Eleven

17.6K 498 13
                                    


MADILIM pa sa labas ng maalimpungatan siya, para kasing may mabigat na bagay na nakadagan sa kanya kaya siya nagising. Noong una nagtaka pa siya ng mamulatan ang maamong mukha ni Leigh na nakadikit na halos sa kanya. Pero agad din niyang naalala ang lahat ng nangyari bago siya makatulog.

"Bakit ang gwapo mo pa din kahit natutulog ka nalang?"pabulong niyang tanong sa nahihimbing na binata.

Nanlaki ang mata niya ng bigla ito ngumiti kahit na nakapikit ang mata nita.

"Siguro para mainlove ka na sakin"tugon naman nito na nakapikit pa din.

Aalis na sana siya sa pagkakahiga ng mas hapitin siya nito palapit dito.

"Wag ka munang tumayo, maaga pa naman siguro o baka nga gabi palang"angal nito.

Nakadilat na ito ngayon at nakatitig sa kanya habang nakanguso na naman.

Muling nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito na ngayon ay tumutusok na sa tagiliran niya.

"Manyak ka talaga"sita niya dito.

Tumawa lang ng malakas ang binata sabay ng pagdagan nito sa kanya at halik sa mga labi niya.

"Can't get enough with you"bulong pa nito ng bumaba ang halik nito sa kanyang leeg.

Napapaungol siya habang panay ang halik nito sa kanyang leeg at ang panaka-nakang pisil nito sa kanyang dibdib. Doon lang din niya napansin na nakasuot na pala siya ng isang putting tshirt na oversize, siguro damit ito ni Leigh. Dinamitan siya nito habang natutulog siya kaya hindi na niya alam na nakadamit na pala siya.

"I love you so much Trinity"bulong nito sa kanya.

Bumuntong hininga siya habang magkalapat muli ang kanilang mga labi.

"Sige na nga gurang, mahal na din ata kita"aniya ng maghiwalay ang kanilang mga labi.

Kitang-kita niya ang pagkabigla sa mukha ni Leigh pero agad ding nakabawi at muling sinalakay ang kaniyang mga labi.

Akmang huhubarin n asana ni Leigh ang tshirt na suot niya nang makarinig sila ng kaluskus mula sa labas ng bahay.

Nang lingunin niya ang ulunan nila nakabukas pa din pala ang pinto kung saan sila pumasok kanina ni Leigh ng dumating sila.

At dahil sa glass wall ang buong bahay, kitang kita nilang dalawa ang mga paparating na mga tao na maliksing nagkukubli sa mga puno.

Mabilis ding may inabot na parang remote si Leigh, pinindot nito ang ilang button nito. nakita niyang parang nagsara ang mga salamin na mula sa pagiging transparent naging kulay itim ito. kasabay noon ang pagdilim sa buong paligid nila.

Agad na bumaba sa pagkakadagan sa kanya si Leigh. Mabilis nitong naabot ang isang drawer at inilabas doon ang dalawang baril. Iniabot nito sa kanya ang isang, inabutan din siya nito ng isang magazine ng bala. Sunod na ibinigay nito sa kanya ang tatlong lighter.

"Anong gagawin ko dito?"takang tanong niya patungkol sa lighter.

"Just press the button and throw it if necessary"may pagmamadaling sagot nito.

Napadapa sila ng sunod-sunod na pinaulanan sila ng bala. Hindi naman agad nabasag ang glass wall ni Leigh, mukhang high class na salamin ang mga ito. napaulanan lang sila ng bala mula sa nakabukas na pintuan.

"Fvcking Shit!"sigaw ni Leigh.

Nag-aalala namang tinignan niya ang binata, baka kasi tinamaan ito kaya ang lakas ng pagkakamura nito.

GENTLEMAN'S QUEEN #4: TRINITYOù les histoires vivent. Découvrez maintenant