Thirteen

19K 523 14
                                    


NAKAKANDONG sa kanya ang batang tinawag na Caleb ni Trinity at tinawag siya nitong Papa. Up until now hindi siya makapaniwala na kasama na niya si Trinity at may bonus pa itong kasama.

"I still can believe it"ilang beses niyang bulong ng paulit ulit sa sarili niya.

"Caleb, baba ka na dyan hindi makakain ng mabuti ang papa mo"ani naman ni Trinity.

Kumakain sila ngayon ng tanghalian, nasa loob na sila ng hotel kung saan siya tumutuloy. Bigla parang natakot kasi siyang nasa labas silang mag-anak. Baka biglang sumulpot ang isang o talaksang mga tao at bigla kunin sa kanya ang mag-ina niya.

"Hayaan mo na Trinity"saway naman niya sa kanyang pinakamamahal.

Nang titigan niya ito nakita niya ang pagkakaiba nito noon at ngayon.

"Malusaw ako"angil naman nito.

Natawa naman siya at sinenyasan niya itong lumapit sa kanya at maupo din sa isa pa niyang hita.

"Kandong mo na nga ang anak mo, pati ako gusto mo din? Baka hindi mo pa kaya"may pag-aalala nitong turan.

"No, kaya ko na"alam niyang iniisip lang nito ang kalagayan niya dahil may isang linggo palang naman siyang nakakalabas ng ospital.

"Mama, bilis na ang lakas ni papa kaya niya tayong dalawa. kanina lang di ba nakapasan ako kay papa sa balikat niya"tuwang tuwa na pang-eengganyo ni Caleb sa ina nito.

Napansin niya na deretso na itong magsalita, kahit sa murang edad palang. Isa pa na napansin niya parang maliit pa ito.

"Ilan taon ka na anak?"hindi niya naiwasan na itanong sa anak niya tuwang tuwa na kumakain na ng fruit salad.

"Hmm, two po"bibong sagot nito sa kanya.

"Two years and five months old, Leigh"singit naman ni Trinity na nasa tabi na niya ngayon.

Kinandong niya ito, agad naman siya nitong niyakap kasama ang anak nila.

"Mama, kumakain ako"reklamo naman ng bata.

Sabay pa silang natawa ni Trinity habang nakatingin sa anak nilang nakasimangot na naman habang nagugulo ang pagkain nito dahil sa pagyakap ng ina nito. ang ending, bumaba na ito sa pagkakandong niya dito at lumipat sa malapit na upuan sa kanya.

"Ayan, katabi ko pa din po kayo papa, kain na ako ulit"tabi pa nito ng matapos hilahin ang upuan sa tabi niya at nagsimula na namang kumain.

"Parang alam ko na kung kanino siya nagmana"bulong niya kay Trinity.

Tinaasan naman siya ng kilay nito habang nakatitig sa kanya.

"Anong gusto mong iparating?"pagtataray nito sa kanya.

Umiling lang siya at niyakap ito ng mahigpit.

"I missed you so much prinsesa ko"bulong niya dito.

"I miss you too Leigh, kung alam mo lang halos dalawang taong akong nabaliw sa kakaisip na patay ka na"ganting bulong nito sa kanya.

Nilingon niya ang anak nila na magana pa ding kumakain sa tabi niya. bago niya binuhat si Trinity at dinala sa kama sa di kalayuan sa anak nila. Matatanaw pa din nila ang anak nila kahit lumayo sila ng kaunti.

"Who told you that I'm dead?"tanong niya kay Trinity.

"I saw you that night Leigh, I assume that you died that night kasi bigla kaming nawala ng mga magulang ko"

Sabay pa silang napabuntong hininga na dalawa after nitong magsalita.

"kinulong ako nila mama sa isa sa mga property namin around Batanes for three years doon lang kami ng anak natin. Six months after that night I learned that I'm pregnant, after a month nanganak ako. Caleb is a premature baby, muntik na din siyang mamatay noon. Its my fault kaya maliit ang anak natin, kulang siya sa sustansya because I don't eat and always trying to kill myself knowing that you died that night. Kainis ka sa maikling panahon binaliw mo ako ng ganon"pagkukwento nito sa nangyari sa buhay nito.

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYWhere stories live. Discover now