Seven

18.2K 576 18
                                    


SIYA na ang mayaman...

Ilang beses na ba niyang sinabi ang mga katagang iyon mula kaninang maga ng umalis na sila ng manila.

Paano ba naman kasi, mula sa bahay ni Leigh hanggang sa kinalululanan nila ngayon naghuhumiyaw na karangyaan ang pinapakita nito sa kanya. alam naman niyang mayaman ito, ilang beses na niyang naexperience. Pero hanggang ngayon hindi pa din siya makapaniwala na ganito kayaman ang binata.

Kanina naman isang helicopter ang sumundo sa kanila sa roof top ng bahay nito. Inihatid sila nito sa airport papunta naman ng Palawan. At wag ka private plane lang naman nito ang ginamit nila. Paglapag sa airport sa Palawan naman isang limousine ang sumundo sa kanila at dinala sila sa isang port at ngayon nga nakalulan sila sa isang mamahaling yacht na magdadala sa isla lang naman na binili nito two weeks ago.

"Hey Trinity"tawag ng binata sa kanya.

Pero busy siya sa pag-iisip ng maari niyang gawin sa dalawang araw nilang pagstay sa isla. Naeexcite siyang bigla sa lahat ng mga naiisip niya, sana may kasambahay na maganda si Leigh doon para kahit papaano naman may mapaglibangan siya doon.

"I said, come on here Trinity"sigaw ni Leigh sa kanya.

Doon lang niya narinig na tinatawag siya nito, nakasimangot naman na pinuntahan niya ito.

"Bakit?"maangas na tanong niya sa binata.

Napailing nalang ito, bigla nitong inihinto ang takbo ng yate kung nasaan sila ngayon.

"Bakit mo itinigil?"taka namang tanong niya sa binata.

Inginuso naman nito ang harapan nito, siya naman kasi ay nakaharap dito kaya nilingon niya ang inginuso nito. doon nakita niya ang isang malapit na isla, agad siyang humanga kahit pa nga sabihin na malayo pa sila doon. kitang-kita naman ang ganda ng isla sa malayo, paano pa kaya kung lalapitan na nila iyon.

"That's the island"sabi pa ni Leigh sa kanya.

"Wow"halos pabulong niyang bulalas.

"Wow nga"

Kinilabutan siya ng maramdaman kung gaano kalapit sa kanya si Leigh, ayaw niyang lumingon sa likod niya kasi alam niyang may tatamaan siya kung sakali.

Ramdam niya ang mainit nito katawan na nakasandal na sa kanyang likod at ang hininga naman nito sa likod ng tenga niya.

"A-anong pangalan ng isla mo?"kinakabahan niyang tanong.

Hindi niya maintindihan ang sarili niya bakit madalas na siyang kabahan. Samantalang noon kahit nakaharap siya sa mga rebelde hindi man lang siya kabahan.

"Wala pa, but the previous owner named it as Isla Puti. But I don't like it"bulong nito sa kanya.

Ilang beses siyang napahinga ng malalim maging ang paglunok ng laway niya.

"You can name it, I will give you the privilege to name it because you're the first person to visit my island"muling bulong nito sa kanya.

Hindi naman niya alam kung anong gagawin niya. naisip niya lumayo muna sa binata para naman makapag-isip siya ng maayos. Na iyon nga ang ginawa niya, lumayo siya ng kaunti sa binata. Nilingon niya ang binata, kita niya itong naka-halfsmirk at prenteng nakapamulsa habang nakatitig sa kanya.

Iniiwas niya ang tingin sa binata at muling tinitigan ang isla sa di kalayuan. May naisip na siyang pangalan nito kaso lang nag-aalangan siya.

"Ayokong pangalan ang isla"aniya sa binata.

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYWhere stories live. Discover now