six

17.5K 486 8
                                    

NASA isang shooting range sila ngayon, gusto sana niyang humawak ng baril at magpractice na din. Ang kaso lang baka magtaka naman si Leigh kung bakit marunong siyang gumamit ng baril. Pakilala pa naman niya sa binata na isa lang siyang pagala-galang tomboy, na nagrerebelde sa pamilya niya.

Na kung susumahin may pagkakalapit naman sa totoong buhay niya.

"Trinity"tawag sa kanya ni Leigh.

Nakasimangot na nilapitan niya ito, naiinis siya dahil panay ang tawag nito sa kanya ng totoo niyang pangalan. Pero hindi naman niya masaway para din kasing nakasanayan na niya.

"Ano na naman ba iyon Manyak?"inis na tanong niya dito.

Ngumisi lang ito sa kanya at sinenyasan na lumapit siya dito na ginawa naman niya.

"Ano ba!"inis niyang sita dito.

Ginulo lang naman nito ang buhok niya.

"Humahaba na ang buhok mo"tumatawang puna pa nito.

Hinawi niya ang kanyang buhok napansin na din niya iyon kanina, hindi na din kasi niya maharap na magpagupit. Kahit pa nga sinasamahan niya si Leigh sa pagupitan hindi naman niya magawang magpagupit.

"Ano ba kasi at tinawag mo ako dito?"pang-iiba niya ng usapan.

"Marunong ka bang humawak ng baril?"tanong nito sa kanya.

Nag-alangan siyang sumagot, hindi din kasi niya alam kung aamin ba siya o itatanggi nalang niya.

"Hindi"iyon nalang ang naisip niyang sabihin.

"Sabagay, wala ka namang baril. Daliri lang, paano ka nga naman babaril. tsk"nakangisi na naman nitong sagot.

Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi nito sa kanya, gusto tuloy niyang upakan bigla itong lalaki na ito. Napakabastos talaga.

"manyak ka talaga!"sikmat naman niya dito.

Tumawa lang ito ng malakas habang nakatitig sa kanyang mukhang alam niya galit na galit na ngayon.

"Ano naman ang bastos sa sinabi ko, ang sabi ko lang naman wala ka naman talagang baril, unless..."pangbibitin nito sa sasabihin pa nito sabay tingin sa ibabang parte ng katawan niya. "Naputukan ka na minsan...aw!"bigla niyang sinikmuraan naman ito.

"Manyak ka talaga!"sigaw naman niya dito.

Nanlaki pa ang mata niya dahil kaysa magalit ito sa kanya dahil sinikmuraan niya ito mukhang natuwa pa ang loko.

"Ang bigat pala ng kamay mo, kahit wala ka ng baril okay lang"tumatawa na naman nitong sagot.

Naiinis na iniwanan nalang niya ito, naiinis na kasi siya napakabastos talaga ng lalaking ito. kung titignan naman kala mo sinong seryoso sa buhay. Pero kapag nakilala mo naman sobrang kalog at sobrang MANYAK.

"Hey Trinity, bumalik ka nga dito"tawag nito sa kanya na hindi niya pinansin.

Nagulat nalang siya na bago pa man siya makalapit sa upuan niya heto na si Leigh at hinihila na siya pabalik sa kinatatayuan nito.

"Tuturuan kitang bumaril, then ibibili pa kita ng isa. Proteksyon mo"seryoso nitong bulong sa kanya.

Nagtataka naman na nilingon niya ito dahil nasa likuran na niya ito at busy na sa pagtuturo sa kanya ng tamang pagbaril. Nagpanggap naman siyang hindi talaga marunong para na din mapanindigan niya ang sinabi niya.

Napansin niyang seryoso ito simula ng tinuruan siya nitong humawak at magpaputok ng baril. Maging ang pagbili ng baril sineryoso din nito, talagang binilan siya nito ng baril.

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYWhere stories live. Discover now