Five

18K 513 20
                                    


"BAKIT hindi mo ako sasamahan?"takang tanong sa kanya ni Leigh na nasa labas na sila ng building ng kumpanya nito.

Napakunot naman ang noo niya, nagpapaalam kasi siyang hindi muna sasama sa lakad nito ngayon araw. Isa pa ipinilit niyang pumasok naman ito sa opisina nito. ang dahilan pa nga niya noon una namimiss na niya ang secretary nito na ikinagalit nito.

"May pupuntahan lang ako"sagot naman niya.

"Saan naman?"tanong nitong muli.

Kung makapagtanong ito parang asawang iiwanan ng asawa ang tono ng pananalita.

"Wala ka na doon ah, leave ko ngayon"pagsusungit naman niya.

Ang totoo niyan sa kampo o sa opisina ng ninong niya dito sa Manila pupunta. Alam niyang nandito ito ngayon dahil nakasubaybay ito sa pagsusurvelance niya kay Leigh.

Pupuntahan lang naman niya ito para tanungin ang totoo niyang trabaho, naiinip na din kasi siya. Nasanay din naman kasi siya sa mga maaksiyong trabaho kaysa sa ganitong nakasunod sa isang may kapak yata sa ulo na binata.

"Anong leave? May pinirmahan ba akong leave form mo?"nakataas ang kilay nito habang nagsasalita.

Tsk ang bading nito.

"Bakit may pinirmahan din ba akong contrata sayo?"ganting tanong niya dito.

Nakita naman niyang natigilan ito bigla sa sinabi niya. kinuha niya ang pagkakataon na iyon para itulak na papasok sa loob ng elevator ang binata ng bumukas iyon.

"Mamaya susunduin kita"sigaw pa niya dito ng papasara na ang pinto.

Napamulsa naman siyang naglakad na papalabas ng building na iyon. kailangan niyang magmadali dahil may pagkakiti-kiti pa naman ang binata kaya alam niya kung hindi siya magmamadali baka hindi na niya abutan ito.

"Kainis naman dito, bakit traffic na naman?"bulong niya.

Isa ito sa kinaiinis niya dito sa Manila laging traffic di tulad sa probinsya na walang traffic. Meron man iyon ay kung may libing na sa highway dumaan, pero bukod doon wala ng ibang pwedeng magcost ng traffic.

Habang naghihintay siya ng masasakyan niyang taxi, nag-iisip na siya ng sasabihin niya sa ninong niya. Kailangan niya ng malupit na palusot para na din malaman niya ang totoong trabaho niya ng matapos na niya ito agad.

"Oh!"gulat pa siya ng may humintong sasakyan sa harapan niya at may lumabas na dalawang lalaki.

"Captain Fuentes"bulong ng isang lalaking lumapit sa kanya.

Hindi na siya nagsalita pa at sumunod nalang siya sa dalawang lalaki na sumakay na din sa sasakyan na nakahinto sa harapan niya.

Lalo siyang nagulat ng makita kung sino ang lalaking nakasakay sa loob ng sasakyan. Ang buong akala lang niya ang ninong niya ang nagpasundo sa kanya pero hindi niya inaasahan ang nakita.

"S--"

"Pumasok ka na capitan"utos nito sa kanya.

May pagmamadali siyang kumilos na sumakay sa loob ng sasakyan.

Agad na umarangkada ang sinasakyan nila, kinakabahan siyang magsalita habang nakasakay. Ni hindi nga niya magawang tumingin sa tabi niya, pero siguro kung ang ninong niya ito kanina pa siya nakasalampak at dada ng dada.

"Alam kong pupuntahan mo si Brigadier General Lumibao, but as you can see ako na mismo ang humarap sayo. I take charge in your assignment Captain Fuentes."simula nito.

Nakailang lunok naman siya ng laway niya bago siya nagtangkang magsalita.

"General Razon, ano po kasi--"

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYWhere stories live. Discover now