Sixteen

16.8K 472 17
                                    

PAGMULAT ng mata niya isang hindi kilalang kwarto ang nabungaran ng kanyang paningin. Masakit pa din ang katawan niya tanda na talagang napahirapan siya. Pero ang ipinagtataka lang niya bakit wala na siya sa bodega kung saan siya pinahirapan ng mga tauhan ni Toby.

"Glad your awake!"exaggerated na sigaw ng pamilyar na boses.

Nang hanapin niya kung saan nanggaling ang boses na iyon, nakita niyang nakatayo sa tabi ng hinihigaan niyang kama ang mga kaibigan niya. lahat mukhang nag-aalala sa kanya, ganito ang nakita niyang expression ng mga mukha ng mga ito noong nagising din siya from comatose.

"Damn it brod, ang pangit mo na"biro sa kanya ni Ezekiel.

Wala naman siyang pakialam kahit pumangit na siya, ang mahalaga sa kanya ligtas na siya. Ibig sabihin magagawa na niyang puntahan ang mag-ina niya.

Biglang nanlaki ang mga mata niya ng maalala ang mag-ina niya at ang huling tagpo ng pag-uusap nila ni Toby. Magkikita nga pala si Toby at si Trinity bago siya nawalan ng malay.

Nakita niyang nagpanic din ang mga kaibigan niya.

"Anong masakit sayo, Leigh?"nag-aalalang tanong sa kanya ni Lance.

"Gaano na ako katagal na nakatulog?"may pagmamadali niyang tanong sa kaibigan.

Hindi pa niya nahintay ang sagot nito sa kanya, parang lumakas bigla ang katawan niya. bumangon siya sa pagkakahiga niya at doon lang niya napansin na nasa ospital na naman pala siya ngayon. Hinatak niya paalis ang swero niya at nagtangkang tumayo.

Sakto namang dumating ang nurse at doctor kaya pinigilan siya ng mga ito.

"Let him"utos naman ni Rome sa mga doctor.

"But Mr. Smith needs to rest"may pag-aalalang sagot naman ng doctor.

"Malakas na iyan, baka kaya pa nga niyan mangbugbug ng sampong katao ngayon"ani naman ni Ezekiel.

Napatingin naman siya sa mga kaibigan niya na mukhang kinukunsinti pa siya. No, hindi pala mukha, kinukunsinti talaga siya ng mga ito.

"We understand you Leigh, napagdaanan na namin iyan"baling sa kanya ni Rome.

"I support you, brod"tinapik pa siya ni Lance sa balikat.

Napaigik naman siya ng maramdaman ang sakit ng katawan niya sa ginawa nitong pagtapik sa kanya.

"But, fvck ang pangit mo na talaga, ako na pinakagwapo sa ating apat"natatawang turan naman ni Ezekiel.

Napailing nalang silang tatlo sa kaibigan niya, mukhang okay na talaga ito ngayon. Nakabalik na sa pagiging pilyo kagaya noon. Parehas niya kasi itong makulit noon, pero kung iba ang sitwasyon niya ngayon papatulan niya ito. hindi siya papayag sa pang-aalaska nito sa kanya.

"My wife can help you"ani Lance kalaunan.

"Kilala mo naman si Kyle, brod he can help you too"dagdag pa ni Rome.

Hindi na pansin ng mga ito ang mga doctor at nurse na kasama nila sa loob ng hospital room niya. tinutulungan na nga siya ng mga ito na magbihis sa harapan ng mga doctor at nurse.

Nakita niyang nilingon ni Ezekiel ang mga ito.

"Pwede na kayong lumabas doc. Kami na bahala sa pasyente"nakangising utos nito sa mga tao.

Wala namang nagawa ang mga ito kundi sundin ang iniutos nito.

"Sinong nagdala sakin dito?"tanong niya after ng ilang minutong pananahimik habang nagbibihis.

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu