Epilogue

29.2K 724 40
                                    


NASA Palawan sila ngayon, pero hindi sa isla Mahalay.

Kaya naman kandahaba ang nguso niya habang nakatanaw sa mag-ama niyang nagtatampisaw sa dagat.

Wala naman sa kanya kung saan man sila magbakasyon ngayon. Ang ikinaiinis niya ay ang hayagang pambababae ni Leigh.

Kitang kita niya kung paano tumingin sa mga nakabikini ang loko. Talagang sinusundan pa ng tingin ang mga babaeng kung makabalandra ng katawan wagas.

Kung noon okay sa kanya ang mga ganitong tanawin, ngayon iba na.

Lalo pa ngayon na asawa na niya ang parang ulol na aso kung makatingin sa mga babaeng iyon. nakakapanggigil talaga.

"Mama, gusto ko ng buko"ani ng anak nila.

Nang tignan niya ang anak niya agad niya itong kinarga at dinala sa magaling niyang asawa na kanina pa nagbababad sa dagat. Hindi naman talaga naliligo ang ugok, nagpapapansin lang yata sa mga babaeng padaan-daan sa harapan nito.

"Hoy Smith, umahon ka na dyan at asikasuhin mo itong mga anak mo"sigaw niya sa lalaki.

Parang nagulat pa nga ito na nandoon na siya sa tapat nito ngayon. May pagmamadaling inakay naman ni Leigh ang mga anak nilang kasama nito sa dagat.

Mga anak, gusto niyang matawa sa inis niya sa lalaking ito.

Well simula lang naman ng ikasal silang dalawa ni Leigh hindi na siya natigil sa pagbibigay ng anak sa lalaking ito. sobrang hilig, hindi pa nakakadapa ang anak nito dinadapaan na siya. Ayan tuloy sunod-sunod ang anak nilang dalawa.

So far may lima na silang anak. At heto buntis na naman siya sa pang-anim nilang anak pero hindi pa niya nasasabi sa lalaking ito ang pagbubuntis niya. Tapos heto makikita niya ang kalokohan nito.

"Sorry, reyna ko"anito sabay halik sa kanyang mga labi.

Kinuha na din nito ang anak nilang si Leah Rose na karga-karga niya.

Para namang nalusaw ang lahat ng inis niya sa lalaking ito. magaling kasing manlambing kaya isang halik lang nawawala na agad ang inis niya. at sa sobrang lambing, heto nga at nakailang anak na siya. Pero itinatak niya sa isip niyang huli na itong pinagbubuntis niya, isa pa matanda na din naman silang dalawa ni Leigh.

Anim na taon na silang kasal na dalawa, 35 na siya samantalang si Leigh naman ay 41 na. aba tama naman na siguro ang anim na anak sa kanilang dalawa.

Nahigitan na niya ang mga kaibigan ng asawa niya.

"Papa"sabay-sabay na sigaw ng mga anak nila.

Si Caleb binata na, ten years na kasi. Ang sumunod naman ay si Kristine na five years old, si Tristan four years old, Leah Rose three years old at ang bunso na si KL na kakaone year old pa lang.

"Gutom na ba ang mga baby ko"masayang bungad ng asawa niya.

Sabay-sabay pa na nagsisigaw ang mga anak nila at sinasabing gutom na ang mga ito. ito nalang ang pakunswelo niya sa asawa niya. napakahands on na tatay nito sa lahat ng mga anak nila, hindi na ito tuluyan na pumasok sa trabaho. Sila nalang na mag-iina ang inaasikaso nito, ang pinsan nitong si Hanna nalang ang pinag-aasikaso nito sa kompanya nito.

Tamad talaga, iyan ang lagi niyang sinasabi sa lalaki.

"Sandali lang ha"paalam pa ni Leigh sa mga anak nila.

Napataas ang kilay niya ng makitang lumabas ito ng cottage na inuukupa nila, nasa resort sila ngayon na pag-aari nito. Pero ang ikinataas ng kilay niya ay ang paglabas nito ng cottage nila ng may mga babaeng tumapat doon.

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora