Eight

17.6K 495 17
                                    

ANG lakas ng tibok ng puso niya, after ng halikan ek-ek nila ni Leigh tumakbo nalang siya papasok sa loob ng rest house nito. hindi na din niya balak na lumabas ng kwarto kung nasaan siya ngayon. Kahit kumakalam pa ang sikmura niya wala na siyang pakialam pa.

Agad siyang nahiga sa kama ng masiguro niyang nakalock na ang pinto ng kwarto niya. nagtalukbong pa siya ng kumot para mas sure siyang walang ibang makakakita sa kanya. although siya lang naman ang nasa kwarto na iyon at si Liegh naman nasa labas pa.

Nakakahiya!

Paulit-ulit ang nakikita niyang itsura ni Leigh kanina habang hinahalikan siya nito.

"Urgh!, kainis kang gurang ka!"bigla niyang sigaw.

Napabangon pa siya sa sobrang inis niya, pero nawawala naman ang inis niya kapag napapahawak siya sa bibig niya.

"Trinity"

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na iyon, well obviously si Leigh lang iyon dahil sila lang naman ang magkasama sa isla.

"Lumayo ka sakin, manyak ka talaga. Hindi tayo talo, gago"inis niyang pagtataboy sa binata.

Wala naman siyang ibang narinig kundi ang yakap nitong papalayo na sa kanya. nakahinga naman siya ng maluwag ng iwanan na siya nito ngayon. Muli siyang nahiga at nagtalukbong ng kumot.

Hindi na nga niya namalayan na nakatulog na pala siya. Paggising niya maaga na, maliwanag na sa labas. Pagbangon niya biglang kumalam ang sikmura niya, hindi na kasi siya nakakain kagabi.

Iinut-inut na tumayo siya sa kinahihigaan niya. nagtaka pa siya ng makita ang ayos niya, pero naalala niya din ang nangyari kagabi at kung bakit siya nakabestida ngayon.

"Andyan pa kaya ang manyak na iyon?"tanong niya sa sarili niya.

Pero narealize niya din, saan naman kaya pwedeng magpunta ang lalaking iyon kung sila lang naman talaga ang tao dito sa isla. At alangan naman na iwanan siya nito ngayon, sino ang makakasama niya sa isla.

"Good morning, Princess"nakangiting bumungad sa kanya ang mukha nito pagbukas na pagbukas palang niya ng pinto ng kwarto.

Agad siyang napakunot ng noo sabay simangot niya ng maisip ang sinabi nito sa kanya.

"Hoy, hindi porket nahalikan mo ako pwede mo na akong tawagin na ganyan. Hayop na ito, bakla k aba?"inis niya dito.

Ngumisi naman ito bilang sagot sa kanya.

"Hmm...kung maging bakla ba ako papatulan mo na ako kasi tomboy ka"pagpapacute pa nito sa kanya.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito sa kanya. bago pa man makapagsalita ulit si Leigh umigkas na ang kamao niya at tumama na iyon sa ilong nito.

"Fvck!"mura nito.

Bulagta lang naman ito ngayon sa sahig habang nakatitig siya dito. Ni hindi man lang siya nakaramdam ng guilt ng makita ang dugo sa ilong nito.

Papaano ba naman siya magi-guilty sa lalaking ito, masuntok na tumatawa pa din.

"Magiging bothered boyfriend pa yata ako sayo, Prinsesa ko"tumatawa ito habang pinupunasan ang ilong nito.

Inirapan lang niya ito at nilagpasan, nagderetso siya sa kusina. Nakita niyang may nakahain na doon agad naman niyang nilantakan ang pagkain na nakahain dahil na din sa talagang gutom na gutom na siya.

"Kung kumain ka para kang sundalo"puna sa kanya ni Leigh.

Nabulunan naman siya kaya naman panay ang ubo niya, sobrang nagulat talaga siya sa sinabi nito sa kanya. ganoon ba siya kahalata sa mga kilos niya.

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYWhere stories live. Discover now