Ten

19.6K 566 18
                                    

MATAPOS ang kakaibang experience niya kay Leigh sa first ever date 'daw' nila. Tumuloy sila sa bahay nito at doon nagpatuloy sa sinasabi nitong date. Para siyang nahipnotismo nito na sunod-sunoran sa lahat ng gusto nitong ipagawa sa kanya.

"Trinity"tawag sa kanya ni Leigh.

Wala sa loob naman na napatitig siya sa mukha ng lalaki na nakatitig lang din sa kanya ngayon. Nasa loob sila ng kwarto nito na kung saan nakalagay ang mga merchandise nito. Ito na din pala ang nagsisilbing kwarto nito sa bahay nito.

"Do you have an idea what's going on in my mind at the moment?"tanong nito sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

Nagets lang niya ang gusto nito sabihin sa kanya ng sundan niya ang tingin nito sa kanyang dibdib.

Doon lang niya narealize na nakadress pa pala siya at may pagkadaring ang pinasuot sa kanya ng mga staff ng boutique na ngayon lang din niya napansin. Nawala na siya sa focus niya kanina ng nasa 'date' nila ni Leigh.

"Manyak ka talaga"sikmat niya dito.

Agad siyang kumilos at kumuha ng pwede niyang ipantakip sa katawan niya. nakita naman niya ang hinubad na coat ni Leigh, iyon ang agad niyang kinuha at isinuot sa katawan.

"Tsk, hindi naman iyon ang gusto kong sabihin"reklamo nito.

Sinamaan naman niya ito ng tingin bago niya ito sinasagot.

"Kung hindi iyon ang iniisip mo bakit nakatingin ka sa dibdib ko?"inis niyang tanong dito.

Nakita niyang namula ang pisngi nito bago parang totoy na napakamot sa batok ito at umiwas ng tingin sa kanya.

"Nakakadistract kasi sa laki"halos pabulong lang ang pagkakasabi nito pero rinig na rinig naman niya.

Mas lalo siyang nagalit sa sinabi nito kaya naman nang maabot niya ang unan nito agad niyang inihambalos ito sa lalaki ng paulit-ulit. Nakakaiwas naman ito sa kanya pero madalas na hindi kaya natatamaan niya ito.

Gaya ng ibang reaction nito kapag nasa ganito silang sitwasyon, nakakainis na isipin na tumatawa ito sa ginagawa niya.

"Ano ba nakakapikon na iyang pagtawa-tawa mo ha"reklamo na naman niya.

"E, sa natutuwa ako sayo magagawa mo"sagot naman nito habang hindi mapuknat ang pagtawa nito.

Hinihingal na tumigil na siya sa paghampas sa lalaki bago siya umayos ng upo sa isang tabi.

"I'm just happy na unti-unti nagtatagumpay ako"anito habang nakatitig sa mukha niya.

Naguguluhan naman na nakipagtitigan siya dito, hindi naman niya maibuka ang bibig niya para itanong ang gusto niyang itanong dito.

"Prepare yourself, magte-trecking tayo ulit bukas"utos nito sa kanya.

Muli na namang tumaas ang kilay nya sa binata sa tinuran nito sa kanya.

"Akala ko ba papasok ka na bukas?"takang tanong niya dito.

"Hmmm...sabihin na natin my company can run itself kahit na wala ako"simpleng sagot nito sa kanya.

"Tamad"tuya niya dito.

Nakita naman niyang tumawa ito na walang tunog bago siya nito iniwanan at nagtungo sa banyo.

Pero wala pang ilang minuto dumungaw ito at tinitigan siya ng malagkit.

"On the second though, mind if you join me here. Matagal na ang huling beses na may nakasex ako. Why don't we try, first time kong makikipagsex sa isang tomboy at vice versa first time mo din sa isang lalaki"anito sabay kindat pa sa kanya.

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora