

Lihim naman siyang napangiti sa bulong nito sa kanya, maging ang paghalik nito sa kanyang batok.

"Leigh"halos paungol na tugon niya sa mga halik nito sa kanya.

"Hmmm...I'm sure meron na naman ito"paanas nitong bulong habang nakahimas sa tyan niya.

Napataas naman ang kilay niya sa sinabi nito sa kanya.

"At sino naman may sabi?"pagtataray niya.

Humarap ito sa kanya at hinalikan siya nito sa labi.

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYWhere stories live. Discover now