Nineteen

19.1K 518 12
                                    

PAGOD at masakit ang katawan niya, pero wala ang lahat ng iyon ng makita niyang tumatakbo papalapit sa kanya ang dahilan ng ipinaglalaban niya sa mundo.

"Hey careful!"sigaw niya dito.

Okay lang naman sa kanya ang pagtakbo nito palapit sa kanya, dahil halos hindi na niya maigalaw ang mga paa niya sa sobrang hirap ng pinagdaanan niya.

Bukod sa araw na ito na nabugbog yata siya ng singkwenta katao sa loob ng magdamag. Dalawang linggo din siyang nagtraining sa ama ni Trinity. Meaning dalawang linggo na iyang bugbog sarado sa ama nito, tapos pinabugbog pa siya nito sa mga tauhan nito.

Ang bait ng magiging biyanan niya. mahal na mahal siyang manugang.

"Oh! heaven"ungol niya ng sa wakas nasa mga bisig na niyang muli si Trinity.

"Leigh!"umiiyak ito habang yakap siya ng mahigpit.

Maging siya niyakap na din niya ito ng mahigpit. Dalawang linggo niya itong hindi nakita, sobrang miss na miss na niya ito.

Minuto lang ang lumipas, naramdaman niyang may maliit na braso ang yumakap sa kanyang binti. Nang tunguin niya ito nakita niyang si Caleb ang nakayakap sa kanya.

Kompleto na siya, nasa kamay na niya ang mag-ina niya. ang buhay niya, kaya naman sobrang saya ng nararamdaman niya ngayon.

"Smith"isang baritonong boses ang narinig niya mula sa likuran ng mag-ina niya.

Ito ang boses na hinding-hindi niya makakalimutan. Dalawang linggo niya itong kasama na nagpapahirap sa kanya, kaya hindi siya pwedeng magkamali kung kanino ang boses na narinig niya.

"Mr. Fuentes"seryoso niyang tugon.

Inilagay niya sa likuran niya ang kanyang mag-ina na kala mo takot na takot siyang baka kunin na naman sa kanya ang mga ito. Tama na ang ilang linggo niyang hindi nakasama ng matino ang mga ito, tama na ang ilang taon na nasayang ng dahil lang sa isang maling akala.

"You don't need to hide them on your back, they are your family. SON"anito.

Nakahinga naman siya ng maluwag ng marinig niya ang tawag nito sa kanya. para pa ngang gusto na niyang maiyak sa sobrang tuwa na nararamdaman niya ng mga sandaling ito.

"Pumasok na kayo sa loob, we better talk about the wedding. Siguro naman hindi mo na patatagalin pa ang lahat. I don't want my next grandchild to be born out of wed"anito sa kanya.

"LEIGH sino ba iyong babaeng nagligtas sakin?"kanina pa siya kinukulit ni Trinity.

Nakaconfine na naman siya sa ospital, dahil na din hindi biro ang inabot niyang bugbog sa loob ng ilang linggo niyang pinaghirapan. Hindi naman din kasi pumayag si Trinity na hindi siya ipaospital.

At simula ng maconfine siya hindi na siya tinantanan nito sa kakakulit sa kanya kung sino ang tumulong sa kanya.

"Si Hanna ba?"sinagot na din niya ito baka kasi mapikon na kung hindi pa.

Tumayo ito sa harapan niya at pinameywangan siya nito sabay taas ng kilay sa kanya.

"Oh sinong Hanna nga iyon?"pagtataray na naman nito sa kanya.

Naaaliw naman siyang pagmasdan ito habang nagseselos. Ang cute kasing tignan, ang layo sa nakasanayan niya noon na tibo. Kasi ngayon babaeng-babae na si Trinity, mahaba ang itim na itim na buhok. Straight pa na parang nirebond sa sobrang unat. Nakabistida na din ito, babaeng babae ang tabas ng damit nito, bagay na bagay sa dalaga.

Pagbaba sa may bandang puson nito kita ang baby bump nito, bagay na sobrang ikinatutuwa niya.

"Pregnancy suits you, princess"wala sa loob niyang nasabi dito.

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz